Chapter 4: New Friend?

6.3K 157 26
                                    

Chapter 4: New friend?

Faye's POV
   
  
Magkaiba kami ni Krystal ng subject na papasukan kaya nasa math room ako habang siya naman ay nasa Science Class. Wala parin kaming teacher, bakit kaya laging ganun, laging walang teacher. May number din kayang binibigay sa kanila si Mrs. Lucillia? Napakademonyita talaga niya.

"Hey Girl" lumapit sa akin ang QUEEN daw, ops...di naman pala siya ang queen dito. Bakit ko siya papansinin? Baka manggulo lang toh. Nagtinginan ang mga classmate namin. Ano bang meron sa babaeng toh!

"Why!?" tanong ko sakanya pero di parin ako nakatingin sa itsura nyang andaming makeup.

"Anong nagyari sa paghahanap mo ng sekreto?" umikot siya sa upuan ko na parang may binabalak. At naka cross pa ang kamay

"What do you mean?" walang ganang tanong ko sakanya

"Excuse me. You're not facing at me" napairap nalang ako sa hangin dahil nakakainis sya. Di ko naman siya kinakausap eh. At wala akong paki sakanya.

"At bakit naman ako haharap? Eh wala naman akong titignan sayo?"

"Wala kang respeto sa Queen!" sigaw niya at bigla niya akong hinila sa pagkakaupo ko ,kaya medyo nakarinig ako ng punit sa uniform ko ,ang lakas nya. Pero walang hiya siya.

Ang ayos ayos ng pagplantsa ko dito tapos gugusutin pa niya? Punyeta toh ah

"Hindi naman ikaw ang Reyna dito. Kaya wag kang magreyna reyanahan dahil di bagay sa ugali mo!" sigaw ko

"Sinusubukan mo ba ang kakayahan ko?" gigil na sabi niya sa akin. At hawak hawak parin ang braso ko na halos mabaon na ang kuko niya.

"Bitawan mo nga ako!! Wala akong oras para makipag away sayo. Lalong hindi ko naman gugustuhing makipag usap sayo!" sigaw ko sakanya at pilit tinatanggal ang pagkakahawak sa braso ko. Nagulat ang mga estudyante sa nangyayare kaya lumabas sila, at nakasilip lang sa bintana para panoorin kami.

"So sinusubukan mo nga talaga ako. Lets see who will win" nakangising sambit niya

*PAAAAAAKKK!*

Kaya napahawak ako sa pisngi ko sa lakas ng sampal niya. Binitawan niya ang braso ko, at hinila ang buhok ko.

"Araaaaaaay!" sigaw ko.. Pilit kong inaabot ang buhok niya pero dahil nga hanggang balikat lang niya ang buhok niya. Di ko siya mabawian. Kinagat ko ang kamay niya. Kaya napabitaw siya.

"Letcheeee!" sigaw nito, at may kinuha sa bulsa niya, nilabas niya ang isang icepick at tinutok sa mukha ko. Nagulat ako dahil wala akong kalaban laban pag matatalim na ang kaharap ko. Tumingin ako sa pinto pero sinara ito ng mga estudyante, gago talaga sila. Bwisit. Palapit siya ng palapit sa akin, kaya palayo naman ako ng palayo sa kanya at nag iisip ng paraan.

Ayoko pang mamatay.

"You know what? I love doing this!" nakangiti paring banggit niya habang palapit ng palapit sa akin. At tumatawa siya ng parang demonyo.

Tumakbo siya sa akin para saksakin ako pero nakaiwas ako kaya kinuha ko ang upuan at hinagis ito sakanya dahilan para mabitawan niya ang kutsilyo.

Tumakbo ako sa pinto para pilit na buksan ito pero nakatayo na siya at hinawakan ang buhok ko dahilan ng pagtulo ng luha ko sa sakit.

*BLAAAAAAAGGGG!*

*PAAAAAAKKKKK!*

*POOOOOOOOOOOOOOKKK*

Hidden University (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon