Ken's POV
Lumabas ako ng kwarto para mag agahan.
Nakasando at short lang akong pumunta sa kusina.
Ok lang naman yun sa mga tao dito dahil kilalang kilala na nila ako. Kaya bakit pa ko mahihiya di ba. Saka ang ganda kaya ng katawan ko. Pasalamat nga sila at nagkaroon ng nilalang na katulad ko sa mundo. Hahaha di joke lang.
"Good Morning iho, Magbreakfast ka na."
Masiglang bati sakin ni Manang Lucy.
"Opo manang, Kayo po ba? Kain na po tayo."
Halos walang ganang bati ko.
Ewan ko ba, para akong pagod na pagod eh wala naman akong ibang ginawa kagabi. Natulog lang naman ako agad. Hayys..
"Sige lang iho, tapos na ko. Kasabay kong kumain si Phoebe kanina."
Phoebe again ? Lagi kong naririnig ang pangalang yun kay manang. Almost 1 week na ang bisitang yun dito sa resort at dito din nag stay sa hotel, pero hanggang ngayon hindi ko pa sya nakikita.
Baka naman ayaw nya lang talagang magpakita sakin?
Baka pangit..
Hahahaha joke lang syempre.
Malay naman natin maganda pala sya.
Baka pwedeng asawahin.
Biro lang .. baka seryosohin nyo eh.
Nagsimula na kong kumain ng almusal.
Ang sarap talagang magluto ni manang.
Parang bumalik sa sigla ung katawan ko.
Ang dami kong nakain.
Pero hindi naman yung tipong PG.
Nang matapos akong kumain, napansin ko ang isang kulay maroon na wallet sa side table. Kinuha ko iyon.
"Manang, Kanino po ang wallet na to?"
Napalingon si manang para makita ang hawak ko.
"Kay Phoebe ang wallet na yan"-Manang Lucy
" Sigurado po ba kayo? Tingnan ko na rin po para makasiguro tayo."
Binuklat ko ang wallet at tumambad sakin ang isang id..
Ang mukha ng isang babae..
Babaeng....
well,
maganda naman sya..
Mukhang payat sa picture ..
Kaso yung hitsurahin nya dito parang laging may ipinaglalaban eh. Para bang manununggab at mananampal ng kahit sinong makita nya. Parang ganun.. hahahaha
Mukhang masungit. Di manlang marunong ngumiti.
"Phoebe Isabelle Altea.. Tama nga kayo manang. Sa kanya nga ang wallet na ito." Pagkukumpirma ko.
"Naku tamo nga naman at nakalimutan nya pa ang wallet nya. Nagmamadali kasi ang batang yon kanina."
"Ako na lang po ang magsasauli sa kanya nito. Nasan po ba sya?" Nagpresinta na ko, Para naman makilala ko na rin ang Phoebe na to in person.
"Nasa sunflower farm sya ngayon. Doon mo na lang sya puntahan."
Sunflower farm?
medyo malayo ang lugar na yun dito sa hotel ah. Pero kaya namang lakarin.
Matapang nga siguro ang babaeng to.. Kinaya nyang magpunta sa sulok na lugar na yon ng sya lang.
"Sige po. Pupuntahan ko na sya ngayon."
Wala naman akong gagawin ngayon kaya sasamahan ko na lang ang babaeng yun. Baka naman sabihin nya na hindi namin sya iniintindi dito.
Sabi pa naman ni manang maya't maya daw tumatawag si Mike para kumustahin ang bisita naming iyon.
Parang napaka importante naman yata nya sa pinsan ko.
Sa pagkakaalam ko kasi hindi naman mahilig si mike sa chiks.
at bihira ang mga babaeng nakakakuha ng atensyon nya. Napakaworkaholic nun eh.
Siguradong walang time para sa mga babae ang isang iyon.
Maliban na lang kung hindi lang sya basta bastang babae para kay Mike..
Baka kinulam sya nun ah..
Hahahahaha biro lang.
Bumalik ako sa kwarto para maligo. Syempre unang pagkikita namin ng babaeng yun. Ayoko naman magpakita ng bad impression sa kanya di ba.
Nagsuot ako ng long sleeves na polo shirt na blue at maong na pants ..
Naninigurado lang ako.
Sunflower farm ang pupuntahan ko eh.
Baka mangati ako dun.
Angas pa naman ng kutis ko.
Pang mayaman. hahahaha
Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko si Manang lucy sa lounge ng hotel.
"O, pupuntahan mo na sya?" tanong ni manang Lucy.
"Opo manang. Baka kung ano ng ginagawa nun dun .. Baka mabaliw yun dahil sa pag iisa. Nakakaawa naman kaya sasamahan ko." Pagbibiro ko.
"Loko ka talagang bata ka. Sige at mag iingat ka ha." -Manang Lucy
"Opo manang. I'll go ahead."
_______________
Nang makarating ako ng Sunflower farm, Sinalubong ako ng maaliwalas na hangin.
Grabe napaka presko talaga sa lugar na to.
Pero parang wala namang tao dito.
Aalis na sana ulit ako ng may marinig akong kumakanta..
Minumulto na ata ako dito. Teka nagpaparamdam din ba ang mga multo ng ganto kaaga ?
Lumapit ako kung saan ko nauulinigan ang isang awitin..
May multo nga ata dito..
Wala pa rin akong makitang ibang tao.
Teka..
Multong kumakanta?
Kumakanta ng
"Black Magic ng Little Mix??"
YOU ARE READING
15 Signs To Know If He's The One
RomancePara sa kanya nag eexist lang ang true love sa mga piling tao. Takot syang masaktan kaya pilit nyang iniiwasan ang magmahal. Gumawa sya ng 15 signs para malaman kung dumating na ang taong para talaga sa kanya. Karamihan sa mga sign na nilikha nya ay...