Chapter 1: First day of Class

21 1 0
                                    

Rachel's Pov

"Rachel!" Sigaw ni Princess, kaibigan ko.

"Ano ba? Kita mong tulog ako diba!?" Sabi ko sakanya habang kinukusot ko ang mata ko.

"Gising na! Anong oras na oh! Late ka na sa first day ng klase mo!" Yawyaw nya sakin.

Tinignan ko ang relo sa kwarto at halos mapanganga ako ng makita ang oras. 9am na!? 7am ang pasok ko!

Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo, nagshower, sabon at shampoo, toothbrush at paglabas ng banyo, nagbihis agad agad.

"Oh! Kain ka na bes!" Bungad ni Princess pagbaba ko ng sala.

"Ayaw ko! Late na ko diba! Ikaw pa nga nagsabi eh." Sabi ko.

"O sige ingat ha. Lab-" pinigilan ko sya sa kanyang pagsasalita.

"Heh! Pero labyutu HAHAHAH" sabi ko sabay alis.

Nagabang ako ng jeep sa terminal, pero walang jeep. Xoxad.

Nakakita ako ng taxi kaya sumakay na ako. Kahit mahal eh, sige lang. Dami ko pera oh, dejk. Jusmiyo marimar. 300 nalang pala pera ko sa wallet, aish this life.

Pagbaba ko ng taxi ay agad akong dumiretso sa elevator at pinindot ang 3rd floor.

Paglabas ko ay hinanap ko agad ang room 5 dahil duon daw ang room ko. Alangan namang tatambay lang ako kaya ko hinanap diba. Joke!

Di na ako kumatok pa at nagulat ako ng nakatayo ang teacher sa harap ng klase at lahat ng eatudyante ay nakatingin saakin.

"Who are you?" Tanong ng teacher. Hayst, new school new terror teacher ah.

"Uhm, Ms. Salvador po, sorry ma'am Late po ako." Sabi ko.

"Hmm, ganun ba? Ke-unang araw ng pasukan ay late ka kaagad Ms. Salvador? Oh sige maupo ka na. Wala pa namang klase at nagpapakilala palang lahat." Sabi nya sabay ngiti saakin. Take note, di plastic na ngiti.

Sama ko naman pala, judgemental ang ate mo. Mabait naman pala etong si Ma'am.

Since wala ng mauupuan at iisa nalang ay sa pagitan pa ng dalawang lalaki. Yung isa mukhang masungit at yung isa mukhang nerd, hmm... idc hehe. Umupo nalang ako at humarap sa harap, alangan sa gilid, char!

"Okay, since kumpleto na kayo, magpapakilala na ako. I am Ma'am Katrina Reyes, 43 years old, 5 years na ako sa school na ito. Wala pa akong na encounter na kahit na anong gulo sa mga nahawakan kong klase, so hopefully wala ring ganun sainyo, noh?" Pagpapakilala ni Ma'am Reyes.

"So, introduce yourself." Tinawag nya ang nasa unahan, buti nalang nasa dulo kami, yes!

Tinawag na ang nerd kong katabi, so next na ako.

"Hi, I'm John Michael Mendoza, 19 years old, I live in Makati City. New student, I hope we can all be friends." Sabi nya sabay balik sa upuan nya.

"Next." Sabi ni Ma'am Reyes.

Okay, it's my turn. Goodluck, dear self.

"Good day, I'm Rachel Nicole Salvador, 18 years old, Nakatira ako sa Manila City, bago lang ako, sana maging magkakaibigan tayo, wag nyo ako awayin, hehe." Sabi ko at natawa ang mga bago kong kaklase maliban dito sa katabi kong mukhang masungit. Edi wow!

"Okay, next."

Tumayo na si Mr. Cold at pumunta sya sa harap.

"I'm James Neil Anderson, 19 years old, 3 years na akong student dito." Sabi nya ng "cold" sabay upo sa tabi ko.

Psh, James pala pangalan nya. Interesting huh.

"Okay, from now on, jan na ang seats nyo, magbabago lang yan every 2 months. Sana maging magkakaibigan lahat, sa mga old students, i-welcome nyo ang mga baguhan. Sa mga new students, welcome sa Johncent University. Now you may all go. You can go home na, tomorrow is a new day, better be ready." Sabi ni Ma'am at umalis na.

Hmm... magiging katabi ko sya for 2 months? May pagtritripan na ako! Ha! Makikita mo Mr. Cold.

_______________________

Bukas na uli ang Update. Hope you like it po!

Kissing in The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon