Chapter 3: First Meet, First Kiss
Faye's POV
Maaga akong gumising. Kagabi nakita ko na ang number ng date kung kailan ako papatayin, pero di ko hahayaang mamatay ako sa date na yun, gagawa ako ng paraan para makapasok kami ni Krystal sa Top 10 students. Para mabuhay pa kami dito. Kung natatanong niyo kung ang number ko ay 31 . August 4 ngayon so ilang days nalang ang natitira sa buhay ko. Kailangan kong kumilos.Teka, nakalimutan ko palang tignan yung number ni Krystal. Hala, kailangan kong makita agad yun.
"Krystal.!" tawag ko sakanya
"Oh bakit?" lumapit siya sa akin, nakauniform na siya kaya agad kong tinanggal ang butones ng uniform niya, nagtaka naman siya sa ginawa ko.
"Hoy ano bah?" naiiritang tanong niya sa akin. Tinignan ko ang number na nasa likod niya, gulat na gulat ako sa nakita ko number 10 siya. Mauuna pa siya sa akin? Tae naman oh!!
"Shocks, mauuna ka pa kesa sakin" bulong ko sa sarili ko na kinakabahan
"Anong mauuna?" narinig niya ang sinabi ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sabihin ang sekreto na nalalaman ko, patuloy naman siyang nakikinig sa akin. Wala na akong pake kung papatayin nila kami, dun rin naman ang punta namin. Kaya mas magandang nalaman na ni Krystal ang sekreto para makaiwas na kami sa gagawin nila sa amin.
"Hala! Totoo ba yan?? Pano na tayo?" takot na takot na tanong niya sa akin. Ako rin natatakot na, pero walang magagawa ang takot namin kung nakatayo lang kami dito, at hinihintay ang katapusan namin.
"Gagawa tayo ng paraan" seryosong sabi ko . At tumango nalang siya bilang pagsang ayon. Pumasok na kami sa klase, at mukhang hindi na sila masyado tumitingin sa amin. Wala pang teacher kaya, napagtanto kong humanap ng paraan o solusyon para makalabas na kami dito.
"Bess, san ka pupunta?" hawak ni Krystal sa braso ko para pigilan ako kung saan man ako pupunta.
"Maghahanap ng solusyon" mahinang sagot ko sakanya ,at nag iba ang awra niya.
"Gago ka bah?! Hindi pwede. Kailangan kasama mo ako" pagpupumilit niya sa akin. Kaya wala na akong iba pang magagawa ,makulit talaga siya eh. Hindi sya titigil hanggat hindi nasusunod ang gusto niya.
"O sige. Tara" umalis muna kami sa room na yun at pumunta sa library para makapagbasa ,malay namin na baka may mahanap kaming detalye.
Naghiwalay kami ni Krystal ng bookshelf na pinapasukan pero nasa library lang kami. Walang katao tao dito kundi ang librarian lang at kami pero di ako sure kung may iba pa. Naghanap hanap ako ng mga librong tungkol sa university na toh.
===
Krystal's POV
"Andami namang alikabok ,kainis" sabi ko sa sarili ko habang naghahanap ng mga libro.
'Ayun'
Nung kinuha ko ang isang libro ay nanlaki ang mata ko nang may humawak sa kamay ko na lalaki kaya biglang kumabok ang dibdib ko ,at dahan dahang tinignan ang mukha niya.
"Anong hinahanap mo?" malamig na tanong niya sa akin, kaya medyo napapikit ako.
"Ibuka mo yang mata mo, di mo makikita ang pagka hot ko" yabang putcha. Hot daw? Utut mo!
Pero nung dahan dahang lumapit siya sa akin. Parang kinabahan ako parang may kasamaan siya sa loob niya. Pero parang hindi naman .
Binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang mukha niya ,di maipagkakailang gwapo nga talaga siya, ang tangos ng ilong niya, ang pula ng labi at ung mata niya talaga eh. Grabe naman toh! Esheshesh nababaliw nanaman ako.
BINABASA MO ANG
Hidden University (COMPLETED)
Mystery / Thriller*The School product by the Secrets* Some secrets might kill you. Prepare yourself when you already get the secrets you want to know, they might give you a nightmare. University with a lot of secrets , a university with a HELL GOD ,a university with...