Chapter 1:Welcome to HU
Krystal's POV
Maaga kaming nagising ni Faye dahil pupuntahan namin ang school na sinabi sa akin nung babae. Nagdala kami ng mga damit dahil baka pagdating namin dun ay magsimula na kaming mag aral. Mas okay na yung ready, nagdala rin kami ng pera para sa tuition fee. Hindi alam ng parents ko na lilipat ulit ako ng school. Well I dont need to inform them maybe Im just annoying them.
Nung pinuntahan namin ang address na yun. Nagtaka kami na gubat ito. Naglakad kami papunta dun. Masyadong madaming puno walang katao tao. Kaya pala tinawag na hidden university dahil tagong tago talaga.
"Krystal, school ba talaga ang pupuntahan natin? Parang mag ha-hiking lang ata tayo eh" reklamo ni Faye, sabagay tama naman siya kanina pa kami palakad lakad pero di namin makita kung saan ba yung school na yun
"Hay naku. Wag ka ng magreklamo, ginusto mo rin kaya toh" sabi ko sakanya at nagpatuloy na kaming maglakad.
"Ayun oh, may tao, tanungin ntin" turo niya sa lalaking naglalakad, nilapitan namin yung lalaki at nakakapagtaka dahil may dala siyang pang ngangaso. Uminom muna ako ng tubig dahil sa pagod kakalakad.
"Manong pwede po bang magtanong?" tanong ni Faye sa lalaki
"Ano yun?"
"Saan po ba dito yung Hidden University?" tanong ko sakanya at ngumisi ito.. Nakakatakot
"HAHAHAHA sigurado ba kayo?" nagkatinginan kami ni Faye sa sinabi nung lalaki.
"Opo" sambit ni Faye
"Halikayo, sundan niyo ako" sumunod nalang kami at naglakad, medyo malayo ang napuntahan namin.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang Hidden University, ibang iba ang larawan na binigay samin sa nakikita namin ngayon. Luma na ang gate nito parang kinakalawang na. Pumasok kami at may sinwipe na card yung lalaki sa gate, dahilan ng pagbukas ng gate. Kaya namangha kami ni Faye. Sinundan lang namin ang lalaki.
Pagkapasok namin bumungad sa amin ang mga estudyante ang dami nila, yung iba mukhang problemado ,yung iba ang daming tattoo, di ba nila pinagbabawal yan? May nakita rin kaming iba ang uniform ng iba. Nakablack sila na may nakalagay sa braso na HG yung iba naman is normal lang ang uniform kulay blue ito.
Pinapasok kami ng lalaki sa isang office at lumabas na yung lalaki.
"Good afternoon to the two of you. Im Mrs. Lucillia" nagulat ako sa nagsalita, siya yung ,siya nga.
"I-ikaw?" nauutal na sabi ko ,ngumisi na naman siya .. Nakakatakot naman toh.
"Yes, at mukhang may sinama kang isa... Mag eenroll na ba kayo?" tanong niya sa amin habang nakaupo siya sa swivel chair pinagmasdan niya mula paa hanggang ulo si Faye at ngumiti lang ito.
"Opo"sagot ni Faye. Sinenyasan niya kami na umupo sa sofa, at sumunod naman kami.
"So, magkano po ung bayad dito?" tanong ni Faye
"WALA." seryosong sagot nito. nakakapagtaka naman na walang bayad ang school na toh. Eh ang gaganda ng uniform nila tapos walang bayad? Imposible talaga
"Seryoso?" biglang tanong ni Faye.
"Yes.. Pero may mga rules dito na kailangang sundin para hindi mapahamak ang buhay nyo" nagtaka kaming dalawa sa sinabi niya. Mapahamak ang buhay? Anong ibigsabihin nun?
"Anong rules?" sabay na tanong namin ni Faye
"First of all, SHUT YOUR MOUTH AND KEEP YOUR SECRETS ON YOUR OWN. IN THIS UNIVERSITY THERE IS NO ONE THAT YOU CAN TRUST. Second, sa school na toh madaming sekreto kaya dont let your curiosity drives you! And the last but definitely not the least STALKERS ARE DANGEROUS THEY ARE WATCHING YOU!" natakot ako sa mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
Hidden University (COMPLETED)
Mystery / Thriller*The School product by the Secrets* Some secrets might kill you. Prepare yourself when you already get the secrets you want to know, they might give you a nightmare. University with a lot of secrets , a university with a HELL GOD ,a university with...