Chapter 7
Meron akong love and hate relationship sa weekends. I love it dahil rest day at walang pasok; but then, I hate it dahil bitin. Minsan sa sobrang pagkatapos mong matulog, pag gising mo ay lunes na at papunta ka na ng school. Kaya this weekend, i e-enjoy ko ito ng sobra. Matutulog ako ng buong araw.
Pabalik palang ako sa kwarto ko para simulan ang aking hibernation, agad kong narinig ang tawag ni mama na bumalik daw sa kusina. Sa pagmata ko sa palapag niyang ballpen at grade one na papel, parang lumuho ang mundo ko. Alam ko kung saan papunta 'to. Lahat ng plano ko ngayong araw, na pag tulog, ay biglang napalitan ng pagiging panganay duties.
"Eto ang listahan." inabot ni mama ang isang nakatiklop na papel. "Siguradong sobra yan, sayo na."
Kaya naman dito ako ngayon, nakasimangot sa jeep, papunta ng grocery store para bumili ng mga lu-lutuin ni mama para sa 'konting get together' niya. Wala akong ideya sa buong ganap, pero alam kong ako ang bibili ng mga pagkain para sa lu-lutuin niyang ako rin ang kakain.
Bumaba ako sa harap ng grocery store at dali-daling kumuha ng malaking cart. Kailangan kong bilisan para makabalik ako kaagad at makabalik sa dating plano. Matulog.
Hindi ko na iniisip ng maigi kung ano ang una kong kukunin. Kung ano ang makikita ko, ayun na lang kaagad ang kukunin ko. Pero of course, tingin-tingin din sa price para siguradong meron tayong matira.
Thirty minutes in at hindi ko pa napupuno ang cart. Mayroon pang halos isang dosena na hindi ko nakuha. Pagod na ako, gusto ko ng umuwi at matulog.
"Pano ba 'to." bulong ko sa sarili ko habang pumipili ng mga sibuyas na puti. Saka ko nalang kinukuha pag pasok sa beauty standards ko.
Habang iniinspection ang isang sibuyas, nagulat nalang ako nang may biglang may naglagay ng isang sibuyas sa plastic na hawak ko. Sinundan ko ang kamay na may hawak na panibagong sibuyas na para bang tinitignan rin ito, at ipinasok ulit sa plastic ko.
"How much do you need?" tanong niya habang hawak ang panibagong sibuyas na parang pinapakita sa akin.
"Ginagawa mo rito?"
Ngunit hindi niya pinansin ang tanong ko, "Ilan pa?"
"Anim." sagot ko nalang sa kanya. Naglagay siya ng isa pang sibuyas at hinawi sa kamay ko ang plastic para ibigay sa nagtitimbang ang kinuha niya.
Sumandal siya at humalukipkip. Tinignan ko ang kabuuan niya. First time ko ata makita si Vaughn na naka casual, to the point na parang naka pambahay lang siya. White shoes, black sweatpants, at gray na hoodie. He looked comfortable, yet classy.
Parang unfair naman ata 'to. Halata po ang favoritism nyo, Lord.
"What's that look for?" tanong niya at tinignan din ang sarili mula sa paa.
Umiling ako, "Wala. Ang baho mo." lie. Ang bango niya nga.
He rolled his eyes, inabot ang sibuyas na kakatapos lang timbangin, at ipinasok sa cart ko. "Bawang?" tanong niya, tumango lang ako.