Arito POV
Kinabukasan at nagsimula ang aming araw na parang walang nangyari. Pero napapansin ko na nababawasan na ang pagiging moody ni Sakura at madalas na siyang nakangiti ngayong nailigtas na niya ang kanyang ina katulad ngayon at lunch time namin sa school at ipinagluto nanaman niya ako kagaya ng nakagawian. Parang forte na niya ang pagluluto, dahil laging masarap! At napamsin ko rin na hindi na niya hinuhubad ang kwintas na binigay ko sa kanya simula ng gabing nag confess ako ng aking pag-ibig.
"Nagmana ka siguro kay mama mo sa pagluluto no? Ang charaaap nito! Awm.", sabay subo sa aking adobong baboy at kanin.
"Hmmm.. siguro. Pero natuto lang ako nito sa aking sarili dahil nabuhay akong mag isa sa aking mansyon na tinayo lang dito ilang dekada na ang nakakalipas. Sila Mr. Shiro at ang aking mga alalay pati mga service ay pinadala ng Roma upang tumulong sa akin at ako nagpapa sweldo sa kanila. Isa yong mansyon ng aking ama dito sa Pilipinas.", at nagsimula narin suyang kumain matapos akong panuorin lumamon ng kanyang luto.
"Kwento ka naman sakin ng mga nangyari sayo noong bata ka. Magkasintahan tayo pero kakaunti pa lamang ang nalalaman ko tungkol sayo.", aking sabi.
"Sige. Tutal ay nailigtas na ang aking ina ay wala na akong rason para magpakalugmok doon. Makinig ka mabuti Arito ha? Isang beses ko lang ito iku kwento sayo."
Tumango ako at masayang nagkwento sa akin si Sakura na parang matagal na rin niya ito gusting masabi sa akin ngunit ayaw lamang maalala.
"Magsimula tayo sa aking mga magulang na nakatira sa Japan. Si Takeshiro Miyamoto ay isang Business Tycoon sa buong bansa. Isa siya sa mga pinaka mayayamang tao doon. Nagka asawa siya ng babaeng nagngangalang Eliade Gottfried, isang Romanese. Nagka kilala sila nang mag kolaborasyon ang kanilang kumpanya. Di naglaon ay nagka anak sila na pinangalanang Ersilia."
"So siya ang iyong ina?", tanong ko sabay inom tubig.
"Makinig kana lang kasi! Hindi ko siya ina. Pitong taon na si Ersilia ng ako ay ipinanganak mula sa ibang babae, isang katulong ng aking ama sa kanyang bahay. Isa akong produkto ng pangagahasa. Ang pangalan niya ay Hanna Fujimura."
Natigilan ako sa kanyang sinabi at natulala.
Pagkatapos ay uminom muna siya ng tubig at muling nagsalita, "Nagulat kaba? Ang akala mo siguro ay ipinanganak akong prinsesa doon ngunit hindi. Matapos na mabuntis ng demonyong yon ang aking ina ay hindi man lang niya ito inalagaan. Isinilang ako mag isa ng aking ina sa ilalim ng puno ng seresa sa bakuran ng mansyon, pinangalanan akong 'Sakura Hikari' na ang kahulugan ay 'Seresa at Liwanag' ngunit walang apelyido, at nagtago kami sa bodega dahil pinagbantaan siya ng aking ama na siya ay papatayin ng Eliade at Ersilia oras na malaman na may anak siya sa labas. Sa totoo lang ay pinapapatay niya ako ngunit nangako ang aking ina na ako ay kanyang itatago at kapag kami ay nakaipon na ng pera ay tahimik na aalis. Ngunit hindi naging madali ang buhay ng aking ina doon. Sobrang liit lamang ng kanyang sinasahod na sapat lamang sa kanya. Pero pinambibili niya lahat yon ng aking mga kailangan upang mabuhay kahit na mapabayaan na niya ang kanyang sarili. Ganun ako ka mahal ng aking ina, na mas pinili niya akong buhayin imbis na itapon nalang o patayin para sa kanyang sariling kapakanan."
Kumain muna siya saglit at uminom ulit ng tubig bago magpatuloy.
"Tiniis niyang lahat yon sa loob ng tatlong taon. Isang gabi na may pulang buwan sa langit, gumala ang bruhang si Ersilia at ako ay nadiskubre sa bodega kasama ang aking ina. Nagsumbong agad ito sa kanyang ina at nang malaman ang sikreto, doon na nagsimula ang kalbaryo. Sa edad na sampung taon ay isa ng Black Exorcist si Ersilia at nakakapag patawag na ng mga demonyo."
Nabulunan ako sa aking mga narinig.
"Arito! Ang OA mo naman! Heto inumin mo tubig mo."
"Salamat.", ang sabi ko nang ako ay makaraos. "Nagulat lang ako. Paanong nakakatawag ng demonyo ang isang exorcist?!"
BINABASA MO ANG
The Black Exorcist
Kinh dị[Highest rank achieved: #2 in Maligno] Dahil sa walang tigil na pagsapi at pagpaslang ng mga demonyo sa mga tao sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, lihim na dumulog ang Arsobispo ng Maynila sa Papa sa Vatican tungkol sa problema ng walang habas na pag...