Part 3

37 6 0
                                    

5 oras na kong nagbabyahe. Grabe ngalay na ngalay na yung pwetan ko sa kakaupo. Sabi naman nung driver na malapit na daw kami sa resort.

Hindi naman ako nakatulog sa byahe dahil sa excitement at pati na rin sa pangungulit ni Janine.

Kung ano ano ang chismis sa phone.


Ilang oras pa lang akong wala sa manila namimiss na agad ako. Baliw talaga.

"Ma'am phoebe nandito na po tayo."- Manong driver

Binuksan ko ang bintana ng van at tumingin sa labas para makita ang resort.

Playa De Lucia

Finally i'm here.

Pagkababa ko sa van sinalubong agad ako ng maaliwalas at sariwang hangin.

Grabe sobrang ganda ng resort na to.

Mabuti na lang at hindi summer season ngayon kung hindi paniguradong punong puno ng turista ang resort na to.

Sa ngayon , Wala masyadong tao. Great ! maeenjoy ko lalo ang stay ko dito.

"Ma'am tara na po sa loob."-Manong driver habang dala dala ang lahat ng gamit ko.

" Sige po manong, susunod na po ako. "

Saglit kong kinuhaan ng picture ang entrance ng resort at pumasok na rin ako.

"Magandang tanghali po Ma'am Phoebe. Nabanggit ni Mike ang pag stay mo dito sa resort. Halika, tuloy po kayo" Wika ng babaeng medyo may katandaan na rin. Siguro mga 60 years old na sya.

"Kayo po ba c Manang Lucy?"

"Opo , Ako nga po Ma'am." Masiglang sagot ni manang.

"Naku, Wag nyo na po akong tawaging Ma'am. Phoebe na lang po."

Dyahe naman kung Ma'am talaga itatawag nila sakin.

"Ah Sige phoebe. Halika na sa loob at ng makakain ka na ng tanghalian. Ipinagluto kita ng masasarap na ulam. Siguradong magugustuhan mo."-Manang Lucy

" Salamat po Manang"







Matapos naming kumain ay ibinigay na sakin ni Manang Lucy ang susi ng Kwarto ko. Room 206. Agad akong pumunta sa room ko para magpahinga. Nakakapagod ang mahabang byahe.

Inayos ko muna ang lahat ng gamit ko mula sa bag.

Pati na rin ang Sketch pad ko. Lagi ko tong dala dala, Mahilig kasi talaga akong magdrawing.

kahit sa office nagdadrawing ako.

Naging Stress reliever ko na rin to. Ang mag drawing ng kung ano ano.

Binuklat ko ang pink note na nakasingit sa sketch pad ko.


Yung 15 Signs ko..

Nadala ko rin pala to hanggang dito.

Grabe asa pa ba ko?

Napakalabo naman mangyari ng mga nakalagay dito eh.

Kung tutuusin talagang sinadya kong hirapan yung mga sign na nandito para masigurado kong walang sino man ang tutugma dito.

Haha ironic isn't it?

Hindi naman ako ganun ka'bitter when it comes to love.. Ayoko lang talagang mag invest ng time, efforts, and feelings lalo na kung wala rin lang kasiguraduhan.

Loving is too risky. At ayokong dumating sa point na pagsisihan ko ang lahat ng yun sa bandang huli.

15 Signs To Know If He's The OneWhere stories live. Discover now