Paggising ko nung umaga ay hinanap ko agad si Mama. Pero sabi ni Ate Maddy ay kinailangan nitong pumasok ng maaga. Si Ace naman ay nagpaalam sakin na gagabihin ngayon kaya hindi ko na siya sinundo. Siguro, napagisip-isip niya yung sinabi ko kahapon.
Kinamusta ako ni Ate Maddy at sinabi kong naiintindihan ko naman si Mama. Kahit hindi talaga. "May malalim na dahilan ang Mama mo kaya siguro ganun ang naging reaksyon niya kagabi. Pero kahit kailan anak ay wag na wag kang magagalit sa kanya. Wag na wag kang magtatanim ng sama ng loob kahit kanino lalo na sa Mama mo.", sabi niya pa. Alam ko naman iyon. Hindi naman ako galit kay Mama, hindi ko lang talaga siya maintindihan. "Hayaan mo at kakausapin ko siya.", iniwang pangako sa akin ni Ate bago siya umalis sa tabi ko.
Si Opay naman ay hindi rin makapaniwala nung sinabi kong pupunta rin si Trace sa concert.
"Anung sinabi mo sa kanya? Sinabi mo ba na 'See you' o kaya 'excited akong makita ka'. Ano! Ano! Anung sinabi mo?"
"Wala."
"Wala? Bakit wala?"
"Ewan ko. Basta wala. Natulog na kasi ako."
"Don't lie! Alam kong may naramdaman ka nung nalaman mong pupunta rin siya."
"Well, oo. Nainis ako."
"Bakit ka naman nainis?"
"Feeling ko kasi sinusundan niya ako."
"Ang feelingera mo na Louisa! Kung ikaw nga hindi mo alam na makakapunta ka dun sa concert, siya pa kaya na palagi mo rin namang sinusungitan? Huwag ka ngang ano dyan."
Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa sagot niya. Siya rin kasi ay feel na feel ang pagsesermon sakin. "Oo na! Oo na! Nagbibiro lang naman ako. Syempre kahit papaano, ewan ko ba, parang na-excite din ako nung nalam-Aray!", bahagya akong hinampas ni Opay sa balikat. Grabe talaga siya. Kinikilig na naman yata nang walang dahilan.
"See? You felt that too! Don't be so indenial nga!", then she smiles. Maybe she's right, I'm indenial.
Sorry I can't help it. I can't put too much trust to someone I don't even know where he lives. But why am I feeling this?
"Pag-usapan niyo kung ano ang isusuot niyo, para madali natin siyang makita.", dagdag pa ni Opay. Paano kapag nalaman niyang hindi ako pinayagan?
Hindi. Hindi. Kakausapin pa ni Ate Maddy si Mama tungkol dito. Makakapunta ako. Mapapanuod ko ang Elixir. Makikita ko si Blake. Makikita ko si -
"Mas excited akong makita yang ka-chat mo kaysa sa Elixir."
Ako rin yata. Mas excited akong makita siya kaysa kay Blake. Bakit ganon?
Maaga akong nagpunta ngayon sa kwarto dahil maaga akong kumain.
Trace: Hey!
Trace: You're online! Should I cry now?
Louisa: Bakit?
Trace: Haha. Hindi mo kasi ako nirereplyan kagabi pa. Hi Louisa :)
Ang saya-saya niya yata ngayon.
Trace: What are you doing now?
Louisa: Kausap ka?
Trace: Haha! So, can I call you? I guess you're not busy anymore.
Pumintig na naman ng bahagya ang puso ko. Shit. Anu ba!? Bakit ba kinakabahan ako sa idea na maririnig ko ang boses niya?
Louisa: Okay. Pero saglit lang.

BINABASA MO ANG
Kismet (Completed)
Teen FictionA story becomes a love story when their hearts move in mysterious ways, that 'no one' becomes 'someone' and when something becomes unexpectedly magical. This is a normal connection between a fan and her idol. But their story is not quite normal. Ori...