016 // narration

356 9 0
                                    

Pagkatapos sabihin ni Jaerin na papunta na sya, agad kung pinatay ang telepono ko at tumingin ulit sa kawalan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos sabihin ni Jaerin na papunta na sya, agad kung pinatay ang telepono ko at tumingin ulit sa kawalan.

Nung matapos kanina yung chat namin ni Jeno hyung, biglang sumakit yung ulo ko. Sanay nako. Nitong mga nakaraang araw kasi, madalas na kumikirot yung ulo ko. Alam kung epekto toh nung aksidente.

A year ago, naaksidente ako nang mabanga daw ako dahil sa kakamadali. Bukod kasi sa back injury na natamo ko, meron rin akong mga nakalimutan na detalye. Tulad nalang nung kung paano ako naaksidente. Pero sabi nila mama, bukod daw dun, hindi na mahalaga pa ang mga nakalimutan ko since kilala ko panaman yung mga nasa paligid ko.

Post-traumatic memory loss daw ang tawag dun.

Pero parang kulang kasi. Parang meron akong hindi maalala na importante. Kung baga, may kulang. At nitong nakalipas na lingo, parang unti-unti na syang bumabalik sakin.

Isang babae. Isang babae ang dahilan kung bakit ako nag-mamadali nung araw na yun. Boses nang babae na tumawag sakin at sinasasabing puntahan ko raw sya dahil merong emergency ang naalala kung dahilan nang pag-mamadali ko.

Hindi ko nga lang matandaan kung sino sya. Pero feeling ko, alam ko na. Alam ko yung boses na yun eh.

"Kuya!" Sigaw nang matinis na boses galing sa may pintuan nang rooftop. Kita mo yung pag-aalala sa mukha nya.

"Okay ka lang?" Tanong nya habang nag-lalakad papunta sakin.

Tumingin ako sakanya, "Sabihin mo nga sakin, Rin," sabi ko, "ano pang nakalimutan ko na hindi nyo sinasabi sakin?" Alam kong may alam sila. Kung hindi man sila lahat, alam kong alam ni Jaerin.

"Kuya naman, we told you everything you needed–" "Bakit ako umalis nung gabing yun? Saan ako papunta?" Lalong sumeryoso ang boses ko.

"Kuya–" "I want the truth Jaerin, the truth only," diniinan ko yung pag-kasabi ko sa truth.

"Kuya we're sorry, I'm sorry." She hung her head low. Sign yun na nahihiya sya. Napansin ko naman na parang humihikbi sya.

"Si mama at papa kasi eh. They didn't want you to find out. They thought she was bad influence. They said na wala syang magandang maidudulot sayo and told me na wag nalang sabihin sayo ang tungkol sakanya." Umiiyak na sabi ni Jaerin. Naawa rin ako sakanya. Alam kong hindi nya ginustong mag-sinungaling o mag-tago nang kahit ano sakin.

I came closer and hugged her, "I understand sis, masakit lang kasi. Pinaniwala nyo ko na yun lang yun. Alam nyo naman na kung sino man sya ay may importante syang lugar sa buhay ko," naiiyak narin ako.

"Now tell me," kumalas ako sa kanya, "who is she?"

"Kuya..." nagulat sya sa bigla kong tanong.

"I think I have and idea but I just need to–ahhh!" Napasigaw ako sa sakit nang ulo. Hindi naman sila ganun kasakit palagi. Sobra yung ngayon. Parang kinukutsilyo sya.

"Kuya! Anong nangyare? Anong masakit? Okay ka lang ba?" Dali-dali syang umalalay sakin. Hindi ako makatayo. Lumalabo narin ang paningin ko.

"Jaerin..." halos walang lumabas sa boses ko. Hindi ko narin maigalaw pa ang katawan ko.

"Kuya!" Sigaw nya. Yun na ang huling narinig ko bago ako tuluyan na mawalan nang malay.

The colorful surroundings were now pitch black.

...

Btw, ilalagay ko yung picture sa mga narration depending sa POV. Tulad ni toh. Walang pic yung fist narration since walang protrayer si Jihye. And yes, POV po yun ni Jihye. Incase lang hindi clear.

Marami pang revelations sa next chapters kaya abangan ;)

Fiction || Na JaeminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon