Chapter 24 ( Contin.)

2.8K 89 7
                                        


Hahaha! bitin talaga yung Chapter 24 .. hindi kopa kasi dapat i uupdate eh nadamay kaya ayun Haha..  Eto na ang part 2 .

------------------------------------------------------



Dennise Michelle Garcia Lazaro.. - Ara.

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan..

Panong alam ni Ara ang buo nyang pangalan..

At kung kilala nya si Michelle that means na alam nitong sya ang totoong Michelle Lazaro.

Sa seryosong muka ni Ara ay may lumapat na ngiti mula dito.

Hey.. What? I just call your name - natatawang sabi nito.

Bakit parang ang gaan gaan lang nito? Bakit parang matagal nang alam ng taong kaharap nya ang pagkatao nya..

A..ara - utal na tanging nasabi ni Dennise.

Hindi moko kalaban Dennise.. Una palang na nakita kita sinabi kona sa sarili ko na hinding hindi ko makakalimutan ang babae nato. Nerd with the eye glasses. And that shits book she always with. Pinangako ko na i wont let someone hurt this girl.. Dennise naalala moba nung sinabi ko sayo na handa akong maging panyo mo tuwing paiiyakin ka ni Alyssa? - hinawakan ni Ara ang kamay nya at pinunasan ang luha nito.

Vic.. Ikaw ba talaga yan? - hindi makapaniwalang tanong ni Dennise.

Tumango si Ara..

Hindi nako nerd no? Well hindi naman talaga.. Ginawa kolang yun para mapalapit sayo. At maprotektahan ka.. - Ara.

Pero.. Alam moba.. Kelan mopa alam? - Dennise.

Una palang na nagpakilala ka bilang Dennise Garcia.. Nung una nagdalawang isip pako pero hindi ako maaaring magkamali Den. Ewan ko kung bakit hindi yun nakita ni Alyssa - Ara.

Vic ang kilala ni Dennise .. Ito yung taong nasasandalan nya tuwing magaaway sila ni Alyssa noon.. Sobrang laki ng pinagbago ng itchura nito... Kaya marahil ay di nya nakilala..

Nakakainis ka naman Vic eh! Bakit ngayon kalang nagpakilala huk..huk.. Miss na miss na kita alam moba yun - hampas na iyak ni Dennise dito.

Muli ay pinunasan ni Ara ang mga luha nya at tumingin ito ng deretsyo sakanya.

Marahil ay malaki na ang pinagbago mo Den.. Pero gusto kong magpakatotoo ka sakin at pagkatiwalaan moko.. Kaninong anak si Eli? - kunot noong tanong ni Ara na nagpatahimik kay Dennise.



Kasunod nun ang luhang sunod sunod na pumapatak mula sa mata ni Dennise.

Gusto kong sabihin mong mali ang hinala ko Dennise.. - Ara..

Umiling si Dennise habang umiiyak..

Sana nga mali ang hinala mo Vic.. Pero hindi.. Anak sya ni Alyssa.. Anak namin sya - Dennise.

Tinuloy mo padin ang gusto nya?! Kala koba hindi kapa handa.. Dennise masyado kapang bata that time! - hinilamos ni Ara ang kamay nya.

(alam nyo naman siguro yung process nayun diba? Dikona ieexplain kung pano nangyare )

Don't be mad at me Vic.. Ginawa ko yun dahil mahal ko.sya at ayokong malayo sakanya.... That's why kahit binalaan ako ng doctor sa state.. Tinuloy ko at hinding hindi ko pinagsisisihan na meron akong Eli.. - Dennise.

She have to know - mariin na sabi ni Ara.

No.. Please Vic no.. - Dennise pleaded.

Pero Dennise may obligasyon sya kay Eli.. Sainyo - Ara.

OPERATION: Break Her Heart Agent 13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon