Pag-ibig ?Ano yun ?
Nakakain ba yun?
Ang pag ibig daw ay napakatamis. Ngunit meron ding pait.
Sabi nila Masarap daw ang maranasang magmahal at mahalin.
at Masakit din at the same time.
Pag nagmahal ka daw dapat handa ang buong pagkatao mo.
Handa ka dapat magsakripisyo, magpasensya, magbigay, magparaya, at higit sa lahat ang Magtiwala.
Palaging sinasabi sakin ng mga kaibigan ko noon na pag dumating daw yung araw na maramdaman ko ang pag-ibig, dapat gising na gising ako. Yung tipong bukas lahat ng mata ko para makita lahat ng nangyayari sa relasyong papasukin ko.
Ayaw daw nilang matulad ako sa kanila na halos lahat bigo sa pag-ibig.
Pero paano ako magkakaroon ng pag-ibig? Kung umpisa pa lang parang ayoko ng pumasok ito sa buhay ko.
Ang makitang nasasaktan at nagiging miserable ang mga tao sa paligid ko ng dahil sa pag-ibig na yan, Parang ayoko ng maranasan at maramdaman yun.
Hindi naman siguro kakulangan yun sa isang tao diba ?
Nakakatakot maranasan ang sobrang pagmamahal at sobrang pagkabigo. Baka hindi ko kayanin kung dumating man yun sakin.
Duwag nga siguro ako. Pero kasalanan ko ba ? Kung napakahirap magtiwala?
Sa panahon ngayon konti na lang ang seryoso. Konti na lang ang marunong magmahal ng totoo.
At kung dumating man ang taong yun sa buhay ko.
Sisiguraduhin kong mahirap ang pagdadaanan nya para makuha ang tiwala at pagmamahal ko.
Dahil pag nagmahal ako, ang gusto ko sya na talaga yung taong makakasama ko habambuhay at hindi lang for the mean time.
Kung sya talaga ang itinadhana sakin, dapat sumakto sya sa
15 signs ko.
15 Signs to know if he's the one.
1. Dapat my dimple sya. (Kahit saan wag lang sa private parts. Hahaha keme.)
2. May hikaw sa left side ng tenga.
3. Mahilig sa kulay Puti. Kahit na anong bagay basta kulay puti.
4. Mahilig kumain ng sweets. (Kaya sweetness overload rin pag dating sakin. Choss!)
5. Ipapakilala at ipagmamalaki nya ko sa pamilya nya.
6. Isasayaw nya ko sa gitna ng ulan. (Para sabay kaming magkasakit. Charot!)
7. Kakantahan nya ko sa harap ng maraming tao. (Kahit sintunado ok lang, basta damang dama ung kanta.)
8. Magsusuot sya ng parehong tshirt na isusuot ko. (dapat lahat to hindi planado)
9. Bibigyan nya ko ng green rose.
(Yung mabango at hindi lanta)10. Ipagluluto nya ko ng paborito kong Beef Caldereta. (Dapat perfectly done at hindi half or over cooked)
11. Ipagtitimpla nya ko ng matapang na kape. (Yung sing tapang nya para ipaglaban ang pagmamahal nya sakin. Charot!)
12. Yayakapin nya ko behind my back at ibubulong ang salitang 'Mahal kita'
13. Iiyak sya sa harapan ko.
14. Magsishare sya ng pinakatatago nyang lihim sakin.
15. Ipaglalaban nya ko sa kahit na sino.
signed by:
Phoebe Isabelle Altea
YOU ARE READING
15 Signs To Know If He's The One
RomancePara sa kanya nag eexist lang ang true love sa mga piling tao. Takot syang masaktan kaya pilit nyang iniiwasan ang magmahal. Gumawa sya ng 15 signs para malaman kung dumating na ang taong para talaga sa kanya. Karamihan sa mga sign na nilikha nya ay...