CHAPTER TWO
KATELYN
Reminiscing the past are sometimes makes you smile, but not until when you realized how difference our presence are.
Pagkarating na pagkarating ko sa tuktok ng burol, agad na hinanap ng pangingin ko si Rappy. Nagulat ako nang bigla siya sa 'kin nagtext kanina at pinapunta 'ko rito.
Sa pagiging abala niya sa school ay bihira na lang siyang makipagkita rito kapag araw ng may pasok, lalo na ngayon na binubuo niya na ang mga requirements na kailangan niya para makapasok ng kolehiyo sa June. Kaya naman nang matanggap ko ang text niya'y kaagad akong nagtungo rito. Baka kasi may problema nanaman siya.
Magmula nang maghiwalay ang parents ni Rappy, naging malungkutin na siya. Hindi na kagaya nang dati na lagi siyang masaya kapag naglalaro kami, ngayon kinukulit ko na lang siya para pasiyahin, mabuti na lang at nakikita kong epektibo ang ginagawa ko.
Pero sa mga lumipas na taon ay hindi na kami mahilig maglaro dahil sa tumatanda na rin kami. Pero aaminin ko na namimiss ko pa rin ang 11, years old na siya at 8, years old na ako. Ngayon 13, years old na 'ko, madalas na lang kaming magharutan at kwentuhan kapag hindi busy sa school, pero kapag alam namin pareho na kailangan namin ang isa't isa, okay lang na hindi makagawa ng assignment mapuntahan lang ang isa't isa.
Nakita ko siya sa gilid ng paborito naming puno. Nakatanaw sa kawalan, kulay pula ang mukha dahil sa liwanag ng papalubog nang araw. Halos yakapin ang tuhod.
Hindi ko pa siya nalalapitan ngunit basa ko na ang lungkot sa awra niya. Gusto kong maiyak dahil sa paninikip ng dibdib kong nakikita ko siyang ganoon, ngunit pinigilan ko. Ayokong sa ganitong pagkakataon, ako pa ang sasandal sa kaniya.
Huminga ako nang malalim saka lumapit at umupo sa tabi niya. Nakita ko ang bahagya niyang paggalaw bilang simbulo na napansin niya ang presensya ko, pero hindi niya 'ko tiningnan at nanatili lang sa kaninang puwesto. Ginaya ko ang puwesto niya at pinanood din ang paglubog ng araw.
Mula bata pa lang kami, rito na kami laging naglalaro. Hanggang sa magsawa kami sa paglalaro at maging abala sa eskwelahan, dito na ang aming naging tagpuan, takbuhan sa mga panahon na kailangan namin ng masasandalan at kapayapaan.
"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano'ng buhay ko ngayon kung hindi nawala si Mommy," halos mamaos ang boses niya nang bigla siyang magsalita.
Tiningnan ko lang siya. Sa gawi ko ay kitang kita ko ang kurba ng mukha niya. Ang may katulisan niyang ilong, singkit na mata, at ang mahahaba nitong mga pilik mata. Halos mabasag ang puso ko nang may mabilis na luhang pumatak mula sa mata niya.
"Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya sa tuwing may mangyayari sa 'kin, kung anong gagawin niya, kung anong sasabihin niya. Everyday is very difference without her, many things in my life changed since i lost her. Kahit kailan hindi ako tumigil sa pag-asang panaginip lang ang pagkawala niya, na isang araw magigising akong isang malaking biro lang pala ang lahat."
Mabilis na pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko mapigilan ang masaktan. Maging ako, miss na miss ko na si Tita Pauline. Siya ang nag-alaga sa 'kin magmula bata pa lang ako. Siya na ang nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal ng ina. Kahit kasi inaalagan ako ni Mama, hindi ko naman maramdaman na mahal niya 'ko bilang anak. Walang tinago sa 'kin si mama, lumaki ako na alam ko kung bakit wala akong kinilalang ama. Sabi ni mama pinagsamantalahan lang siya kaya ako nabuo. Noon hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni mama doon, pero hindi ko na matandaan kung ilan taon ako nang maintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaya pala parang lagi sa 'king galit si mama, dahil sinira ng ama ko ang buhay niya. Minsan pakiramdam ko kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ng ama ko.
BINABASA MO ANG
Cursed Destiny (To Be Continue)
Romance"Maybe I'm wrong to asked you to love me too..." "We had started it, and now we should end it..."