Fifth (Last)

33 14 2
                                        

December 31.

Three Days after nung pangyayaring yun, oo na! Sige na! Mahal ko na nga ata si Trace. Pero ayoko, ayokong ituloy 'tong nararamdaman ko. Ayokong tuluyang mahulog sa taong hindi ko pa nakikita at hindi ko lubusang kilala.

Ay tanga, nahulog na pala ako.

Pero mali ito hindi ba? Hindi naman ito tunay na pagmamahal. Paano mo iibigin ang taong sa computer mo lang nakilala?

Gabi-gabi siyang nagmemessage sakin pero hindi ko talaga siya nirereplyan. Tinitiis ko kahit alam kong gustong-gusto ko na siyang makausap. Gusto kong masigurado muna kung tama ba itong nararamdaman ko.

Narinig ko na lang ang malakas na sigaw ni Ace galing sa ibaba. "MAGALIT KAYO SAKIN! MAGALIT KAYO SA AMIN! MAGALIT KAYO SA MUNDO! Dyan naman kayo magaling hindi ba?"

"Mama!", sigaw ko nung makita kong sinampal niya si Ace. Agad naman siyang hinawakan ni Ate Maddy.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Wala kang alam kaya wala kang karapatang sabihin sakin yan! Ako ang Nanay mo, baka nakakalimutan mo!"

"Buong buhay ko tinatawag kitang Mama pero hindi ko kailanman naramdaman yun. Para lang akong batang walang magulang na pinatira mo dito dahil lang kailangan mo! Pero hindi, hindi ka naging Ina sakin!"

Sinampal ulit siya ni Mama. Pero hindi tumigil si Ace. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nasasaktan ako. Bakit ganito? Bakit hindi pwedeng isang beses lang dumating ang problema? Bakit kailangang magsabay-sabay sila?

Hindi na ba talaga ako magiging masaya?

"Nakita mismo ng dalawang mata ko ang mga sulat niya sa'yo. Ang mga album niya na tinatago mo, ang mga bagay na binigay niya sayo at ang picture na magkasama kayo! Nakita ko ang pagluha mo nung kinanta ni Ate ang kanta ni Papa para sa'yo! Bakit ba hindi niyo na lang sabihin samin? Siya ang Tatay namin hindi ba?", tanong ni Ace dahilan para mas maguluhan ako.

Kaninong sulat? Album? Picture? Tatay namin? Shit! Anu bang nangyayari?

"Naririnig mo ba ang sarili mo Ace?", tapos tumingin siya sakin. "Louisa? Hindi niyo siya Ama! Hindi siya karapat-dapat tawaging Ama niyo! Iniwan niya ako, iniwan niya tayo", she started crying. "Mas importante ang lintik na banda niyang yan kesa satin! Kaysa sa inyo! Bakit ko hahayaang tawagin niyong Ama ang isang katulad niyang hindi tayo binigyan ng halaga?"

Bigla na lang tumakbo si Ace sa kwarto niya, sa tingin ko ay hindi niya na kinaya ang emosyon niya at mapapaiyak na siya. Gustuhin niya mang sumagot pa kay Mama ay mas pinili niya na lang na tumahimik. Kung iyakin siya nung bata, yun na ang bagay na pinaka-iiwasan niya ngayon.

After that big mess between Ace and Mama, Ate Maddy explained it all to me ..

Kilalang-kilala ang pamilya nila Mama dati sa lugar nila at marami ang lalaking may gusto sa kanya. Kahit sila lola ay may lalaki nang inilaan sa kanya. Pero wala siyang gusto sa kahit sino man dun. Hanggang sa lumipat sa street nila ang isang pamilyang galing sa America. May nag-iisa itong anak na naging kaibigan ni Mama. Ang pangalan niya ay Louie Ray, ang nanay niya ay Pilipina na nakapag-asawa ng Amerikano. Isang buwan lang dapat sila sa Pilipinas nang magkasakit ang lola ni Louie at napagpasyahan nilang magtagal pa. Ilang buwan bago tuluyang nahulog ang loob ni Mama sa binatang si Louie. Kahit ayaw ng pamilya niya ay ipinaglaban niya ito. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang masasakit na sinasabi ng lola ko at napagpasyahan nilang mag-tanan. Lumayo sila at ang tanging bumubuhay lang sa kanila ay ang gabi-gabing pagtugtog at pagkanta ni Louie sa maliliit na videoke bar. Hindi ito sapat lalo na nung nalaman pa nilang buntis na pala si Mama sakin. Gustuhin man ni Louie na alagaan si Mama ay alam niyang hindi makakaya ng kaunting kinikita niya. Mahal niya ito ngunit alam niyang mas makakabuti kung ibabalik niya na ito sa pamilya niya at lalayo na lang. Nagalit si Mama sa desisyon niyang yun. Ilang buwan din siyang hindi nagpakita kaya napagpasyahan na ni Mama na ituloy ang kasal sa lalaking matagal ng gusto ni lola para sa kanya. Tinanggap siya ng lalaki kahit pa alam niyang nagdadalang-tao na ito.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon