Chapter 5

20.6K 190 28
                                    

Chapter 5

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 5

Akala ko nung una mahihirapan akong maghanap ng mga kaibigan, mag fit in — actually, in general lang talaga. Mahirap malagay sa isang bagong environment especially if feeling mo 'di ka belong and if 'di ka lumaki kagaya nila.

Pero pagkatapos ng isang buwan, marami kang makikilala na magiging kasama mo pauntang canteen at lahat lahat. Halos kaibigan ko na ang buong classroom! Pero minsan, meron paring may mag papakulo ng dugo mo.

"Good morning." bati ng nakahilig na Vaughn sa door frame. At oo, 'di parin ako tinatantanan ng loko. Tinitigan ko lang siya mula sa paa hanggang sa tip ng buhok niya at binigyan ng isang tango.

Quarter-to-four na akong nakatulog kanina kaya ang sama ng pakiramdam ko. Kahit kailan ay 'di ko talaga na feel ang need matulog ng sobrang late kaya hindi ako sanay na halos tatlong oras lang ang tulog.

Pagka-upo ko sa upuuan ko, unang idea ko kaagad ay matulog. Ulit. Kahit konti lang talaga. Sayang naman ng 15 minutes ko if wala akong gagawin. Gumala ang kamay ko sa buong mukha ko habang sinusubukan kong pigilan ang paghikab, ngunit 'di gumana. Wala naman kasing may nag sabi na gagana kaya with eyes in the process of closing, sinabay ko na ang pag lapag ng mga kamay ko sa lamesa para gawing unan.

At 'di ko alam kung ilang minuto akong naka ganon, pero nagising nalang ako na ang mga kamay ay sa gilid at ang ulo ay nakahiga sa unan. Like a fish out of water, I rose up quickly and my eyes met the eyes of our second period teacher.

Nginang 'yan oh. Sabi 15 minutes, hindi one hour and 15 minutes!

Tinaasan niya ako ng kilay at napayuko ako sa kahihiyan. Wala man lang may gumising sakin. Kahit sana pagalitan ako for sleeping, siguradong magigising ako. Pero wala naman akong may narinig. Teacher or classmate, walang may nag attempt na gisingin ako. Submission pa naman ng isang project nung first subject. Binigyan pa ako ng struggle para hanapin ang classroom ng teacher na yun.

And just as I think things wouldn't get worse, "Good Morning, Ms. Smith." sabi ng teacher sa harap. Kaya 'di na ako nagulat nung may mga tumalikod para tignan ako.

I wiped the sides of my mouth to make sure there's no dried saliva before looking straight, "I'm sorry for sleeping in your class, Ms. Guillermo."

"You better be." saka nag bigay ng pekeng ngiti. "The next time won't be acceptible. Do you understand, Ms. Smith?"

"Yes, Miss." Ngumiti ulit siya at pinatuloy ang tinuturo niya.

The next hours after that class, sinigurado ko na hindi na ako ulit makakatulog. And surprisingly, 'di na ako nakatulog. May konting hikab nga from time-to-time pero 'di naman ako ulit nakabalik sa panaginip ko.

"Lunch with me, Sleeping Beauty?" bulong ng lalake na nakaupo sa likuran ko the moment nagsabi ang teacher ng goodbyes.

"Pass." maikling sabi ko at inayos ang bag para makalabas for lunch.

My Fuckboy BoyfriendWhere stories live. Discover now