Third

29 15 0
                                    

Ngayon ay last week ng November kaya ramdam na ramdam mo na talaga ang lamig ng hangin. Kanina, sa school, ay hindi kami masyadong nagtambay ni Opay sa labas dahil nga sa panahon. Niyaya ko siya kung gusto niya ba akong samahan, ngayon ko na kasi kakausapin yung senior na kaibigan ni Ace. Yes, I reached him on facebook. Someone I know happened to be his friend, kaya naman talagang maituturing kong swerte ako ngayon. Pero pupunta pala si Opay sa hospital at pinatawag siya ng Mommy niya. Kaya mag-isa ako ngayong naghihintay dito sa food chain kung saan ko siya nakitang binati si Ace.

Hinatid ko muna si Ace sa amin bago ako nagpunta dito, alam din nitong kaibigan niya na dapat ilihim kay Ace ang pagkikita namin. By the way, he is Reynold.

"Sorry, kanina ka pa ba?", bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan. Sa tono ng pananalita niya ay halatang magkalayo ang edad nila ni Ace.

"Alam kong nag-aalala ka kay Ace.", bungad na salita niya.

"Ilang taon ka na?", tanong ko dahil napapansin kong hindi siya nag-po sa akin.

Nagulat ako sa isinagot niya "21". Matanda pa siya sakin. Napatingin na lang ako at winawari kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Alam kong mahirap paniwalaan dahil baby face ako.", he smirked. "Biro lang. Nag-stop kasi ako ng limang taon sa pag-aaral. Hindi kasi madaling pagsabayin ang paglalaro ng computer at ang pagpasok sa school."

"So, mas pinili mo ang computer?"

"Oo. Yun kasi ang hilig ko, hindi ang magbasa ng libro.", tumawa siya.

Napatitig na lang ulit ako sa kanya, matutuwa ba ako kagaya niya? O maiinis ako dahil parang tama ang hinala ko na masamang impluwensya siya kay Ace?

"Pero nagbago na ako." Itinaas niya ang gitarang dala niya. "Binago ako ng musika".

"Paano kayo nagkakilala ng kapatid ko?"

Iniangat niya ulit ang gitarang dala niya. "Dito?", nagtaas ako ng kilay. Anung ibig niyang sabihin? "Palagi ko siyang nahuhuli noon na nakasilip sa amin. Kahit saan ang lugar ng jamming naming magkakaibigan ay nandun siya. Nakita ko sa mga mata niya na uhaw siya sa isang bagay. Nakita ko kung paano niya titigan ang mga daliri ko habang tumitipa ako sa gitara. Isang araw ay niyakag ko siyang sumama samin. Nagulat pa nga yung kapatid mo nun. Kung kaya ko lang i-drawing ang reaksyon niya non, mapapakita ko sayo.", nagkukwento siya sa tonong parang joke lang ang lahat.

"Baka magduda na sa akin si Ace kapag nagtagal pa ako.", sabi ko sa kanya. Nagets niya naman agad ang sinabi ko.

"Nung araw na sumama siya samin, dun ko nakita yung ngiti niyang minsan ko na ring naisuot nung unang beses akong nakatapos ng isang kanta sa gitara. Madali siyang natuto at sa amin niya lang din pinakita na may talent din pala siya sa pagkanta. Simula noon ay lagi na siyang sumasama samin. Pati sa 4PM practice namin ay sumasama siya, bumuo kasi ako ng banda sa section namin."

"So, kayo nga yung dahilan kung bakit hindi niya pinapasukan ang chemistry subject niya?", galit na tanong ko.

Pero ngumiti lang itong kausap ko. "Alam na namin na yan ang iniisip niyong lahat. Na bad influence kami kay Ace. Kahit ang totoo, yung bata mismo ang may gustong sumama sa practice namin kasi gusto niyang sumali sa isang banda. Pangarap niya yun. Hindi namin siya pinipilit. Minsan na nga rin namin siyang pinagtaguan pero ganun pa rin, nabalitaan naming hindi pa rin siya pumasok sa kahahanap samin. Nung araw na nagkita tayo dito, yun din yung araw na kinausap ko si Ace tungkol sa ginagawa niya. Kagaya mo, gusto ko lang din namang itama ang pagkakamali niya."

"Pero hindi siya papayagan ni Mama. Ayaw ni Mama na humawak siya ng gitara."

"Yun din ang isang problema. Kaya ayaw na ayaw niyang malaman niyo kung saan siya nagpupunta tuwing alas-kwatro at kung bakit palagi siyang sumasama sa amin. Pero ako na ang magmamakaawa sa iyo, tulungan mo siya. Tulungan mong ipaunawa sa Mama niyo kung ano ang masasayang kapag hindi pinagpatuloy ni Ace ang pangarap niyang ito. Ako na ang magsasabi nito, malayo ang pwede niyang marating at pwede ko siyang tulungan dun. Payagan niyo lang siya."

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon