Ang larawang makikita sa likod ng pangalang WATTPAD: WHAT'S HOT na kung mapapansin natin ay mga magkaka-akbay na mga tao, ito ay sumisimbolo sa PAGKAKAISA, PAGKAKAIBIGAN AT PAGTUTULUNGAN ng bawat manunulat at maging ng mga mambabasa ng WATTPAD. Ang magkakaibang kulay nito ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng bawat isa ngunit mas piniling magkaisa at magkaintindihan.
Ang larawang nakalagay sa gitna na parang mga pyesa ay sumisimbolo naman sa mga ideya at kaalamang naibabahagi ng bawat manunulat at mambabasa sa bawat isa. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kani-kanilang kaalaman, mas makakatulong ito sa pagpapayabong at pagpapaunlad ng isipan ng lahat nang sa gayon, hindi lang tayo matututo sa mga binabasa nating kwento sa wattpad kundi pati sa pakikipag palitan ng kuro-kuro at ideya sa mga taong nakapalibot sa atin.
Ang pangalang WATTPAD: WHAT'S HOT ay nakalagay sa GITNA na ang ibig sabihin ay ang organisasyong ito ang magiging sentro at instrumento upang magkaintindihan at magkaisa ang mga taong nakapalibot at gumagamit ng wattpad. Ang "FONT" na ginamit dito ay simple lamang ngunit eleganteng tingnan na siya ring nagrerepresenta mismo sa layunin at mga tao sa likod nito.
Ang itim na BACKGROUND ay aking pinili upang mas lumabas at makita ang kulay at mas makita ang mismong LOGO.
YOU ARE READING
Logo Design Contest
CasualeWattpad: What's Hot (WWH) invites you to send your entries for the official logo of WWH. The winning entry will get a chance to win Kadlit Megazine, four (4) zines and a National Bookstore gift certificate worth of five hundred pesos (₱500.00)