Chapter 1
"Zoe! Anak, may pasok ka pa!" rinig ang sigaw ni mama mula sa labas. As much as, ayaw ko pa, bumangon na ako at nag simula na mag ayos. Naligo, saka nag suot ng uniform.
Ang yaman ng school, kinulang naman sa tela. Ano ba 'to, ba't ang ikli ng skirt nila.
"Ako na magha-hatid kay Ivan. Mag almusal ka na diyan." sabi ni mama habang inaasikaso ang kapatid kong si Ivan.
"Sure po ba kayo?" tanong ko at kumuha na ng pagkain para makasimula na kumain.
"Oo. Alas-nuwebe pa naman pasok niya. Ikaw, baka ma late ka pa."
Daya naman. Gusto ko rin maging grade 1.
Kumuha agad ako ng pagkain at inilagay sa pinggan ko para mag umpisa na. Naka tatlong kutsara na ako nang nakita ko ang orasan sa pader. Ilang minutos na lang bago 7:30! Dapat pa-alis na ako ganitong oras kaya binilisan ko ang pag kain. One spoon after another.
"Alis na po pala ako, ma. Late na ako!" sabi ko kay mama at tinapos ang pag toothbrush.
Kinuha ko ang bag ko mula sa kwarto saka mabilis na lumabas ng bahay. Syempre hindi ko kinalimutan i-kiss si mama at Ivan.
Tinakbo ko mula sa bahay papunta sa kabilang kanto para makasakay kaagad ng jeep. Muntik pa akong masagasaan ng tricycle.
Mag sa-sampung minuto na akong nakatayo sa kanto, pero wala paring jeep na dumadaan! Tinignan ko ang orasan na sa kaliwang kamay ko.
Patay. Male-late na talaga ako neto.
Sa sobrang inis ko, nagsimula akong mag lakad pabalik balik sa kanto. Bakit ba walang jeep ditong dumadaan?
"Oh, Zoe! Anong oras na! Wala bang jeep?" May lumabas na ulo sa maliit na bukasan ng tindahan.
"Yun nga po problema ko, eh. Late na ko." sagot ko saka kinamot ang ulo ko. Ang aga-aga, stressed na ako. Ramdam ko din ang pawis ko na tumagaktak dahil sa init.
Hindi naman ako pwede mag cutting dahil first day of school ko 'to sa bagong school na trinansferan ko. Although, tempting ang mag cutting at mag tago nalang kay mama, masama yun at baka mawalan pa ako ng scholarship pagkabukas.
Ika nga nila, It's better to be late than nothing, diba?
"Ipahatid nalang kaya kita sa kakilala ko?" tanong ni ate Bing, mukhang nag aalala sa akin.
"Talaga po ba?" parang gumaan ang konting bigat na dinadala ko. Buti nalang talaga, good vibes kaming dalawa.
"Oo naman. Ano ka ba!" saka siya pumasok sa tindahan niya.
Binigay ko sa kanya ang tiwala ko at nag hintay ng tahimik sa labas.
Ilang minuto ang nakalipas, at wala paring may dumating. Maraming sasakyan na ang nakadaan, pero walang may tumigil sa harapan ko.