Eto na po! Sorry, late ud again, hope you understand. Madami lang ginagawa si author. Hehe
_______________________
Rachel's Pov
Eto ako ngayon, nagiisip kung anong gagawin ko para mapatawad ako ni James at magsorry ako sa girlfriend nya.
"Oh lutang ka nanaman." Pangbubulabog sakin ni Zach.
Si Zach, manliligaw ko. Kahapon lang eh, actually natapilok kasi ako sa hallway habang nagiisip kung paano nga ako mapapatawad ni James. Tas ayon, tinulungan nya ko. Kaso nagulat ako nung sinabi nya "hi miss beautiful, pede bang manligaw?" Hoy ha di ako malandi para magpaligaw agad sakanya. Pero kasi parang may spark, crush at first sight kumbaga. Pero ayoko sabihin sakanya yon, Siguro not now. I'm not yet ready to commit, oh kabog english.
"Hmm?" Lutang kong sabi.
"Hays wala sabi ko ang ganda mo, Rachel.
Ay sus nambola pa si Fafa.
"Luh? Ulol ka!" Sabi ko sakanya.
"Hays nako bebe ko. Sige ha, see you nalang! Papasok pa ko sa next class ko. Hatid kita sa apartment nyo later. Bye labyu!" Sabi nito.
Aaminin ko, kinilig ako. Pero, basta. Bahala sya.
"Anong bebe at labyu ka jan? Bala ka! Sige na babush! See you!" Paalam ko sakanya.
"Ugh! Fuck! You're a good kisser darling." Sabi nung babaeng nakasandal sa pader at nakalock yung kamay nung lalaking kahalikan nya.
*hoy! Kumuha kayo ng motel! School to!* bulong ko sa sarili ko.
Hiniwalay na nila ang mga labi nila at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang babae. Sya yung girlfriend ni James!
Nakita nya ako at napasmirk nalang sya, siguro di nya ko kilala. Hmm...
Kumaripas ako ng takbo papuntang classroom, at di ako nagkamali, andun si James.
"James! May sasabihin ako sayo!" Sigaw kong sabi sakanya, buti nalang may kanya kanyang business yung mga tao sa classroom at kaya di narinig ang pagsigaw ko.
Tinignan nya lang ako at di pinansin. Nagsaksak sya ng earphone sa tenga nya at nakinig ng music. Aish!
"Huy asungot! Makinig ka sa sasabihin ko!" Sabi ko at tinanggal yung earphones nya.
"Ano ba! Sino ka ba para pakialaman ako? Sinira mo na nga yung relasyon namin ni Joyce! Buti nalang di sya nakipaghiwalay. At ano bang kailangan mo para manahimik ka?" Sabi nya at sumigaw na din.
Hmm.. Joyce pala pangalan ng jowa nya.
"Kailangan mo malaman na nakita kong nakikipaghalikan yang Joyce mo sa iba." Sabi ko.
Nagsmirk sya.
"Ang lakas din pala ng loob mo ano! Ngayon sisiraan mo naman sya. May problema ka ba? Anong kasalanan ko sayo para sirain mo yung buhay ko?" Sabi nya at umalis.
Di ko nalang sya pinansin, at pinabayaan nalang. Che! Bahala sya. Para na nga sakanya yun eh.
>>5 minutes later<<
Nagstart na ang klase at wala padin si James, nagcutting. Hayss bahala sya!
>>1 hour later<<
"Okay, class dismissed." Sabi ng teacher namin.
Natapos na ang klase ngunit walang James ang nagpakita saamin. Luh, bala sya.
Lumabas na ako ng classroom at nakita ko si Zach, hayss... ang sweet namern! HAHAHAHA
"Hey! Tara na." Sabi nya sabay kuha sa kamay ko. Ngayon magkaholding hands na kami.
"I miss you agad." Husky nyang sabi.
Hoy kinikilig ako! Omayghad!
"Luh? Baliw to' kakakita lang natin kanina eh." Sabi ko sakanya sabay batok.
"Aray! Eh bawal ba kita mamiss? Sadyang mahal lang kita bebe." Sabi nya at kumindat.
Hinayaan ko nalang sya at magkaholding hands padin kami hanggang ngayun.
*kring-kring*
*kring-kring*
May tumatawag sakanya, sinagot naman nya.
"Hello, Ma? Bakit po?"
[anak, umuwi ka na sa bahay, umuwi na ang Kuya Zap mo.]
"Ma, wala akong pake. Sige na, may ihahatid pa ako."
[anak, please? Gusto na rin kita makita. Anak? Nagmamakaawa si Mommy oh? Please anak?]
"Hayss, Sige mom. Pero may ihahatid lang ako."
[Aalis na rin ang daddy mo in a while, kailangan ka na ngayon. Anak please ngayon lang naman eh? Para sa mommy?]
"Hayss. Sige na mom. I love you"
[Thank you Zach. I love you more, son.]
At binaba nya na.
"Uhm Zach? Sorry narinig ko lang yung call nyo ng mommy mo, sige na. Kaya ko naman magisa umuwi. Kailangan ka nila eh, sige. Thank you ah!" Sabi ko.
"Are you sure? Rachel, sorry ah. Dumating pa kasi yung mayabang na Zap na yun. Buysit."
"Zach, kung ano man yang gumugulo sa isipan mo, he's still your brother. Kahit anong mangyari kapatid mo parin sya, kuya. Sige na, thank you talaga Zach." Sabi ko.
"Oh sige, bye Rachel. Ingat ka." Sabi nya at umalis na at naglakad palayo.
Eto ako ngayun, nagiisa naglalakad. Hayss grabe.
Paliko na ako at malapit na sa apartment ng biglang may tumakip sa mata at bibig ko.
Pinipilit kong kumalas ngunit malakas talaga sya. Hala Lord? Mamamatay na ba ako? May pamilya pa ako sa US! Di pa ako pede mamatay!
"Huy Rachel, wag kang OA. Di ka pa mamamatay. It's just me." Sabi nung lalaking nasa likod ko. He's voice is very familiar...
"James?" Sabi ko at nagulat. Hala sya lang pala? At narinig nya pa yung nasa isip ko kanina ha, psh.
"Uhm? Rachel? Sorry kung natakot kita." Omg? Sya ba talaga to? Nagsorry sya?
"Ah? Hindi okay lang? Bakit ba?" Pagtataka ko.
"Uhm, you're right. Nakita ko rin na may kasamang lalaki si Joyce kanina and the worst, naghalikan sila. Ang tanga ko." Sabi nya at halatang paiyak na.
"Uhm, sorry. Kung di dahil sakin di kayo magkakaganto."
"No, matagal nya na pala ako niloloko. Grabe." Sabi nya.
"Uhm yun lang ba sinadya mo? Ah sige ah, uwi na ako." Sabi ko at akmang aalis na, ngunit hinamakan nya ang kamay ko.
"One last thing, Rachel? Mahal ko talaga si Joyce, gusto ko malaman kung mahal nya pa ba ako o hindi. So, can you be my Fake Girlfriend?"
_______________________
Okay so pabitin muna ako noh, next ud, Baka bukas or sa thursday. Please vote and follow me!
Ano kayang magiging reaksyon ni Rachel? Abangan!
BINABASA MO ANG
Kissing in The Rain
RomanceRachel Salvador, isang babaeng ang hangad lang naman ay mahalin sya ng iba. Isang araw, nakilala nya si James Anderson, isang lalaking walang paki sa nararamdaman ng iba. Isang lalaking magiging fake boyfriend nya. Maaari bang maging totoo na ang re...