Nagmamadali ako ngayong magdrive. Late na ko ng 30 minutes dahil sa letseng traffic na to.
Tsk.. Ngayon lang ako na'late ng ganito.
Papagalitan na ko ng boss ko pag umabot pa ng 1 hour ang pagka'late ko.
"Hoy! Pwede ba! Wag na kayong mag pabebe dyan sa daan! Nagmamadali ang tao. Wag nyong hintaying sagasaan ko kayo!"
Sigaw ko sa mga kolehiyalang nagpapabebe pagtawid sa daan. Kala mo naman nasa park kung maglakad. Nakakainis.
Sunod sunod na busina ang ginawa ko dahilan para magmadali na sila.
Pagkatawid nila agad kong pinaharurot ang sasakyan ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na ko sa opisina.
nyemet.. 40 minutes akong late !
"Good morning Phoebe!"
"Hi there Isabelle! Teka na'late ka ata ngayon ah."
Bati sakin ng mga officemates ko.
Stating the obvious? tsk.
"Hoy mare ! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Sir. Puntahan mo daw agad sya sa office nya."-Janine
" Na'late ako ng gising dahil tinapos ko pa yung pinapagawa nyang presentation para sa new client natin tomorrow. Galit ba sya?"
Nag aalalang tanong ko. Baka pagalitan na naman ako nun.
"Ano pa nga ba. Lagi namang galit yun si Sir. Puntahan mo na agad." -Janine
Nagmadali akong naglakad papunta sa office ni Sir Mike.
Nakabukas ng konti yung pinto kaya kita kong nakaupo sya sa side ng table nya habang nagbubuklat ng mga reporting papers.
Kumatok ako ng marahan sa pinto nya.
"Come in"
halata sa tono nya na galit sya.
"Good morning po Sir."
Binati ko sya at nginitian pero parang wala syang narinig ..
"About the paper works you submitted to me yesterday Phoebe.. "
"Ahm, sir may mali po ba ?"
Hindi ko na rin masyadong naintindi yung paper works na yun dahil sa sobrang dami kong ginagawa. Ni hindi ko na nacheck yun for finalization.
"Everything Phoebe!"
Sigaw nya sakin.
"Everything is wrong! Every single detail halatang hindi mo pinag-isipan! Alam mo naman kung gaano kahalaga ang mga yun sa kompanya di ba ?"
Galit na galit talaga sya 😭
"Yes sir, I'm so sorry po. Babaguhin ko na lang po ulit sir. Sorry po talaga."
"We all know how good you are when it comes to your work Phoebe. Ikaw nga ang laging tinatanghal na Employee of the month. But this past few weeks nagiging pabaya ka na. Nawawalan ka na ng focus sa mga ginagawa mo. Is there any problem? "
Nag aalalang tanong ni Sir Mike.
"Wala naman po Sir. Medyo napapagod lang po siguro ako sa dami ng trabaho but don't get me wrong sir, hindi po ako nagrereklamo sa inyo. Its just that... "
Hindi na ko pinatapos mag explain ni Sir.
"You need to take a break Phoebe. Trust me.. Kailangan mo talaga to. Magbakasyon ka muna."-Sir Mike
YOU ARE READING
15 Signs To Know If He's The One
RomancePara sa kanya nag eexist lang ang true love sa mga piling tao. Takot syang masaktan kaya pilit nyang iniiwasan ang magmahal. Gumawa sya ng 15 signs para malaman kung dumating na ang taong para talaga sa kanya. Karamihan sa mga sign na nilikha nya ay...