=Alex's POV=
Halos 1 month na kami dito sa section na 'to kaya nakakapag-adjust na rin kami ni Pau kahit pa-paano. Anong oras na wala pa yung adviser namin late na siya para sa first subject namin.
Umayos na kami ng upo "Good Morning, class" bati ni Sir saamin "May bago kayong classmate"
"May bago nanaman?" mahinang sabi ni Xander. Pumasok na yung girl na bago daw naming classmate mukha siyang mayaman, matalino, at mukhang 50/50 kung mabait ba siya or hindi parang mabait naman basta wag lang gagalitin parang ganun siya. Ewan!
"Hi good morning sainyong lahat. Im Sophia Ellaine Delos Santos. You can call me sophia or Ellaine whatever you like but mas sanay akong tawagin na Ellaine. Im 18 years old. From ACE University." Wait, what? sa ACE University din siya galing? Umupo siya sa vacant sit sa tabi ni Xander at likod naman ni Pauline.
***
Konting minutes nalang lunch na!
'KRINNNNGGGGGGGGG'
"Time is up. Goodbye class see you on monday" sabi ni mam Ellen. Sa wakas lunch na din. Lumingon ako agad kay Ellaine.
Napatingin din siya saakin kaya ngumiti ako "Hmm.. hi ako nga pala si Alexandra Velasco. You can call me Alex" Tumayo ako para makipagkamay sa kanya. Tumayo siya at nakipagkamay rin. "Ito naman yung best friend ko na si Pauline Tan. Pau for short" nagshake-hands din sila.
Biglang may pumulupot na kamay sa bewang ko mula sa likod ko at ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. "Aalis na ako ah kakain lang ako kasama yung mga tropa ko" sabi ni Xander. EW! Tina-try kong alisin yung pagkakayakap niya sakin kaso mas lalo niya pang hinigpitan.
"Oo, umalis ka na pls tsaka bitawan mo na ako" iritado kong sabi
"Ang sungit naman nitong baby girl ko"
"Anong baby girl? kadiri ka talaga tsaka Wala akong pake kung sino ang mga gusto mong kasama tuwing kakain ka, okay?"
"Oy tara na Sam! Tama na yang harutan niyo dyan ng girlfreind mo"
Wow! Sam? pag kami yung natawag sa kanya ng Sam ayaw niya pero sa mga tropa niya ok lang?! UNFAIR!! Binitawan niya ako "Babye baby girl see you mamaya" sigaw niya habang palabas ng classroom
"Kadiri kang bakla ka!" sigaw ko sa kanya
"Boyfriend mo?"
"Hindi ah" kadiri! EW! Sa loob ng 1 month naging super close kami nila Pau at Xander pero ewan ko ba bakit laging ako lang yung pinagti-tripan niya. "Sama ka samin mag lunch gusto mo?" Tanong ko at tumango lang naman siya.
"So sa ACE University ka din nagaral noon?" tanong sakin ni Ellaine
"Oo, eh bakit ka nga pala na-late ng enroll?"
"My dad died 2 months ago. Akala ko 'di ko na kaya pang bumangon gusto kong mamatay nalang din pero alam ko naman na ayaw niyang maging ganun ako kaya ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko at gusto niya dito ako magaral kaya gumawa ako ng paraan para makapasok dito and in Jesus name nakapasok nga ako dito kaso late na" nanginginig na sabi niya at bigla niyang pinunasan ang mga tumulo na luha galing sa mga mata niya.
"Sorry" mahina kong sabi. Dapat talaga hindi ko nalang tinanong! Bakit ba kasi napakaepal ko?!
"Hindi okay lang yun" sabi niya. At nagpatuloy na kami sa pagkain.
***
Uwian na pero hindi parin kami pinapauwi kasi may i-a-anounce daw, nandito kami sa Assembly hall ngayon. Nakita ko sila Mica kaso ang layo naman nila samin :(
YOU ARE READING
WHY
Teen FictionAlexandra Velasco ~ Mabait ~ Mapagmahal lalo na sa magulang ~ Maganda ~ Mapagkakatiwalaan ~ Masayahin ~ Higit sa lahat Moody Habang patagal ng patagal napupuno ng tanong na 'bakit?' ang kanyang buhay. At ang dating masayahin ay biglang nagbago.