Dahil sa pinalayas ako sa klase. Dumiretso na lang ako sa roof top ng building namin. Lintek na Amber kase yon! Siya na nga ang nakinabang sa assignment ko! Ako pa tong kinarma! Gigil nila ako. Sarap pagumpugin!Binuksan ko na ang pintuan ng rooftop at bumungad saken ang malamig na hampas ng hangin.
Pumikit ako. Tahimik dito.
At syempre ayun ang gusto ko, walang maingay, walang dadak ng dadak, walang puputak at walang mang iistor--
"BULAGA! "
"Ay unggoy!" agad akong napadilat. Sinong lesheng hinayupak ang nanggulat saken!
"Ako unggoy? Grabe ang gwapo ko namang unggoy kung nagkataon" ani ng isang tinig. Napalingon agad ako. Ano daw?
"IKAW NA NAMAN? ARE YOU FOLLOWING ME? " agarang pagtataray ko ng makita ko kung sino.
Eto yung lalaking asungot kanina sa library. Sunod sunod ba talaga ang pangbubwisit saken ngayon? Jusko! Pumunta ako dito dahil ayoko ng maingay pero andito naman pala tong manok na to na walang ginawa kundi pumutak ng pumutak!
Tumalikod nako.
Wala na akong balak manatili dito.
Akmang aalis nako ng hablutin niya ang kanang braso ko.
"Oh, teka teka.. Aalis kana? Kakarating mo pa lang ah? Halika samahan mo muna ako dito. Ayaw mo bang masilayan ng matagal ang gwapong unggoy na sinasabe mo? " hinila hila pa niya ang braso ko na parang bata na nanghihingi ng pera.
"Close ba tayo? Ni hindi kita kilala"
Humaba ang nguso niya. Napangiwi ako, talo niya pa ang bata.
"Dito naman talaga ang punta mo diba?"
"Nagbago na ang isip ko, may allergy ako sa manok" napangunot ang kilay niya sa sinabe ko.
"Manok? Teka may manok ba dito? Asan? Wala naman ah?"
Tanga! Hanapin daw ba!
"Ewan ko sayo, bitawan moko. Aalis nako" kahit anong pagpiglas ko ayaw niya parin akong bitawan. Hinila niya pa ako. Huta
"Ano ba! Bitawan mo sabi ako!" reklamo ko.
Pero para siyang bingi diretso parin sa paghila saken. Kinakalmot kona nga ang braso niya wala paring talab.
"Bakit mo ba ako hinihila?!" inis na inis na talaga ako sa lalakeng to. Ha! Ni hindi ko siya kilala. Ang lakas ng loob! Utang na loob!
"Alam kong dahil saken ayaw mona tumuloy kaya.." tumigil siya pagkasabe niya at humarap saken. Ako naman si tanga naumpog sa dibdib niya. Aray ah! Ang tigas ng dibdib ng manok! Ibang klase.
"ANO!?" bulyaw ko sa mismong mukha niya.
"Kaya hinihila kita. Diba obvious?" ngising pangaasar nito.
"Ha!" di makapaniwalang sabi ko. Tiningnan ko siya ng masama. Walangya to. Ang tigas ng bunggo. "Sino kaba? Ang lakas ng loob mong hawakan ako! Malilintikan ka sakeng hinayupak kang manok ka! Pag nagkamarka tong braso ko dahil sa panghihila mo saken! Alam mo naman palang ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko ng umalis dito! Bakit mo pa ko pinipilit!" mahabang sabi ko. Halos masabunutan kona ang sarili ko dahil sa inis. Nanggagalaiti ako.
"Kase gusto ko?" ayan na naman ang ngisi niya. Perfect talaga siya bilang panira ng araw ko! Okay calm down. Manok lang yan! Kalma wag ng patulan. Inhale exhale.
Pero tan*ina talaga! Nagiinit ang ulo ko! Ipapakatay ko lahat ng manok sa mundo! Including him!
"Wag mong ubusin ang bait ko Mister" yumuko ako.
BINABASA MO ANG
As The Fate Speaks
Teen FictionThe brat met his fate at a wrong circumstances. Do you think they will end up in a happy ending? or the fate itself ends up the relationship they have.