Chapter four

133 10 0
                                    

CHAPTER FOUR

KATELYN

Destiny doesn't means you meant for someone you destined with, somtimes you just destined to saw him happy, not because of you but with someone else.

Sa lumipas na dalawang linggo, natapos na na 'min ang design. Inaprubahan na rin 'yon ni Rafael. Sa mga lumipas na araw ay hindi ko na ulit nakausap si Rafael, it seems like umiiwas siya sa 'kin. But this time, sinabayan ko na ang pag-iwas niya. Mas naging immune na 'ko dahil may idea na 'ko kung bakit niya 'ko iniiwasan.

"Baka kaya ka niya iniiwasan dahil sa natatakot siyang hilingin mo sa kaniyang panindigan ang pangako niyang hindi niya na kayang hawakan," minsang naging komento ni Cindy nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari nang dalhin ako ni Rappy sa space.

Tama si Cindy. Maaring dahil sa may girlfriend na siya kaya umiiwas siya sa 'kin ngayon.

Siguro nagu-guilty siya dahil sa pagsira ng pangako niya. Kaya mas pinili ko na lang din ang umiwas. Nagkakausap na lang kami kapag kailangan, pero lagi naman kaming may kasama. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin.

Magkasama kami sa iisang firm, magkatrabaho sa project, magkasama sa iisang team, may pinagsamahan kami noon pero daig pa namin ang hindi magkakilala.
Sa isang iglap binawi ko ang lahat ng kahilingan ko noon sa tadhana na pagtagpuin kami, dahil ngayong pinagtagpo nga kami ay ang bigat naman sa dibdib. Ang hirap pala na 'pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo para sa isa't isa?

Pero ang pinaka-mahirap ngayon ay ang magpanggap na ayos lang ako, na masaya 'ko kahit hindi na. Bilang team ay madalas kaming magkakasama, at siyempre ano pa nga ba ang aasahan sa isang team kapag may magkarelasyon? Sila ang madalas tinutukso, pinapansin. All i have to do is to smile and fake a laugh.

Kaya mas gusto ko kapag sa opisina kami, wala sa field. Dito kasi mas madaling umiwas dahil mas maraming tao, nasa opisina rin si Tito Allan na lagi kong binalingan ng atensyon kapag ang magkarelasyon nanaman na sina Rafael ang sentro ng atensyon. Ang nakakainis pa sa lahat, 'yong napakahirap umiwas ng tingin dahil natatakot akong baka mapansin nila ang bitterness ko.

Bitter ako, oo. Ang hirap kasing hindi isipin 'yong tungkol sa pangako niya. Ang sarap itanong habang nakikita kong hinahalikan niya si Taylor, 'asan na 'yong pangako mong mamahalin mo 'ko hanggang sa paulit-ulit na bukas mo? Is there no tomorrow for us?' That should be me, Rafael.

Napatingin ako sa itaas ng elevator nang tumunog 'to bilang senyales ng pagbukas nito. Kaagad akong humakbang papasok pagkabukas ng bakal na pinto.

Kakatapos lang ng meeting namin tungkol sa safety ng design. So far ay may mga pinabago lang ako kay Taylor sa sketch na iilang detalye, para mas maging ligtas ang bawat sulok ng building.

Ngayon niya rin sinubukamg ayusin kaya naman hinintay ko na para kaagad makita, kaya naman na-late na 'ko ng uwi. Pasado alas sais na ng gabi. Sa ngayon ay pinalitan ko na muna ang relo ko ng oras, oras dito sa England para hindi ako malito.

Sasara na sana ang elevator nang may pumigil rito, at sumingit papasok. Si Rappy.

Bahagya siyang ngumiti saka tumabi sa 'kin. Tumango lang ako at pinagmasdan ang numero sa itaas. Bigla akong pinagpawisan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iakto ngayon. Ito ang unang beses na magkakasama kami matapos nang araw na 'yon. Pareho lang naman kami na umiiwas sa isa't isa. I bet hindi lang ako ang nakakaramdam ngayon ng awkwardness.

Pinunasan ko ang noo ko nang pakiramdam ko'y pinagpawisan na 'ko. Bakit parang ang bagal ng oras?

Buti na lang suot ko ang earphone ko kaya naman kahit papaano may rason ako kung bakit 'di ko siya pinapansin. Ayokong mapansin niyang umiiwas ako, bakit? Dahil hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihin ang dahilan ng pag-iwas ko. Kahit ako sa sarili ko'y hindi ko rin maipaliwanag.

Cursed Destiny (To Be Continue) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon