Chapter 25: Mga uri nang pasahero sa Jeepney (v.1.0)

9 0 0
                                    

147. Mga uri nang pasahero sa jeep:

1. The Uchicha Clan
Sila ang Mga pasaherong may mga matang hindi mapigilang makibasa sa text nang katabi.

2. The VIP
Sila ang Mga pasaherong hindi alam ang upong otso. Kung maka upo sakop ang dalawang tao. Kakapal ng mukha, kala mo ang binayad dalawang otso.

3. The Kris & Friends
Sila ang Mga pasaherong ubod ng Arte, ang daming reklamo. Kesyo mainit, kesyo masikip. Magtaxi kayo!

4. The bottom line w/Boy Abunda
Sila ang Mga pasaherong makakwento feeling may talk show sa lakas ng bunganga, rinig lahat nang pasahero.

5. The Assistant
Sila yung Mga umuupo sa likod ng driver, makikipag kwentuhan at Taga abot nang bayad. Kakausapin nila yung driver hanggang sa sila ay bumaba at hindi namamalayan ng driver na hindi sya nag bayad.

6. The call center agent
Sila yung Mga english nang English kahit bopols naman sa english ang Kausap. Sila din yung malakas ang boses na akala mo nakalunok nang megaphone.

7. The Feel at home
Sila yung Mga walang pakealam sa uupuan ng iba, basta makaupo sya ng matiwasay at Mga nakade-kwatro pa.

8. The fragile
Sila yung Mga may edad na dapat bigyan ng space na malapit sa pinto para madaling makababa at madalas na nagrereklamo kapag mabilis magpatakbo ang driver.

9. The lastikman
Sila yung Mga goma-goma yung kamay makapag-abot lang ng bayad. Kasi walang may gustong mag-abot nang bayad sa kanila.

10. The lovers
Sila yung ginagawang motel Yung jeepney. Na halos walang pake alam sa ibang Nakakakita makapag-lambingan lang.

11. The model nang shampoo
Sila yung halos ipakain na sa katabi yung buhok, masabi lang na mabango at mahaba ang hair nila

Da Best Of Master Battz JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon