Kabanata 13: Kwintas ng Pag-Ibig

173 8 1
                                    

Arito POV

Ilang araw ang lumipas matapos ang insidenteng umatake ang demonyo dito sa Pilipinas. Kagaya ng nakagawian, magkasama kami ni Sakura mula umaga hanggang gabi sa aming mga misyon. May mga panahon na pinipilit ako na maging anghel ni Sakura ngunit hindi ko yon magawa basta basta.

"Hay... Sa tingin ko ay kailangan kanang magsanay sa ilalim ni Padre Francisco.", nakahawak sa ulong sabi ni Sakura ngayong nakatapos nanaman kami ng isang misyon.

"Wag Sakura! Ayoko!", agad agad kong nasambit at napatingin siya saken. Nasa loob kami ng kanyang mansyon ngayong hating-gabi.

"Pero hindi ko mapalabas ang anghel mong anyo, Arito. Isang beses lang ba yon lumabas sa isang siglo?", ang kanyang sabi sabay upo sa kanyang upuan dito sa silid pulungan. Tanging kaming dalawa ang naiwan dito at nagsi uwi na ang iba.

"Bakit ba kailangan pang palabasin yon?", antok na antok nako at napayuko na sa lamesa.

"Malamang! Tungak ka. Paano kapag may nagsilabasan nanaman na mga demonyo dito sa bansa? Alam mo na imposible natin matalo yon... ng... ako lang mag isa. Kailangan kita Arito. At kailangan ka ng mga nangangailangan ng kaligtasan."

Tinitigan ko siya ng matagal at napangiti, "Sige Sakura pero... okay lang ba na mag date naman tayo?"

"H-huuuh!?", pulang pula ang muka ni Sakura at ibinaling sa iba ang tingin. "S-sige... Tutal Sabado bukas... Ang araw ng pahinga para sa ating nga Exorcist.. At ano naman ang gagawin naten? H-hindi pako naaaya sa mga ganyang bagay..."

"Hmmmm... Basta! Secret yon. Basta samahan moko bukas Sakura. Gumala tayo sa mga sikat na lugar dito sa Maynila."

"Para namang may pera ka para i date ako.", naka ngusong sabi ni Sakura. "Wag na kaya. Baka maubos pa allowance mo dahil saken."

"Okay lang yon Sakura. Basta para sayo.", kinindatan ko siya at halos mag usok sa pula ang kanyang mukha.

"TIGILAN MO NA NGA!"

"Aray ko jusko!", hinablot niya ang kamay ko saka niya kinagat ng madiin. "Tama na Sakura araaaay!"

"Unm! Kaasar ka at ang mabulaklak mong dila!"

"Araaaaysh!", halos ibaon ko sa katawan ang kamay ko na pulang pula mula sa kagat  niya. "Ano ba!? Ngayon naman nangangagat ka!"

"Eh pano ikaw kung ano ano sinasabi mo!"

"Araaaay...", hindi ako naka recover ng ilang segundo ngunit makalipas ito ay nagulat kami ni Sakura.

"Arito! Ang kamay mo!"

Umilaw sa liwanag ang parte na kinagat ni Sakura at nang mawala ito ay parang hindi ako nasugatan o nasaktan.

"Anong nangyayari?"

"Ang galing Arito!", halos maiyak sa tuwa si Sakura. "Kapangyarihan mo siguro bilang Seraph na pagalingin ang iyong sarili kapag ikaw ay nasaktan o nasugatan!"

"Oo.", masungit kong tinago ang aking kamay. "Pero di kita hahayaan na kagatin pa ulet ako para i test yon! Dang saket kaya!"

Mukang nalagay sa good mood si Sakura at masayang nakatingin sakin, "Siguro ay umeepekto parin ang pagsasanay ko sayo Arito..."

"Oo naman. Nang dahil sayo kaya ako nandito ngayon. Kaya nga hindi ko kayang mawalay sayo eh. Masyado na akong... clingy sayo- ARAY!"

Ngayon naman ay kinurot niya ako sa tagiliran.

"Sabe nang wag kang mabulaklak ang dila sakin eh! P-pasaway!"

Okay lang masaktan ng ganito... hindi naman talaga masakit... dahil hindi ako magagawang saktan ni Sakura. At ang makita ko ang kanyang ngiti ay sapat na para mawala lahat ng aking lungkot at dalamhati. Panginoon, maraming salamat at pinagtagpo mo kami...

The Black ExorcistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon