“CHANCELLOR, finally, you answered my call.”
Mula sa bintana ng sasakyan ay napabaling si Carol kay Chancellor. Nakakabit ang earphone sa tainga nito habang kausap ang nagsasalita sa speaker phone na nakakonekta sa cell phone nito.
Nang sabihin niya kay Chancellor na pupuntahan niya ang kaibigan ng lola niya na maaaring makatulong sa kanya ay nagpasya itong sumama sa kanya.
“Why the sudden call, Wallace?” sagot ni Chancellor sa kausap nito.
Narinig niya ang buntong-hininga ng kausap ni Chancellor sa kabilang linya.
“I need your help, pare.”
Mahinang tumawa ang katabi. “I guess, babae na naman ang problema mo?”
Umakyat ang mga mata niya sa mukha ni Chancellor. Ito ang unang beses na nakita niyang tumawa ang lalaki. At isa lang ang tanging masasabi niya. Lalo itong gumuguwapo kapag ganoon.
“Damn that bratty girl. Kaninang madaling araw, nagulat ako ng sugurin niya ako sa unit ko. She's acting like a creepy stalker. Pati adress ng condo ko, inalam.”
“Ano'ng tulong ang kailangan mo sa'kin?”
“Puwede bang tumuloy muna ako sa condo mo, pare?”
Bahagyang sumulyap sa kanya si Chancellor bago sumagot sa kausap nito. “Sorry, Wallace. My place is not available for you right now.”
“What? Don't tell me nag-uuwi ka na ng babae sa condo mo?”
“Shut up, Wallace. Just try Hades.”
“I knew it, Chancellor. May kasama kang babae ngayon, ano?” nang-aasar na wika ng kausap nito.
“Just shut up. I'm hanging up now.”
“By the way, who's the girl? Si Grace—” Naiiling na pinutol ni Chancellor ang tawag. “Tsismoso talaga.”
Alanganing tiningnan niya ang iiling-iling na mukha nito. “Dahil sa'kin, hindi mo tuloy mapapatuloy ang kaibigan mo.”
Balewalang nagkibit-balikat lang ang lalaki. “Don't mind it. Ayoko rin namang kasama iyon sa condo. He's annoying.”
Hindi na siya sumagot. Hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin. Sumandal siya sa upuan nang biglang magpreno ng malakas si Chancellor. Napasubsob siya sa dashboard ng kotse.
“Damn!” Malakas na mura ng lalaki. Napapikit siya at napahawak sa noong muntik nang tumama sa harap ng sasakyan. “Hey, are you okay?”
Nang imulat niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang mukha ni Chancellor. Mas nabigla pa siya nang mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. “Carol, speak up.”
“O-okay lang ako.” Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nautal.
“Are you sure?” Tama ba ang nakikita niyang pag-aalala sa mga mata ng lalaki? Napaawang ang mga labi niya nang hawakan nito ang noo niya. His palm was hot. Awtomatikong naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa pagdikit ng mga balat nila. “Yeah.” His face was only inches away from hers, his hand was gently caressing her forehead. And her heart was starting to beat frantically.
“Okay lang ako.” Bago pa lumala ang nararamdaman niya, siya na mismo ang nag-alis ng kamay nito sa noo niya.
“Next time, huwag mong kalimutang magseatbelt,” kunot-noong wika nito nang lumayo sa kanya.
“S-sorry.” Nanginginig na ikinabit niya ang seatbelt sa sarili. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang nagwawalang sistema. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit sa tuwing hinahawakan siya ni Chancellor, bumibilis ang tibok ng puso niya?