61 // narration

256 8 3
                                    

Lahat kami ay malungkot parin. Hindi nadin namin nakita pa si Jihye simula nung insidente.

And yes, hindi parin nagigising si kuya. It's been a month. Sabi nang doktor ay mas malaki panaman daw ang pag-asa na magising si kuya kaysa sa hindi. But it's just a 60/40 chance. 40 is still a big percentage. Pero hindi kami pinanghihinaan nang loob.

Since masyado kaming marami, hindi kami nag-sasabay sa kwarto ni kuya lahat. Malaki actually yung kwarto, sadyang marami lang talaga sila sa NCT.

Bali ang nandito lang ngayon sa kwarto ni kuya ay yung 4 pa na dreamies, si Lucas oppa at si Hina. Wala si Jisung dito at halos dalawang lingo narin namin syang hindi nakikita. Wala naman din si Renjun oppa dahil may binila lang sya sa may kabiling kalsada, pero babalik rin yun. Ay, kasama rin pala namin si Lexi.

Kung nag-tataka kayo kung saan sya nang-galing, well...may inasikaso lang sya sa sarili nyang istorya. (Spoiler and plug :))

Hina has been...well...nice. But I still don't like her. Supporter kaya ako nang JiMin. Syempre, bestfriend ko yun eh.

Pero walang choice. Si mama na nag sabi at nag desisyon na ikakasal sila ni kuya. I can't believe she's gonna be my sister in law.

Pero I really appreciate her staying by my brother's side through all of this. Alam kong nahihirapan rin sya sa sitwasyon. I know her story.

Habang wala ang NCT ay kaming dalawa lang ang natira dito and she explained her side to me. Although hindi parin ako okay with her being a part of the family, I know she's a good person.

The first time I found out na e-eengage sila ni kuya ay nag-panic ako. That was suppose to be me. Ako naman talaga dapat yun eh. Masyado lang talagang mabait si kuya.

I was told that I was gonna be wed to Hina's younger brother, Hiro. Pero hindi ko kaya. I was in love with Jisung. Kahit alam ko namang may gusto sya kay Lexi, hindi ako tumigil. Lexi didn't even seem interested in him. And I know that Chenle likes her too.

Yun nga, bigla nalang iniwasan ni kuya si Jihye out of nowhere. Lahat kami naguluhan kasi alam namin kung gaano nya kamahal si Jihye, but we just assumed that it was something between the both them.

Pero nung tinanong ko ang bestfriend ko at pati sya ay walang idea, dun na ko kinabahan. Sakto naman at pag-uwi ko nang bahay ay narinig ang usapan nila mama tungkol sa plano nilang ikasal si kuya kay Hina. I freaked out.

Tinawagan ko agad si Jihye and the rest was history.

Nalaman ko kay Hina na tinawagan nya rin nung araw na yun si kuya and that must be why he remembered her voice and mixed it up with the girl who actually called him. Which is Jihye by the way.

Sinabi nya rin sakin na kinausap lang sya ni mama para sabihin kay Jaemin na sya yun. And surprisingly, Jeno oppa was in it too.

Haba naman kasi nang buhok nang bestfriend ko. Biruin nyo, ang Jaeno ay pinagaagawan sya?

"Jaerin..." may tumapik sakin. Mahina lang ang tawag nito pero rinig ko parin dahil sobrang tahimik dito at halos lahat sila ay natutulog. Medyo late narin kasi ngayon.

Ang tanging tunog lang na maririnig mo ay yung heatbeat monitor ni kuya at yung ulan sa labas.

"Renjun..." pag harap ko ay nakatapat na ang mukha nya sakin. Hindi sa matangkad ako, sadyang hindi lang rin kasi ganun katangkad si Renjun.

Fiction || Na JaeminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon