Yung feeling na ang pangit ng gising ko, pero sobrang ganda ko parin.
Tamad akong bumangon at hinampas ang alarm clock ko na kanina pa maingay. Tumayo ako at pumasok ng banyo.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng dapat gawin. Lumabas nako ng kwarto at bumababa.
"Manang, nasaan sila dad at mom?" tanong ko kay Manang Selia.
"Nasa garden sila iha, may pinaguusapan ata. Mukhang importante" tumango tango ako.
Umupo ako at pinagsilbihan ng mga katulong.
Pagtapos kong kumain, nagpaalam nako kay Manang bago lumabas.
Naabutan ko ang parents ko na naguusap.
"Mom, Dad papasok na ako" paalam ko sabay halik sa pisngi nila.
"Take care my princess" lintanya ni Dad. Tipid akong ngumiti.
"Bye baby" ani Mom. Kumaway sila panandalian bago nagusap ulit. Busy huh? Malamang business na naman.
Ano pa bang bago? Sanay nako.
"Maam Vivian, diretso school po ba? " tanong ng driver ko. Tinanguan ko siya at pasalampak na umupo sa backseat.
***
Maaga akong nakapasok kaya dumiretso ako sa office ng Dean para malaman kung saang section ako lilipat.
Room A-1
Higher section huh?
Hinanap ko ang room A-1.
Malayo pala ito sa building ng dati kong room. Panigurado talagang hindi kona makikita si ilong. Aba dapat lang.
Huminto ako sa paglalakad at tinignan ang bago kong room. Apparently andito nako sa harap ng pinto. Walang pake akong basta pumasok at naghanap ng upuan sa dulo na malapit sa bintana.
Lahat sila nakatanga na ultimo nakakita ng multo.
Magandang multo.
Pagkaupo ko idinukdok ko agad ang ulo ko pahiga sa desk. Inaantok pa ang lola niyong dyosa.
Nakapikit nako ng marinig ko ang bulungan sa paligid.
Hinayaan ko na lang, ang ganda ko kasi kaya madalas ako ang pinag chichismisan ng mga panget na tao.
"The famous brat are here. What a surprise? Hindi na ba nila nakayanan ang ugali mo kaya pinalayas ka at napadpad dito? Well para sabihin ko sayo, wala ka sa teritoryo mo. I am Brenna by the way. Nasusuka akong makita ka. It's not nice to meet you" napaangat ako ng ulo sa narinig ko.
Brat daw? Taray ah.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Bago siya taasan ng kilay.
Plastik ang ngiti niya.
"Brenna right?"
Tumango siya at ngumisi.
"Pwede ba kitang matanong?" sabi ko sabay ngiting maldita.
"Sure"
Tsk. Amoy basura!
Umupo ako ng naka dekwatro at seryoso siyang tiningnan.
"As far as Im concerned, Ang laki na nga ng tiyan mo, nagawa mo pang mag crop top na damit. Idol mo ba si Winnie the pooh?" tanong kong mapangasar.
Kita pa pusod! Hindi bagay!
Napalitan ng shock expression ang kanina niyang plastik na ngiti.
"How dare you! You're such a brat! Ha! Tama nga ang sabi nila. Ang kapal ng mukha mo para lait laitin mo lang ako?" inis na sabi nito.
BINABASA MO ANG
As The Fate Speaks
Teen FictionThe brat met his fate at a wrong circumstances. Do you think they will end up in a happy ending? or the fate itself ends up the relationship they have.