Chapter 21: Hahaha Madness

11 0 0
                                    

Hi Mga loyal readers. Buti nakaabot pa kayo sa chapter na to. Kaya pa? Kahit alam ko na puputok na yung litid nyo sa kakatawa e tinutuloy nyo parin ang pagbasa. I'm planning about making a book two of this joke book? Agree kayo? Comment kayo sa baba kung agree kayo. Pero Wait! May napapansin ba ulet kayo? Parang andaming jokes na Nawawala pa at Parang puro Juan at Pedro jokes? And nawala ulet ang hugots! Well sa Mga susunod na chapters nyo pa sila maeencounter. Well kung Hindi kakayanin sa book two nyo na Makikita ang ibang jokes na hindi pa discovered. For example: Wala pang pick-up-lines and knock knock jokes. O sige. Bye muna. Magbasa na kayo.....Baka sagabal ulet Ako. Hahahahahah. See yaa!

127. Heaven or hell
3 magkakaibigan na nais makarating sa langit. Yun ay sina: Pedro, Juan at ding. Nalasing silang magkakaibigan at nasagasaan ng malaking truck, nung tinakbo sa ospital ay agad agad binawian nang buhay... Nang bumangon ang kaluluwa ni Pedro ay nagulat at Tulog pa daw ang dalawa pero lingid sa kaalaman niya na nasa likod na nya si Juan at ding. Ginulat nila si Pedro at pasigaw na sambit ni pedro: hay nako Multo!
Nagtawanan ang dalawa. Biglang dumating si satanas at si San Pedro. Lumapit ang tatlo.

San Pedro: San ninyo gusto pumunta? Sa langit o impyerno?

Satanas: Masyado nang Puno ang langit kaya may paraan para kayo ay makapasok sa langit.

Ding, Juan at Pedro: Pano?

Satanas: Magbigay kayo ng tanong, pag na sagot ko, laglag kayo sa impyerno. Sino gusto mauna?

Nauna si Pedro.

Pedro: Kelan Ako nagsimula magdrive?

(Na sagot ito ni satanas)

Sumunod si ding

Ding:(Nagbigay nang mahirap na math equation)

(Nasagot din ni satanas)

Pang huli naman si Juan

Satanas: Ikaw Juan Ano ang iyong katanungan?

Juan: Kumuha ka nang upuan.

Satanas: Nag utos pa ang puta. Pero kukuha Ako dahil naeexcite Ako.

(Inilapag ni satanas ang upuan)

Juan: Butasan mo ng pito.

(Binutasan naman ni satanas)

Satanas: Ano ang tanong mo Juan. Pinapagod mo pa Ako eh.

Juan:(Naupo si Juan at umutot) Saang Butas Lumabas ang utot ko?

(Pinagpawisan si satanas)

Satanas:(Nanginginig) Sa pang anim?

Juan: Ay Loko, sa pwet ko tanga!!!

Kaya si Juan ay nakaakyat sa langit

128. 2 Baliw
Baliw 1: Takas tayo!

Baliw 2: Sige! Sisirain natin yung lock sa gate mamayang gabi.

(Kinagabihan)

Baliw 2: Di tayo makakatakas!

Baliw 1: Bakit?

Baliw 2: Hindi nakalock yung gate! Pano natin sisirain ngayong Yan?

Baliw 1: BOBO KA BA?! Edi ilock muna naten tapos tska natin sirain! Mag isip ka nga!

129. Ang tatay, anak at ang kalabaw.
Isang araw, inutusan ng tatay ang kanyang anak na painumin ang kalabaw.

Tatay: Anak!!! Painumin mo kalabaw natin.

Anak: Opo itay!

(Maya Maya Habang nasa malayo ang tatay sumigaw Ito)

Tatay: Anak, pinainum mo na kalabaw natin?

Anak: Opo itay...pero itay hindi po sya umiinom e...(Sigaw nito)

Tatay: E bakit Saan mo ba pinainom?

Anak: Sa baso po itay.

Tatay: Hanggang kailan talaga...bobo at tanga ka talagang bata ka... Lagyan mo nang straw para uminom!

130. Bahay condo
Bahay condo, kahit munti, ang Mga gadgets doon, ay sari-sari. Cellphone, smartphone, iPhone at iPad. Malaki  o maliit ay gadgets padin. Computer, laptop, CD at DVD, at saka meron pa, Flat screen na TV. Facebook, twitter, ebook o wattpad. Sa paligid-ligid ay Puno ng signal.

131. Side
Boy 1: Pre tanong ko lang sayo, ilang side meron yung triangle?

Boy 2: Tatlo pre.

Boy 1: Tama. Eh yung square?

Boy 2: Apat.

Boy 1: Tama. Eh ilang side meron yung circle?

Boy 2:" Nag iisip". Tanga ka ba pre? Pano magkakaroon nang side yung circle ehh bilog Yun. Sige nga sagutin mo nga tanong mo, ilang side meron yung circle?

Boy 1: Tanga ka ba pre. Eh di dalawa.

Boy 2: Pano naging dalawa?

Boy 1: INSIDE AND OUTSIDE.

Boy 2: Oo nga noh.

132. Si Malaki at ang jeep.
Isang araw, sumakay ang Malaki sa jeep. Utot na utot na sya naisip nya na umutot na lang kasi malakas naman speaker nung jeep. Umutot sya ng umutot hanggang sa dumating sa sya sa pupuntahan. Nang bumaba na sya. Lahat nang tao sa jeep ay nakatingin sa kanya. Saka nya napansin na Naka headset sya.

Da Best Of Master Battz JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon