"YASSER, you're really here! Ang saya-saya kong makita ka ngayon, feeling ko magaling na ako, e." masayang sabi ni Hyoscine sa binata, saka nito hinawakan ang kamay ng binata.
Niyaya ni Twysnta si Yasser na magtungo sa bahay ng dalaga para dalawin ito pagkatapos ng kanilang PM class, hindi na nga nagtanong ang binata nang sa totoong bahay ng pinsan niya ito dinala. Bahala na kung ano'ng isipin nito.
Hindi na nakapasok sa klase si Hyoscine dahil natuluyan na ito ng lagnat at halos itakbo na rin kagabi sa ospital dahil sa dehydration, ngunit tumanggi ito dahil ayaw nitong maturukan ng gamot at nag-iiyak pa ito, kaya nga pumayag na itong kumain ng sopas kanina. Kinausap niya din ito na gagawin ang lahat nang makakaya niya tungkol sa naging usapan nila about Yasser, basta kumain lang siya.
At balak na rin niyang aminin ang lahat ng kasinungalingan niya kay Yasser bago umuwi mamaya ang binata, tutal nagiging kumplikado na rin ang totoong tirahan nila ni Hyoscine na hirap na rin niyang itago. Hindi deserve ni Yasser ng mga kasinungaling sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila ng pinsan niya—lalo na sa kanya. He's a good man.
Gusto niyang isipin na baka may alam na ito sa katotohanan, pero imposible! Paano? Hindi pa naman sinasabi ni Hysocine ang katotohan sa pagpapanggap nila. Kailangan na niyang mag-ipon ng sapat ng lakas ng loob para sa gagawing pagtatapat mamaya.
"Balita ko kay Twynsta hindi ka daw kumakain, kaya dinalhan ka namin ng fruits, sana pilitin mong kumain kahit wala kang gana."
"Ngayong nakita na kita, may gana na uli ako." masayang sabi ni Hysocine.
"Kung gano'n kumain ka na," ani Yasser, saka nito kinuha ang soup na nasa bed side ng dalaga at ipinaharap dito. "Kain ka na."
"Subuan mo ako." nakangiting sabi ni Hysocine. Saka ito masayang ngumanga.
Mabilis namang bumaling sa kanya si Yasser, parang tinitignan kung ano ang magiging reaksyon niya, ngunit hindi siya nagpakita ng anumang emosyon—instead ay tumango at ngumiti siya sa lalaki para pagbigyan nito ang kahilingan ng pinsan niya, saglit pa ay sinubuan na rin nito si Hyoscine na tuwang-tuwa.
"Sa labas muna ako, dito muna kayo." Paalam niya.
"Sandali!" mabilis namang awat sa kanya ni Yasser. "We'll talk later, okay?" anito, tipid lang siyang tumango sa binata, saka tuluyang lumabas sa kuwarto ng pinsan, pero bago pa siya tuluyang nakalabas ay nginitian siya ni Hyoscine at sumenyas nang pasasalamat sa kanya, na tipid lamang niyang nginitian.
Napabuga siya ng hangin at nagpaalam sa tita at tito niyang babalik na sa bahay nila. Pagkadating niya sa bahay nila ay mabilis niyang tinungo ang kanyang kuwarto at nagpalit ng damit saka humiga agad sa kama. Hindi niya napansing nakasunod pala ang mama niya sa kanya.
"Ang tamlay mo yata ngayon anak." Naninibagong wika nito, dati-rati kasi ay maingay siya kapag dumarating sa bahay nila at mabilis na hapag-kainan ang tinutungo, kaya nanibago ang mama niya nang mas inuna niyang puntahan ang kuwarto niya.
"Pagod lang po, 'ma." Sagot niya.
Mabilis namang umupo ang ina sa bed side. "Nakita ko ang sasakyan ni chubby kid."
"Opo, na kina Hyoscine po siya dumadalaw."
"Ang lungkot mo, anak."
Pinilit naman niyang ngumiti sa ina. "Bakit naman ako malulungkot mama? Okay na okay po ako!" pinasigla niya ang kanyang boses.

BINABASA MO ANG
Diary of a Fat Girl named Twynsta (COMPLETED)
Novela JuvenilTwynsta Ranillo was the prettiest girl in grade school but sooner turns into a fat balyena. And Yasser Marta who was an unattractive big fat boy with a low self confidence grows up very handsome and cool. Naging close friends sila pero nagkawalay a...