Sakura POV
"Matulog ka ng mahimbing Arito. Wag kang mag alala. Ligtas ka dito.", ang sabi ko nang ilagay ko sa aking malaking kama si Arito na pagod na pagod at halos walang maigalaw na kahit anong parte ng kanyang katawan.
"Pinadala ko na ang mga gamit mo dito. Wag kanang babalik doon at ikaw ay tinatarget na nila Ersilia dahil sa iyong kapangyarihan. Gusto ka nilang patayin at ang iba pa nating kasama. Mabuti na lamang nga at ligtas sila sa kanilang mga tahanan."
Tahimik na tumango si Arito at nakatulog narin. Tumabi ako sa kanya at niyakap, "Po-protektahan kita anuman mangyari. Pangako yan. Sisiguraduhin kong hindi kana masasangkot sa hidwaan naming magkapatid."
Umupo ako at dahan dahan siyang kinumutan at hinalikan sa noo.
Pagtapos non ay kinuha ko ang aking laptop at binuksan. Kailangan kong ireport ito kay Arsobispo Hiro.
---
"Ano!? Inatake ang aking pamangkin?", ang sabi ni Sir Hiro na may payat na pangangatawan at tumatandang itsura. " Anong nangyari Sakura?"
At ikinuwento ko lahat, mula sa aking paggising hanggang sa dalin ko si Arito dito sa aking kama.
Tinapat ko ang laptop kay Arito upang makita siya ng kanyang tiyuhin.
Napangiti naman siya, "Mabuti naman at ligtas siya. Maraming salamat sayo Sakura. Hindi ko alam ang gagawin sa batang yan kung wala ka sa tabi niya."
"Wag po kayo mag alala. Ligtas siya hanggat ako'y humihinga."
Pagtapos noon ay seryoso na kaming nag usap.
"Arsobispo, may alam po ba kayo sa lumalalang pagkilos ng Seraphim at ni Ersilia?"
"Hmmm.. Sa totoo lang Sakura ay wala akong alam. Kumikilos ng hindi normal ang mga exorcist ngayon at karamihan sa kanila ay nawawala. May kutob ako na may kinalaman ito sa Seraphim. Hindi na normal ang kanilang operasyon. Sinabi ko na ito sa Santo Papa ngunit hindi ko alam kung bakit pina sasawalang bahala niya ito. Parang may madilim na sikretong tinatago ang ating organisasyon Sakura. At hindi maganda ang nararamdaman ko dito sa Vatican. Ang kadiliman ay sobrang lawak na, umabot na siguro dito."
Tumingin siya ng maingat sa kanyang likod.
"Makinig ka Sakura. Maaaring totoo ang sinabi ni Ersilia na nagsisimula palang ang totoong laban sa inyong dalawa. Kutob ko na ang mga taong nakita mo na mga naka itim ay ang ating mga Exorcist."
"A-ano!? Ating mga Exorcist!? P-pero paano!?", gulat na gulat ako sa sinabi niya.
"Sakura.", sobrang seryoso niyang sabi. "Ang puso ng tao ay mahina. Walang pinagkaiba ang mga Exorcists doon. Isa na doon si Arito na isa pang Seraph ng Liwanag. Lahat tayo ay may kahinaan, at yun ang kalakasan ni Ersilia at kanyang mga alagad. Hindi lang mga multo at demonyo ang kayang kontrolin ngayon ng demonyo mong kapatid na sumasamba kay Satanas. Kundi pati mga EXORCIST."
Hindi ako makapaniwala sa aking mga naririnig.
Gaano kaba ka demonyong Ersilia ka!?
"Kaya mag iingat kayo simula ngayon. Dito na magsisimula ang tunay niyong laban, Sakura. Wag kang mag alala. Gagawin ko ang aking makakaya dito sa Vatican. Kung dumating man ang panahon na ang ating diyos ay mapagtaksilan ng ating kasama, huwag na kayong lumaban ni Arito. MAMAMATAY lamang kayo oras na pumanig ang Vatican sa kadiliman. Isa palang itong suspetya. At Sakura, pinaka importante sa lahat.. "
"Ano iyon, Arsobispo?"
Pumikit siya at malungkot na tumingin sa direksyon ni Arito.
"Kapag dumating ang panahon na ako ay mapatay dahil sa pagpanig sa liwanag, ikaw na sana ang bahala kay Arito na magpaliwanag ng aking huling kahilingan."
BINABASA MO ANG
The Black Exorcist
Horror[Highest rank achieved: #2 in Maligno] Dahil sa walang tigil na pagsapi at pagpaslang ng mga demonyo sa mga tao sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, lihim na dumulog ang Arsobispo ng Maynila sa Papa sa Vatican tungkol sa problema ng walang habas na pag...