Chapter 3

20.1K 192 13
                                    

Chapter 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 3

Second day, at hindi na ako late!

Sinigurado ko talaga na naka on ang alarm ko at lahat lahat. Nag baon na rin ako this time, para kahit konti ay makapag save ako anytime magyaya ang mga bago kong kaibigan sa galaan, ready ako!

Since hindi nga ako late, marami akong mga nakasabay papasok ng school. Nakakaliit ang mga mamahaling sasakyan na nag hahatid sa kanila. Parang nakakahiya sabihin na sumasakay ka sa jeep papunta dito.

Not to mention, ambabango pala ng mga tao sa corridor, nakakasakit sa ilong. Napaka cheap naman ng ilong ko, ayaw sa mga mayayaman.

Sa sobrang pag huhula ko sa mga brand ng mga bag ng ibang mga estudyante ay napatili ako sa gulat nang may biglang kumalabit sa balikat ko.

Naiinis akong tumingin sa kaniya at tinignan siya nang masakit sa mga mata. Ano nanaman problema ko sa kaniya?

"Zoe, right?" tinanguan ko siya at tinanguan niya rin ako bago sumenyas na sundan siya. "Follow me."

Aba, wala man lang hi o good morning?

Bago pa ako makapag reklamo ay unti-unti na siyang nawala sa dagat ng mga estudyante. Wala akong choice at mabilis na nilakad hanggang nasa likod niya na ako.

Tahimik akong nakasunod sa likod niya hanggang nakarating na kami sa canteen. Dumaan pa nga siya sa bilihan ng pagkain para bumili daw ng 'Waffles with syrup. Don't forget the sugar po. Powdered Sugar.' bago kami tuluyang umupo sa mga lamesa.

Kumagat siya sa pagkain niya, at nag yaya pa kumain. "Alam kong nakita mo ako kahapon."

Kumunot ang noo ko, "Huh?"

"You know. Alam kong magkaibigan na kayo ni Kate." at kumagat ulit sa waffle niya.

"Ano ngayon? Akala ko ba ay break na kayo?"

"Alam ko. I feel like shit, kase alam ko she deserves better. She's been so good with me, kahit alam niya." Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gusto niya rin si Kate?

"Kahit naman sabihin ko sa kanya na may babae ka, hindi naman siguro magugulat yun. Ika mo nga, 'kahit alam niya.'" at dahil wala namang patutunguhan ang usapan na 'to, tumayo na ako, umakmang umalis.

"Saka, 'bat ka ba affected? Parang may gusto ka rin sa kanya." at tuluyan na akong lumabas ng canteen.

Pangiti-ngiti akong lumabas sa canteen. Feeling ko ang galing galing ko nung tumayo na ako. Parang actress ako sa isang pelikula, nakakatawa.

Nagtagal ako sa paglalakad papuntang classroom na hindi ko namalayan na may kasabay na pala akong naglalakad, at konti na lang ang mga estudyante sa labas.

"What made you act up?" tanong ni Vaughn sa gilid ko na kanina pa nakasunod.

Umiling ako, "Wala." at binilisan ang paglalakad, iniwan si Vaughn sa likod.

Nauna akong nakarating sa classroom. Kung hindi ko nakasabay ang teacher namin papasok ng classroom ay hindi ko narealize na matagal kaming magkasama ni Nathan.

Ramdam ko ang titig ni Vaughn sa likod ko habang sa klase. Minsan pa nga ay nararamdaman ko na iniihip niya ang buhok ko sa likod.

Hanggang sa dumating na ang lunch. "Class dismissed."

Tinawag ako ni Ellie at inaya para sumama sa kanila. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Kita sa gilid ng mata ko si Vaughn na nakalagay ang mga paa sa lamesa, sa kaliwang kamay ay may ballpen na malapit sa labi.

Pogi naman pala pag tahimik.

"Zoe!" tawag ni Rachel. "Sa labas lang kami, aayain sina Kiera."

Tumango lang ako, at lumabas na sila. Iniwan ko ang ibang gamit ko sa lamesa ko para magaan lang ang bag ko saka ito isinirado.

Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa pulsuhan ko. Sinundan ng mga mata ko ang kamay na nakahawak sa pulsuhan ko. Vaughn.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bago inalis ang kamay sa kamay ko.

"Lunch?" tanong niya.

"Oo, lunch time na." aalis na sana ako ulit, kaso hinawakan niya ulit ang pulsuhan ko. "Ano ba?"

"Lunch with me?"

"May kasama na ako. Sina Ellie at Rachel." sagot ko.

"Come on." umayos siya sa pag upo. "We can go outside for lunch? Tuesday food sucks." ungol niya.

"May mga kaibigan ka naman. Sila isama mo." reklamo ko. Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin niya, umalis na ako.

Magkasama na sina Rachel, Ellie, at Kate. "Hinihintay na lang namin si Kiera." sabi ni Ellie.

"Kiera? Nauna silang pinalabas kanina. Baka sa canteen na siya?" sabi ni Kate.

"Oh." mahinang sabi ni Ellie. "Tara na?"

Sasagot na sana ako nang may biglang umakbay sa akin. "I need to talk to her. Sorry, girls." saka niya ako hinila palayo habang naka akbay parin.

Sinubukan kong tumalikod para tignan sina Rachel. At nang nakatalikod na nga ako, wala na sila sa kinatatayuan nila. At some point, nag tama ang mga mata namin ni Ellie at tinaasan-baba lang ako ng kilay. Nag wave pa nga!

Hindi man lang ako ipinaglaban.

Malakas kong inalis ang mabigat na braso ni Vaughn sa balikat ko. Hindi na siya kumibo at nagpatuloy sa paglalakad

Hihinto sana ako sa paglalakad pero nagulat ako ng hinawakan niya ako sa bewang ng maluwag para sigurado niyang hindi ako maiiwan.

Bumaba na ang mga kamay niya sa pulsuhan ko nang nakarating na kami sa sasakyan niya.

"Hello? Sina Rachel ang kasama kong kakain. Next time, magpa reserve ka nang slot." sabi ko at tumalikod para pumunta sa canteen.

Napahinto ako nung bigla siyang sumulpot sa harapan ko para tigilan ako sa paglalakad. Napadpad ang dalawang kamay niya sa mga balikat ko, "Come on. Lunch lang. One time."

Tinitigan ko siya ng masama. Hindi ako papalag. Iniling ko ang ulo ko.

"My treat." ipinakita niya ang mapuputi niyang mga ngipin. Ang ganda ng smile niya. The way his lips went up along with the apples of his cheek. It looks oddly satisfying.

Not to mention, napasabi siya ng magic word na parang music to my ears.

Napa english pa ako wala sa oras ano ba yan.

"No thanks." pakipot ko.

"Alam ko na you're interested, Zoe. Just say yes so we can go." humarap ang mukha niya sa langit saka umungol.

Umiling ako, at biglang lumabas ang ngiti na kanina ko pa tinatago. "Libre mo?"

Mabilis na nagkatinginan kami sa mata. Bumalik ang ngiti sa mukha niya. Unfair naman, ang pogi.

"Sabi ko na nga ba, eh." mahina niyang sabi saka binuksan ang drivers seat para makasakay.

Pogi nga, gago parin.

"Get in!" tawag niya.

My Fuckboy BoyfriendWhere stories live. Discover now