Marahang dinilat ni Alyssa ang kanyang mga mata.. matapos ay mariin nya ulit na pinikit..
Pinakiramdaman nya ang mga pasa sa kanyang katawan..
Ang mga sugat sa braso at sa muka..
Unti unti nya ulit dinilat ang mga mata.
Puting kisame..
Ligtas ba sya? O nasa langit nasya?.
Tumingin sya sa kapaligiran at nakahinga ng maluwag ng makumpirmang nasa Hospital nga sya.
Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa noon ang mga kaibigan nya .
Tol ano na? Grabeng gumawa sayo nyan ah? Pinaiimbistigahan nanamin wag kang mag alala - tapik sakanya ni Kim.
Nakilala moba kung ilan at sino sino sila? Mga muka nila? - sunod sunod na tanung sakanya ni Gretchen.
Kumilos sya para itagilid ang kanyang katawan..
Nakatakip lahat ng muka nila... Apat na lalake.. hindi ko alam pero.. Agent 13 lang ang natatandaan ko.. - sagot ni Alyssa sa mga kaibigan.
Agent 13? Ano namang kasalanan mo sakanya? - kunot noong tanong ni Marge.
Hindi ko alam waps.. pero kita ko sa mga mata nya ang galit.. Ngapala ... alam naba ni Ara ang nangyare saken? Bakit hindi nyo sya kasama? - tanong nyang muli.
Ah. Si Ara? Kanina panya alam.. nandun nga sya nakikipagusap sa Doctor mo.. alam mo ang swerte mo talaga dyan sa bestfriend mo eh? 4 months palang kayong magkaibigan pero wagas ha! Swerte ng college life mo Ly!. - tawa ni Mika dito.
Ano ba kayo? Alam nyong bestfriend ko yun .. tsaka isa din sya sainyo.. - bato ni Alyssa ng unan dito.
Kelan ang resbak natin sa lahat ng bumugbog sayo Alyssa? At sa Agent 13 nayan? - tanong ni Kim na kinukuyom kunwari ang mga kamao.
Oh.. ayan nanaman kayo Guys.. resbak nanaman nasa isip nyo kaya mapahamak itung tol ko eh - nakangiting pumasok si Ara at pinaghahampas ng pabiro sina kim.
Napakaltak naman si Alyssa ng makita ang kaibigan.
Hi.. kamusta pakiramdam mo? Masakit paba katawan mo? Ikaw naman kasi hindi ka nagiingat - alalang umupo ito sa tabi nya .
Ayonn. Sweet naman talaga! - kantyaw ng mga kaibigan.
Okay nako tol tsaka wag kangang concern nakakabakla ka! . - tawa ni Alyssa sa kaibigan.
Nako.. Hahahaha! - tawang balik ni Ara sakanya.
Ara pwede ba kitang pormahan? Uunahan ko lang si Alyssa - sigaw ni Marge kay Ara na ikinakunot ng noo ni Alyssa.
Hoy! Hindi tayo talo! Hahaha ano ba sa tingin nyo? Pare pareho lang tayong babae ang gusto! .. balik tayo sa training mamaya. Yung mga baril nyo inayos nyo naba mga ungas? - tawa ni Ara sa mga kaibigan..
Ara naman... away nanaman iniisip mo hindi kapanga magaling eh.. tsaka ano ba kasing nangyare sayo ha Alyssa? - pitik ni Kim sa noo ni Alyssa.
Waps.. ihahanda kona yung sarili ko para sa mga taong yun.. lalo na kay Agent 13 kailangan hindi sya makalapit sa buhay ko.. - ngiti ni Alyssa dito.
Kaya nga pumayag na kayo na ituloy nanatin ang ensayo... - Gretch.
Sige sige.. ganto pagkalabas ko dito magkitakita tayo sa dating place.. - tango ni Alyssa.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Break Her Heart Agent 13
Fiksi PenggemarMaraming pagkakataon na nakakasakit tayo.. at sa dami ng ng yon eh hindi na halos natin alam kung sino ba yung mga taong nasaktan natin. Pero pano kung bumalik ang taong yun sa kasalukuyan? hindi para patawarin ka kundi para iparanas sayo ang mas ma...