BAHALAKAYODIYAN! 😂😂🤗🤗
=====================================================
"Surprise!!"
Napanganga ako sa nakita ko totoo nga... totoo ngang uuwi na si papa at mama. Agad kong nilapag yung flowers sa sofa at tumakbo papunta sa kanila para yakapin.
"I miss you" sabi ko sakanila.
"We miss you too" sabay nilang sabi sa akin. Sa wakas masasabi ko na sakanila na sa section 1 na ako
"Im sorry" mahinang sabi ni mama "Masyado kaming busy ng papa mo sa work"
"We didn't have time for you. But we'll make sure this weekend we spend more time for you. Hindi kami aalis"
"Promise?" naiiyak kong tanong
"Promise" sabi ni papa at binuhat ako... para akong bata. EW! pero ok lang si papa naman yun eh. Nakain na kami ng dinner grabe parang may birthday sa sobrang dami ng nakahain dito sa lamesa namin pero kaming tatlo lang naman yung nakain.
"Ma! Pa! may goodnews ako sainyo.... Sa section 1 na po ako ngayon" masaya kong sabi sa kanila
"Really? Kailan pa?" tanong naman ni mama na halata ang saya sa mukha niya.
"Actually last month pa"
"Bakit hindi mo agad sinabi samin?" seryosong sabi sakin ni papa
"Because you've been busy the whole month" mahina kong sabi.
"Oh sorry, well pwede pa naman natin yan i-celebrate ngayon" sabi naman ulit ni mama. Pansin kong may tinitignan si papa doon sa may sala
"Pa, anong pong tinitignan mo sa sala?"
"Nakita kong kanina hawak mo yun, kanino galing yung mga flowers mo?" seryosong tanong niya bago tumingin sakin. P A T A Y. "May nanliligaw sayo? I want to meet him"
"Pa, hindi naman ata nanliligaw yun at kung nanliligaw nga ayoko sa kanya---" Naputol ang pagsasalita ko ng biglang may nag-ring isa sa mga phone namin. Alam kong kay papa yun kasi di naman ganun yung ringtone namin ni mama. Please wag. WAG! Sinagot ito ni papa at bigla naman nag bago ang expresyon ng mukha niya.
"Okay i'll be there" sabi na eh Work. Work. Work. Kailan ba darating yung oras na wala silang iisipin na trabaho?!
"Sorry sweetheart. I need to go may emergency daw" lumapit sakin si papa at kiniss ako sa forehead ko. "Love, I really need to go. Im really sorry" lumapit naman siya kay mama at kiniss din siya sa forehead.
Malapit na siya sa pintuan at lumingon ulit siya saamin "Im so sorry"
"Manang Berna tawagin niyo na po yung iba pang katulong at saluhan na kaming kumain dito" utos naman ni mama. Parang nawala bigla yung gana kong kumain. Maya-maya pa ay umupo na sila sa mga bakanteng upuan lumipat naman si mama sa kaninang pwesto ni papa at kaharap ko ngayon si Zac.
"Zac, kamusta sa school mo?" Tanong ni mama.
"Ok naman po, Ma'am" nakangiting sabi ni Zac habang nanguya.
"I told you not to call me ma'am. Diba sabi ko sayo noon pa man ay tawagin mo akong tita or just call me mama parang kuya ka narin naman ni Alexandra"
"Okay po, tita" sabi ulit ni Zac. Unti-unti bumabalik yung gana kong kumain kasi ang sasaya ng mga taong nakapaligid sakin ngayon. Ang daming kwento nung isang katulong namin at tawa naman sila ng tawa.
YOU ARE READING
WHY
Teen FictionAlexandra Velasco ~ Mabait ~ Mapagmahal lalo na sa magulang ~ Maganda ~ Mapagkakatiwalaan ~ Masayahin ~ Higit sa lahat Moody Habang patagal ng patagal napupuno ng tanong na 'bakit?' ang kanyang buhay. At ang dating masayahin ay biglang nagbago.