First

172 20 23
                                    

Author's Note: This is a completed manuscript. The entire story is in Louisa's Point of View. Enjoy reading!

1

Marami akong hindi maintindihan sa buhay ko. Marami akong tanong na parang wala namang sagot. Ang alam ko lang ay sumasaya lang ako sa oras na napapanuod ko ang idol ko.

"Hindi ka na nagsawa dyan! Gabi-gabi mo ng pinapanuod yang mga yan. Anu bang nakukuha mo dyan?", galit na tanong ni Mama bago umalis.

Patuloy lang ako sa pagkanta kasabay ng tugtog nila. Dati, nung hindi pa sila gaanong sikat, nakakaya nilang mag-upload ng video araw-araw. Pero iba na ang mundo nila ngayon, hindi na lang sila basta sa maliit na studio kundi sa malalaking stage at city na nagpeperform.

Ako si Louisa Madrigal, fan ng Elixir na isang American Band. Naging interesado kasi ako kay Blake na vocalist nito, isang Filipino-American. Pero hindi ako yung fan na makikita mong nagkakandarapa sa idol nila. Ayaw rin kasi ni Mama ang pag-fafangirl ko sa kanila. May isa akong kapatid, si Ace. Strikto si Mama na halos lahat na lang ipinagbabawal sami. Si Ace, hilig niya rin ang manuod ng banda at marunong rin siyang kumanta. Pero ayaw ni Mama na makita siyang may hawak ng kahit anong instrumento.

"Isang saway na lang Louisa! Hindi mo na mahahawakan yang laptop mo."

Agad ko namang naisara ang laptop sa gulat ko. Alam ko kasi na hindi nagbibiro si Mama.Pinatay na ni Mama ang ilaw nung alam niyang nakahiga na ako. Kasabay ng pagpikit ng mata ko ay ang pagbabalik ng masasayang pangyayari noong bata pa ako sa luma naming bahay.

Medyo may malay na ako nung taong buntis si Mama kay Ace. Sa dating bahay namin ay may music room na puno ng iba't-ibang instrumento. Pinaglalaro pa ako dun ni Mama dati at masaya rin siyang pinaparinig sakin ang paborito niyang kanta na hindi ko alam ang pamagat. Natatawa pa nga siya kapag naiisip niyang malungkot ang meaning ng kanta na yun pero napapasaya siya nito sa tuwing naririnig niya. "Hindi kasi lahat ng kanta, nasa lyrics ang tunay na mensahe. Minsan makikita mo ito sa puso ng mismong kumanta.", ang tandang-tanda kong linya niya sa amin ni Ate Maddy, kasama namin sa bahay. Palagi niya ring pinapakita ang paborito niyang kwintas na bigay daw ng Papa ko, hugis nota ang pendant nito.

Dumating na yung araw na ipinanganak si Ac, katulad ng ulan nung panahon na iyon na basta na lang bumagsak ay ganun din ang masasayang ngiti ni Mama. Unti-unti, napapansin kong busy na siya sa trabaho at iniiwan niya na lang kami kay Ate Maddy. Hindi niya na ako hinahayaang maglaro sa music room at nakikita ko na lang siya minsan na umiiyak habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta. Katulad ng ulan na nawala ay hindi ko rin alam ang dahilan ng mga iyak ni Mama.

Hanggang sa tuluyan na kaming lumipat ng bahay. Dahil bata pa ako noon, ang tanging ikinalungkot ko lang ay ang mga instrumentong nilalaro ko sa music room.

Pero ngayong 19 years old na ako, naisip kong hindi lang pala yon ang dapat na ikalungkot ko. Kundi yung mga masasayang moments namin ni Mama sa lumang bahay namin. Hindi ko na iyon muling naranasan ngayon, hindi ko na muling nakita na ngumiti si Mama. Naging boring ang buhay namin.

Madalas kaming binubully noon sa school dahil wala kaming kinilalang Ama. Ang pinag-kaiba lang namin ni Ace ay lumalaban ako habang siya, tinatakbuhan at iniiyakan na lang ito. Nung nalaman ito ni Mama ay hindi niya na pinahiwalay sakin si Ace. Gusto niyang ihatid ko ito sa room nila, samahan tuwing break time at sunduin kapag uwian. Dahil takot na takot ang kapatid ko sa mga kaklase niya ay pumayag siya kay Mama.

Ngayong college na ako ay hindi na kami magkasama ng school ni Ace. Napapansin ko rin na hindi na siya komportable kapag hinahatid at sinusundo ko siya sa gate ng school nila. Hihintayin niya lang ako dun pero hindi kami magsasabay sa paglalakad. Binata na kasi siya at alam kong napipilitan na lang siya dahil kay Mama.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon