Chapter 5: Question of Death
Krystal's POVAko ang naunang gumising dahil nga dito natulog si Lei, kailangan kong maghanda ng masarap na breakfast para pag gumising sila kakain nalang sila. Syempre mabait kaya ako, pasaway lang pero pag ako kinalaban ,naku! ... Inaalala ko lang ang mga sinabi sa akin ni Lei kahapon ,na pinapasok ako ni Mrs. Lucillia dito para pahirapan. Pero bakit? Anong mali ang nagawa sa buhay niya? Eh hindi ko nga alam kung sino siya, at bakit niya ako kilala. Di kaya, stalker ko siya? Maliban nalang kung may nagawa ang pamilya ko sakanya. Pero imposible.
Hayst! Kailangan ko ng kumilos baka di ko mamalayan na papatayin na nila ako habang nakatalikod.
"Krystal, ang aga mo naman magising" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko habang nagluluto ako.
-_-
Si Lei lang pala, pinakaba naman nito ako. Bigla bilang sumusulpot.
"Nakakagulat naman ang pagsulpot mo Lei"
muntik na akong matalsikan ng mantika dahil sa niluluto kong hotdog at Itlog.
"Opps, sorry Krystal kung ginulat kita. Hehehe" sabi nito at nag peace sign. Tinawanan ko nalang siya. Umupo siya sa upuan habang umiinom ng tubig.
"Okay lang yun. Bakit nga pala ang aga mong nagising Lei?" tanong ko sakanya habang nagluluto parin.
"Wala lang, di lang kasi ako sanay pag wala ako sa sarili kong kama. Kaya maaga akong nagising " paliwanag nito.
"Ahhh ganun bah. Gusto ko sanang dito ka nalang patirahin or mag stay para naman sa ganun may kaibigan narin kami na makakausap lagi. Tsaka hindi na kami ni Faye laging nabobored or naiilang sa ibang estudyante" sabi ko at pinatay na ang apoy para ihanda na ang niluto.
"Nakakahiya naman kung ganun Krystal. Bago niyo lang akong kaibigan dito tapos papatirahin niyo na ako agad" mahinhin na sagot niya sa akin at tinulungan ako sa paghahanda ng pinggan.
"Tama ba ang narinig ko? Papatirahin mo na si Lei sa dorm natin?" biglang sulpot ni Faye na bagong gising.
"Ahm kasi Fay—" pinutol niya agad ang sinabi ko.
"Lei, please pumayag kana!!! Dito ka nalang sa dorm namin tumira para naman may kasama kaming katulong sa paglabas sa school na toh. Diba marami kang nalalaman?? O edi matutulungan mo kami!" gulat na sabi niya. Kala ko di papayag itong bruhang toh. Tumawa nalang ng mahina si Lei
"Hahaha sige na nga dito nalang ako titira sa dorm niyo. Wala din naman akong kakilala dito so, kukunin ko yung mga gamit ko mamaya sa dorm ko para ilipat dito. " nginitian nalang namin siya at umupo na kami para kumain at makapasok na sa school.
(At the school)
"Class, what is hypothesis? I know that all of you is know this. Since grade 7 your teachers already discuss this lesson" tanong ng teacher namin. Duh?? Ang dali naman niyan.
"You" turo sa akin ng teacher kaya tumingin ako sa likod ko dahil baka hindi ako. Pero nakatingin sila sa akin kaya tumayo nalang ako at sumagot.
"Hypothesis is a tentative solution in a problem " kinakabahang sagot ko dahil lahat sila nakangisi lang yung para bang mga demonyo na may binabalak. Nakatingin lang sa akin ang teacher at nakangisi lang din. Wala man lang ba siyang balak magsabi ng "very good" ? Wow ha
"What is kill?" nagulat ako sa tanong ng teacher sa akin. Kaya tumingin ako kay Lei para itanong gamit ang mata kung bakit ganyan ang tanong niya. Pero biglang nagsalita ulit ang teacher kaya bumalik ang tingin ko sa guro.
BINABASA MO ANG
Hidden University (COMPLETED)
Misterio / Suspenso*The School product by the Secrets* Some secrets might kill you. Prepare yourself when you already get the secrets you want to know, they might give you a nightmare. University with a lot of secrets , a university with a HELL GOD ,a university with...