Chapter Five

10 1 0
                                    


"Yung huli na nga siya! Pero nagsisinungaling parin. T*ngina! Kulang pa ba ako? Ang lakas ng loob niyang gaguhin ako! Huhuhu"

"Ikain mo yan" alok ko kay Amber ng kinakain kong ice cream.

Nandito kami ngayon nakaupo sa mga bench. Sa likod ng building ng department namin. Yes namin, bakit nga ba? Nagpalipat lang din naman si Amber sa section ko.

Hayaan na, buntot ko yan e.

"Konti na nga lang tayong magaganda! Tapos tayo pa yung niloloko! Walang hiya siya!" ngawa niya sabay lamon nung cone.

Napakunot ang noo ko.

Naunahan pako maubos? Tindi ng litid ng bituka nito.

Mabulunan sana.

Wala pa naman akong tubig, napatawa ako.

"Ano bang nangyare? " asik ko. Umayos siya ng upo sabay hablot ng panyo ko.

Broken hearted ang Ambersyosa niyo.

"Hayop na Jake yan! Ang kapal ng mukha! May girlfriend na lahat lahat! Nagawa pang makipaghalikan sa ibang babae at ala-"

"Magulat ka kung sa lalake nakipaghalikan" sabat ko. Inirapan ako ng bruha.

"Sa public area pa sila naghahalikan! Ano yon friendly kiss? Kisskissin ko mga pagmumukha nila sa pader e! Ang sakit sakit!" umiiyak niyang sabi sabay singa sa panyong hawak niya.

Kadiri talaga.

Im sure puro uhog na yang panyo na yan .

Wala talaga-

Teka abat! Panyo ko yun ah!

"Kadiri ka Amber! Itapon mo na yan! Wag mo ng ibalik saken!" angal ko.

Inis siyang suminga ulit at suminghot singhot pa.

"Niloko ka diba? Edi hayaan mo na lang, mamamatay rin yan. Wag mo siyang habulin, hindi ka naman aso" paliwanag ko.

Yumuko siya.

"Nagmakaawa ako sa kanya kanina. Umiyak nako lahat lahat sa harapan niya. Sinabe kong kaya kong kalimutan ang kalokohang ginawa niya. Pero ang masakit don, pinagtabuyan niya ako! Pinagpalit niya yung limang taon na pinagsamahan namin dahil lang sa may higad na lumandi sa kanya. Pero anong dapat kong gawin e mahal ko padin"

Isang malakas na kutos ang binigay ko sa kanya.

Para matauhan sa kagagahan.

Iniharap ko siya saken.

"Amber, tayong magaganda kahit kelan hindi manlilimos ng atensiyon kahit kanino, para lang manatili sila. Kung gusto niyang umalis, ihatid mo. Marami pang lalake sa mundo. Hindi siya kawalan. Okay?" malumay na sabi ko. Pinahid ko ang luha sa mata niya.

Kaya ayokong mainlove e, puro sakit lang ang dala niyan.

"Ipangako mo saken na hindi mo na siya hahabulin at babalik balikan"

Tinanggal niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"Gaya nga ng sinabe ko, mahal ko diba? Kaya hindi ko maipapangako sayo" giit niya sabay ngiti ng mapait.

Napailing ako.

Wala akong masabe.

Matigas ang ulo, may mali ata sa ugat neto sa utak.

Padabog kong inalis ang kamay kong hawak niya.

"Sige! Balikan mona. Tanga ka naman e! Iniwan kana, pinagpipilitan mopa! Nanunuyot ang utak ko sayo. Kung may subject lang siguro sa katangahan, malamang ikaw ang manguna!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

As The Fate SpeaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon