Rachel's Pov
"No." Sagot ko. Ano ako panakip butas? Hello? Sa ganda kong to?
"Please Rachel? I'll give you a deal, diba wala ka ng matitirhan next week? Kasi papaalisin ka kasi di ka na nakakabayad ng 4 months? Patitirahin kita sa Condo ko."
Oo nga pala! Di na ako nakakabayad ng 4 months sa apartment kasi di na nagpapadala sila mama. Tsk!
"At san mo naman nakuha yan ha?" Tanong ko.
"Uhm, ah sa kaibigan mo!" Sigaw nya.
Grrr, Princess!
"Alam mo, kaya ko gawan yon ng paraan! Hindi ako g*ga para patulan yang offer mo. Kaya ako sa uma-" di na natuloy yung sasabihin ko kasi nagring yung phone ko.
Si Princess pala.
*kring kri-*
"Hello? Ano ba yon ha!?"
[HOY! RACHEL! UMUWI KA NA DITO SA APARTMENT!]
"Maka hoy ka ha! Grabe makautos! Bakit mo ako pinapauwi ha!?"
[NILABAS NA NI ALING BECHAY LAHAT NG GAMIT MO! DI KA NA RAW KASI NAGBABAYAD BAON NADIN DAW SYA SA UTANG!]
"HA!? WTF!" Binaba ko na agad yung call.
*end call*
"What's wrong??" Tanong ng asungot na nandito padin pala sa tabi ko.
"None of your business!" Sigaw ko sakanya.
Tumakbo agad ako ng mabilis since malapit naman na yung apartment, aish! Sinundan pala nya ako! Bahala sya!
Pagdating na pagdating ko sa apartment andaming nakalabas na gamit at ang worst, kalat-kalat!
"Wtf? Aling Bechay pagusapan naman natin to oh!"
"Anong pagusapan?? Ilang buwan ka ng di nagbabayad ng renta mo impakta ka!"
"Magbabayad naman po ako eh!"
Nagulat ako ng bigla nya ako sinampal.
"Magbabayad!? Ilang beses mo na sinabi yan! Puro ka nalang magbabayad! Eh asan na ha?"
Nasaktan ako sa sampal nya, grabe.
"Pede nyo naman sana sabihin sakin diba hindi yung tinatapon nyo pa palabas yung mga gamit ko!"
Sasampalin nya na ulit sana ako pero may humawak na sa kamay nya, si James.
"Hoy! At sino ka naman para pigilan ako!? Boyfriend ka ba netong si Rachel!? Ha!?"
"Uhm, yes. I'm his boyfriend, pede nyo naman po sana pagusapan yan ng masinsinan. Hindi yung nagsaskandalo po kayo dito."
"Sino ka para kausapin ako ng ganyan!? Eh sa di nagbabayad yan si Rachel eh!"
"Magkano po ba ang utang nya?"
"45k, ano?"
May nilabas syang check tapos pinirmahan nya, "Here, 50k yan. Bayad na sya, okay na?"
Omg! What the heck! Tas bigla namang umaliwalas yung mukha ni Aling Bechay.
"Hay nako! Salamat! Pero iho bat mo naman pinatulan yan si Rachel?? Eh panigurado pera lang habol nyan sayo!"
"I dont think so, mabait at maganda si Rachel. She's one of a kind."
Hala anuedaw? Hala kilig ako! Charut! Yak si James pala yan kala ko si Zach! HAHA JOKE
"Eh bahala ka! Sige alis na! Kunin nyo na yang mga gamit na yan! Ang kalat!"
Eh tanga pala sya, sya kaya nagkalat nyan. Aish bahala na nga!
>>FF<<
Naligpit na yung mga gamit ko na pinagtatapon tapon ni Aling Bechay kanina.
Pero may hinahanap ako, yung camera ko!
Hala where's my baby!?
"Hala asan yung camera ko?" Hinahanap hanap ko sya.
"Uhm, Eto ba yun?" Sabi ni James at pagkakita ko hawak nya yung camera ko, BASAG!
"Omaygash! Anong nangyari?? *naluhaluha*"
"Uhm I think nabasag toh kanina? Siguro nung pinagkakalat nung Aling Bechay yung gamit mo?"
Omaygash! HUHUHU! Pano na yan? Wala na akong Camera? Wala na akong gagamitin sa pag po-photography ko?
*Crying*
"Rach, It's okay. I think mumurahin lang naman toh? Bilhan nalang kita ng bago."
T*ngin* ba sya?
"Hindi yan mapapalitan ng kung ano lang! Oo, mumurahin lang yan. Pero may sentimental value saakin yan. Yan yung unang bagay na binigay sakin ni Mama, 3 years ago. Andito pa kami nun sa pilipinas, masaya. Dati nagtatampo ako lagi sakanya kasi yung mga kapatid ko, binibilhan nya ng laruan. Pero ako, wala. Sabi nya kasi may pinagiipunan sya. Naisip ko nun, buti pa mga kapatid ko at yung ibang tao, nabibilhan nya ng mga bagay. Ako, camera lang naman gusto ko nun eh. Yun lang, pero di nya ko binilhan. Si mama kasi di sya magastos sa pera, kahit mayaman kami lagi sya nagiipon. Nung panahong yun, madami pa kaming pera, masaya pa kami. Pero nawala bigla, namatay yung Daddy ko. Nawala yung saya ni Mama, ng pamilya ko. Bumaksak yung business ng family ko, nabaon kami sa utang. Pero ako, kahit masakit nagpakatatag ako. Para sakanila, para sa pamilya ko. And yun, dumating yung time na magaabroad sya, birthday ko nun. Birthday ko nga sobrang lungkot naman. Then nagulat ako bago sya umalis, may binigay sya sakin. Yung camera na hinihiling ko sakanya. Sabi pa nga nya "Happy birthday, anak. Sorry ha sana dati ko pa nabigay sayo to. Diba sabi ko may pinagiipunan ako nun? Eto yun anak oh? Para sayo toh. Mahal na mahal kita anak. Balang araw isasama ko na kayo duon ng mga kapatid mo. Duon na tayo titira. Sige anak, aalis na si Mommy ha. Ingatan mo mga kapatid mo." Kabisado ko pa diba haha. And yun, umalis na sya. Iniwan nya na kami, ay hindi pala. Ako lang pala. Kasi after 1 year, isa isa nya ng kinuha yung mga kapatid ko. Then yun dumating sa point na Nakuha nya na lahat ng kapatid ko, naiwan ako dito magisa ngayon. Sabi nya, di na daw nya ako makuha kasi andami pa raw aasikasuhin tsaka yung mga batang kapatid ko daw muna yung pumunta duon para matutukan nya. Paulit ulit nyang sinabi yun tuwing magtatanong ako kung kailan naman ako yung kukunin nya, ilang taon na. Tapos ayon, 4 months ago, di na sya nagparamdam. Kaya di na ako nakakabayad ng renta, wala na akong pera. Sariling kayod nalang. Haha *fake laugh* di naman nya tinupad mga pangako nya eh. Sinira nya lahat yon. Ang sakit. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko padin si Mama."
"Uhm, sorry."
"No, it's okay."
"Uhm Rachel? Please get the deal? Saan ka titira nyan diba? Lahat ng gusto mo ibibigay ko."
"Haha, no need James. I will not do this because you'll give me something, I'll do this because you helped me. Eto na yung katapat nun. So Yes, I accept the offer. Mr. Fake Boyfriend."
________________________
So Kagaya ng sabi ko, Wednesday ko sya ipopost. So eto na sya pero late night na. Sorry haha kasi nag asikaso pa ako kanina for my school. So hope you enjoy this UD! Baka Friday or Weekends ako makaupdate.
And btw, next week magseset na ako ng UD sched para di kayo nagaadjust. Thank you! Please Vote for this story and Follow me!
BINABASA MO ANG
Kissing in The Rain
RomanceRachel Salvador, isang babaeng ang hangad lang naman ay mahalin sya ng iba. Isang araw, nakilala nya si James Anderson, isang lalaking walang paki sa nararamdaman ng iba. Isang lalaking magiging fake boyfriend nya. Maaari bang maging totoo na ang re...