Chapter 3: Burning cheeks

241 10 0
                                    

Chapter 3

"Ayoko pang mamatay! Tulong---aww!"

Ang sakit.

Nagulat ako nang may marahas na humila sakin patayo. Ang sakit ng braso ko sa bigla nyang paghila. Parang bumakat ata yung kamay nya sa braso ko.

Napatingin ako sa kaniya na pinagbabaril yung mga Zombie na papalapit sakin.

Si Zero, sya ang nagligtas sakin.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako palabas.

'Wait.. Bakit ganito? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? May sakit ba ko sa puso? Siguro dahil 'to dun sa takot sa muntikan kong pagkalapa sa halimaw'

Tiningnan ko sya at busing-busy sya sa pagbaril. Ang galing niyang humawak ng baril. Kita mo talagang sanay na sanay syang bumaril kasi asintadong asintado niya yung tatamaan niya at sa ulo tumatama.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala ang mga kasamahan namin.

Nasaan na sila? Iniwan ba nila kami?

Tumatakbo lang kami ni Zero at palabas na kami ng subdivision nang may sasakyang huminto sa harap namin. Sila Jersey.

Kala ko talaga iniwan na nila kami. Pinapasok ako ni Zero sa likod at dumiretso naman siya sa passenger seat sa tabi ni Jersey.

"Saan natin dadalhin si Tyrone?"

Bakit? Anong nangyari?

Hala! Dumugo yung legs ni Tyrone! Nakagat ba sya? Kailangan na naming umalis dito baka tuluyan nang maging zombie si Tyrone at kainin niya kami waaaa!

"Kung ano mang yang iniisip mo, Amari, hindi sya nakagat aksidente syang nabaril ni Chloe" paliwanag ni Jersey.

Mabuti naman. Kahit na halos ilang oras ko palang silang nakakasama ayoko namang may maging halimaw sa amin. Napansin siguro niya na natatakot ako na baka infected na rin si Tyrone.

Tiningnan ko si Chloe, umiiyak sya.

"S-sorry baby. I didn't intend to s-shoot you" naiiyak na sambit ni Chloe.

"I-It's okay baby... you don't have to feel sorry. It's my fault anyway I blocked your way" nahihirapang sambit nito habang hinahaplos ang ulo nitong nakasubsob sa dibdib nya.

Mukhang hirap na hirap na si Tyrone. Tumingin ako sa labas at nasa Melton St. na pala kami.

"May alam akong malapit na hospital dito. Kailangan niya ng agarang lunas"

Lumapit ako sa tabi ni Tyrone at pinatabi ko si Chloe, pinunit ko ang manggas ng damit ko at pinulupot sa binti ni Tyrone upang mapigilan ang pagdurugo.

"I'm a nursing student, kaya kahit pa-paano alam ko ang dapat gawin "

Tinuro ko ang daan papunta sa Melton Hospital at sandali lang ay narating na rin namin agad.

Pinagtulungang kargahin ni Kallen at Jersey si Tyrone habang nasa unahan namin si Zero.

"Pay attention. There are probably a lot of zombies around. As much as possible, avoid making any noise" napalingon kaming lahat kay Zero na nagsalita at seryoso lang na nakatingin sa daan, tumango kaming lahat sa sinabi nya.

Inabot sakin ni Zero ang isang uri ng pistol. Napalunok ako.

Pa'no kaya kung biglang may sumugod dito samin? Sa loob ng isang linggo na mag isa ako hindi ako masyadong nakakasagupa ng mga zombies at kung meron man baril lang ako nang baril kahit walang tinatamaan kaya hindi ko alam kung paano bumaril ng asintado tulad nila.

Run For Your Life: Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon