James POV [Medjo flashback]
Eto ako ngayon, nagiisip isip. Grabe, ang worst ng buhay ko talaga. Nakakainis! Ni isa walang nagtangkang manira ng buhay ko.
"James! May sasabihin ako sayo!" Speaking of. Hayss eto nanaman sya.
Tinignan ko lang sya at di pinansin. Nagsuot nalang ako ng earphones at nakinig ng favorite kong Mundo ng IV OF SPADES. Sino ba sya sa inaakala nya para pansinin ko? Hello? Si James Anderson ako at hindi kung sino-sino lang. Ako kaya yung pinaka-mayaman, pinaka-sikat at pinaka-gwapo dito sa school. At sino sya? Isang mayabang at walang kwentang babae.
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mund-
"Huy asungot! Makinig ka sa sasabihin ko!" Sigaw nya sabay kuha ng earphone ko. Anak ng! Nakikinig pa ako ng mundo eh! Ang kapal nya!
"Ano ba! Sino ka ba para pakialaman ako? Sinira mo na nga yung relasyon namin ni Joyce! Buti nalang di sya nakipaghiwalay. At ano bang kailangan mo para manahimik ka?" Sumbat ko sakanya.
"Kailangan mo malaman na nakita kong nakikipaghalikan yang Joyce mo sa iba." Sabi nya. Napasmirk nalang ako.
"Ang lakas din pala ng loob mo ano! Ngayon sisiraan mo naman sya. May problema ka ba? Anong kasalanan ko sayo para sirain mo yung buhay ko?" Sigaw ko sakanya at umalis nalang ako. Nakakabadtrip talaga sya! Kahit kailan nalang!
Lumabas nalang ako ng room at di nalang bumalik, ayoko na syang makita. Naiinis ako sa mukha nya.
Paglabas ko, nagtinginan yung mga tao saakin. Tsk, gwapo ko talaga.
"SI PAPA JAMES!!" Sigaw nung babae.
"HALA OO NGA! ANG GWAPO TALAGA NYA! KASO TAKEN NA SYA NI QUEEN JOYCE!" Sabi naman nung isa.
Queen talaga yung tawag kay Babe, ofcourse I'm the King, and she's my queen.
"Kaso alam mo ba, nakita ko si Queen Joyce kanina! Kahalikan nya si Ford kanina! Nakakakilig sila!" Sabi nung isa pa.
Ano!? Kahalikan!? Joyce!? Ford!? Ha!?
Totoo ba yung sinabi ni Rachel kanina? Na nakita nya nga si Joyce na nakikipaghalikan sa iba? The fvck.
"Saan yon!?" Tanong ko dun sa tatlong babae. Halatang gulat sya dahil di nya ata alam na narinig ko sila.
"Ahh... d-duon po." Sabi nung isang babae sabay turo sa may gym.
Tumakbo ako papunta sa gym at nakita ko yung section nila Joyce at Ford na nag P-PE, oo mag ka classmate nga si Babe at Ford.
Nakita ko namang wala sila duon kaya siguro nagsisinungaling lang yung mga babae at si Rachel. Psh.
Umalis nalang ako pero bago pa ako makaalis duon sa gym ay napadaan ako sa restroom at may narinig ako na...
"Ugh! Ford! Kiss me damn more!" Kilala ko yung boses na yun ah... Sigaw ni... JOYCE!?
Dali-dali akong pumasok sa restroom ng mga lalaki at nadatnan ko silang naghahalikan, MGA GAGO!
"Joyce?" Tawag ko sakanya na sya namang nakapagpalingon sakanya.
"Jame-" bago pa sya makapag salita ay lumapit na agad ako kay Ford at sinapak sya.
"GAGO KA! ANONG KARAPATAN MONG AHASIN YUNG GIRLFRIEND KO!? HAYOP!" Yawyaw ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Kissing in The Rain
RomanceRachel Salvador, isang babaeng ang hangad lang naman ay mahalin sya ng iba. Isang araw, nakilala nya si James Anderson, isang lalaking walang paki sa nararamdaman ng iba. Isang lalaking magiging fake boyfriend nya. Maaari bang maging totoo na ang re...