"Ang pag-babalik"
"Anak,hindi ka na ba namin mapipigilan sa pag-alis mo?"imiiyak na sabi ni mama.Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit."Ma,hindi na po mag-babago ang isip ko at sana'y maitindihan mo po ako ma."sabi ko habang pinipigilan ang mga luhang kong kanina pa gustong kumawala.
Bumaling ang paningin ko kila papa at sa mga nakakatandang kapatid ko.Nakikita ko sa mga mata nilang nahihirapan silang makita akong masasaktan kaya nag-pasya nalang akong lumayo muna pansamantala.
Ayokong pati sila madamay pa sa mga problema ko.Tama na ang ilang buwang pag-lalaan nila ng oras at panahon noong kinailangan ko sila.Pwede namang mag-recess,diba?
Hindi naman required ang mag overtime sa sakit kapag nag-mahal ka,diba?
Parang school lang yan boring kung walang bakasyon.
Kaya ako timeout muna sa pag-ibig at mag-eenjoy muna sa pag-babakasyon.
"Ate kuya kayo muna ang mag-aalaga kila mama at papa habang ako muna ang mag-mamahala sa resort natin sa Cebu."sabi ko kila ate at kuya.
At para pahilumin ang puso kong masugatan.Na kahit sinong doktor ay hindi kayang gamotin at pahilumin ang puso kong ito.