=Alex's POV=
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa mall para bumili ng dress sabi ko nga kay mama na wag na kasi marami akong dress sa bahay pero ayaw niya nun kaya ayan binilhan niya ako naghahanap pa nga lang ako ng gusto ko nakapili na agad siya ng para saakin ni hindi ko nga nakita at nasukat yun ang malupet pa dun nakabayad na rin siya. Pagdating na pagdating namin sa bahay pinalabhan niya na agad yung binili namin tapos pinatulog niya muna ako ng 1 oras bago magayos.
Lumabas ako ng kwarto kasi hindi talaga ako makatulog, bago pa ako makababa madadaanan ko pa muna yung mini office nila mama at papa. Dadaan na sana ako ng biglang nakita ako ni mama galing siya sa baba.
"Bakit di ka natutulog?" Tanong niya.
"Mama hindi ako inaantok tsaka di na ako bata para matulog ng tanghali" sabi ko naman Kay mama na ikinataas naman ng kilay niya.
"So anong gagawin mo masyado pang maaga para magayos"
"Hmmm nasan po ba si papa?" Tanong ko
"Nandun siya sa office niya, bakit?"
=Rochelle's POV= (Mama ni Alex)
Pagkasabi na pagkasabi ko kay Alex na nasa office yung papa niya tumakbo agad 'to papunta dun. Sinundan ko nalang siya. Pagkapasok ko dun nakita kong ginugulo niya yung papa niya. Hay nako naman minsan talaga parang bata 'tong si Alex.
"Alexandra. Velasco." Madiin na sabi ng papa niya sa kanya na halatang galit na kay Alex.
"Yes?" Pang-asar na tanong ni Alex. Bigla niyang hinablot yung ballpen na hawak ng papa niya kaya naghabulan silang dalawa dun sa loob ng office hanggang sa inikutan na nila ako.
"Hun, si Alex oh" natatawang sabi ni James. Tinatawanan ko lang sila hanggang sa umabot sila sa baba. Sinundan ko sila. Nakita kong nahabol na ni James si Alex. Tawa ng tawa si Alex.
"Asan na yung ballpen ko?" tanong ng papa niya.
"AHAHAHHAHA WALA NA SAKIN... NAKAY... MAMA NA!"
"HOY! WAG NIYO AKONG IDAMAY DYAN ABA!" natatawa kong sabi. Napansin ko yung iba namin katulong ay nanonood na samin.
"Hun?" tumingin sakin ng nakakalokong tingin si James.
(A/N: James po pangalan ng papa ni Alex)
"James, wala nga sakin!" pero palapit parin siya ng palapit sakin.
"Papa, icheck mo yung bulsa ng pants niya sa likod" sigaw ni Alex sa papa niya. Sa isang kurap ko palang nasa harap ko na agad yung asawa ko at biglang may kinuha sa likod ko, pagtingin ko ayun nga yung ballpen niya nga.
"Tsk. Tsk wala pala sayo ah" nakangising sabi sakin ni James. Tapos bigla niya akong kiniliti
"ALEX! HAHAHHAHAHHAHAHA" sigaw ko habang hinahabol si Alex at hinhabol naman ako ni James
"Kayong dalawa! Nako nako!"
=Alex's POV=
Nakakatawa sila. Para kaming bata na naglalaro na walang paki kung may nanonood samin. Bigla kaming nahuli ni papa na ikinabagsak naman namin sa sahig. Nakahiga kaming tatlo dito sa sahig.
"Pwede pala tayo maging ganito kasaya 'no?" mahinang sabi ni mama. Nakangiti lang ako ang saya sana laging ganito.
*****
Para naman akong ikakasal nito sa sobrang daming nag-aayos sakin. Hindi ako sanay. Pinapunta ni mama dito sa bahay yung mga magagaling na kilala niya na mag-aayos samin ni mama. May nagaayos ng buhok ko may nag-pe-pedicure at manicure. At sumunod na yung make-up. Pagkaharap ko sa salamin ang ganda ko. Pwede pala akong maging tao kahit isang araw lang? HAHAHAHAHA.
"Sa taas ka na magbihis nandun na lahat ng kailangan mo" sabi ni mama na siya naman yung inaayusan ngayon. Sino ba kasi yung kikitain namin ngayon at bakit ganito sila mama ngayon bakit parang napakaimportante nila.
Kasama ko si Manang Berna ngayon para tulungan ako. Pagkapasok ko sa kwarto ko grabe para talaga akong ikakasal Grabe! Grabe! (insert tono ng MAU HAHAHAHAHHAHA jk) Pano ba naman kasi nasa kama ko yung dress tapos nakaayos pa, sandals at accessories na susuotin ko. Kulang nalang photographer eh -__-
"Ano 'ko ikakasal?" tanong ko "Kanina nung inaayusan ako ang dami nila nagaayos sakin tapos ngayon naman ito?" natawa lang naman sakin si Manang Berna. Nakakatawa yon Manang Berna?!
"Malay mo nga doon mo na makita yung mapapangasawa mo" naka ngiting sabi niya. HALA baka i arranged marriage nila akooooo! CHAROTTT!
Ang ganda ko lalo sa dress ko. Yieee bati sa sarili!! The best talagang pumili si mama! Yung Dress at make-up ko simple but elegant. Bumaba na ako nakita ko naman na nakaready na silang dalawa ni papa at mama.
"Ang gwapo naman ng tatay ko! At ang ganda-ganda ng nanay ko!" sigaw ko ng makita ko sila.
"Kamukang- kamukha mo mama mo ang ganda parang isang anghel na binaba ng Diyos para sakin." nakangiting sabi sakin ni papa at bigla naman lumingon kay mama. Ang cute nila sana ganyan din kami ng mapapangasawa ko.
"Hay nako wag mo na kaming bolahin tara na" sabi naman ni mama. Pumasok na kami sa kotse si papa yung nag-drive. Nagcecellphone lang ako kasi ang tagal ng biyahe namin.
"Kilala mo ba yung pupuntahan natin?" tanong ni mama
"Hmmm... hindi? Sino ba sila?"
"Godparents mo hindi mo na aalala? sabagay Ilang taon na rin naman kasi ng last na kita niyo"
Nandito na kami. Nandito kami sa isa sa mga mamahaling restaurant halata naman na pang mayaman lang 'to halata sa mga kilos ng mga nakain.
"Good evening mam sir. Ano pong pangalan ng pinareserve nila?" tanong ng babae
"Mr. and Mrs. Velasco" sagot naman ni mama
"This way po" nakita ko yung table namin na mas maganda pa kaysa sa iba parang pang VIP talaga. Sino ba kasi sila? bakit ganito ka bongga?
Mga ilang minuto palang kaming nakaupo dito ng bigla kong naramdaman na naiihi na pala ako. Tumama yung tingin ko sa entrance ng resto na 'to ng makita ko yung may-ari ng school na pinapasukan ko, at may kausap siya sa ibang table. Ang galing buti siya lang mag-isa. Nagpaalam na ako para mag CR.
Tumawag na sakin si mama kasi ang tagal ko daw at nandun na daw yung ninang at ninong ko. Ang dami-dami kong godparent sino kaya sa kanila yun? Natagalan ako sa CR kasi nagselfie pa ako kasi ang ganda kasi sa CR nila tsaka hindi ko feel lumabas.
Pero lumabas na ako pero nakatingin parin sa ako sa cellphone ko kachat ko kasi si Pauline. Hindi ko tinitignan yung dadaanan ko basta ang alam ko lang ay wala akong mabubunggo at alam ko yung way pabalik kanila mama.
"Alexandra, bakit ang tagal mo? nandito na sila oh" sabi ni mama pero hindi parin natatanggal yung tingin ko sa phone ko "naaalala mo pa ba sila?" tanong ulit ni mama but still hindi parin natingin kung sino sila.
"Alexandra ibaba mo nga muna yang phone mo, puro ka cell phone ng cell phone" sabi naman ni papa.
"hayaan mo na bata eh" sabi nung isang lalaki ng umagaw ng atensyon ko.
Tumingin ako dun sa lalaki ang gwapo at tumingin naman ako sa katabi niyang babae, nanlaki yung mga mata ko nang makita ko yung babaeng katabi niya! Totoo ba 'to? Nasa tapat ko yung sinasabi ni mama na ninang ko DAW? Pero bakit wala si-
"Sorry I'm late" sabi nung familliar na boses pagtingin ko si Clyde pala ngumiti siya sakin "Hi, Alex."
"Clyde?!"
"Missed me?"
YOU ARE READING
WHY
Teen FictionAlexandra Velasco ~ Mabait ~ Mapagmahal lalo na sa magulang ~ Maganda ~ Mapagkakatiwalaan ~ Masayahin ~ Higit sa lahat Moody Habang patagal ng patagal napupuno ng tanong na 'bakit?' ang kanyang buhay. At ang dating masayahin ay biglang nagbago.