07:30 AM | Sunday
“Good morning, Director Park!”
“Hello, Director Park! Coffee po?”
“Looking good, Sir!”
Umagang umaga ngunit napupuno ng batian ang hallways ng Elysian High dahil sa pagdating ni Jinyoung Park na siyang Director ng Student Affairs Office ng nasabing eskwelahan.
Binalewala lang ng direktor ang mga taong bumabati sa kanya. Diretso lang ang tingin nito at hindi man lang nagbadyang lumingon sa mga taong nasa paligid niya. Mapagmataas ang lalaki at tuwid ang postura habang naglalakad.
Mayroong iba sa mga staffs ang nagbulungan dahil sa kagwapuhang taglay ng direktor. Mayroon namang hindi natuwa dahil sa ginawang hindi pagpansin sa kanila ng lalaki.
Nagpatuloy lang si Mr. Park hanggang sa makarating siya sa pinakadulong kwarto.
Pagpasok na pagpasok ay nawala ang seryosong ekspresyon sa mukha ng direktor. Napalitan ito ng ngisi na parang tuwang tuwa sa nakita.
“Naks, Jinyoung! Big time ka na! Direktor na oh!” Sabi nito sa sarili. Napapalakpak pa ang lalaki at saka nagtatalon palibot sa office na parang bata. Halatang natutuwa siya sa posisyon na nakamit niya.
Nagpatuloy lang ito sa pagdiriwang sa loob ng kwarto nang biglang may magbukas ng pinto. Napa-tikhim ang lalaki at saka muling sumeryoso ang ekspresyon ng mukha.
Pokerfaced niyang nilingon ang taong nagbukas sa pinto. Tumayo din siya ng tuwid at saka nagtaas ng kilay. Kunwari walang nangyari kanina.
“Sir Junior!” Naka-ngiting bungad sa kanya ng babae sa may pintuan. Nakahinga naman ng maluwag ang direktor nang makita kung sino ito.
“Maggie, uso katok 'no?” Sarkastikong sabi ng direktor sa nakababata. Napakamot sa ulo ang babae dahil dito.
“Sorry, Sir. Na-excite lang. Kasi sir, imagine? Director ka na! Parang kailan lang nagcu-cutting pa sila Rica 'pag klase mo na eh!” Sabay na natawa ang dalawa dahil sa sinabi ng babae.
“Sipag at tyaga lang, Maggie. Sipag at tyaga.” Naka-ngiting turan ng direktor. “See? Nagsipag ka sa klase ko dati kaya teacher ka ngayon sa school na 'to.” Dahan-dahang napatango ang babae.
“I still can't believe na pwede pa palang magbago ang Selcouth—” Pinutol ni Mr. Park ang sasabihin ni Maggie.
“Elysian High.”
“I still can't believe na magiging Elysian High ang Selcouth High. But Sir, I think our school really changed for the better.” Bukal sa pusong sambit ni Maggie kasabay nang muling pagbukas ng pintuan sa likod niya.
“I think not.” Masungit na sabi ng babaeng nagbukas ng pinto. Matapos 'non ay hinarap niya si Maggie nang naka-taas ang kilay.
“Kanina pa kita hinahanap tapos nandito ka lang pala. Get out of here! Pumunta ka sa office ko at may ipapa-ayos ako sa'yo!” Tarantang kumilos si Maggie at saka lumabas ng kwarto dahil dito. Napa-iling na lang si Jinyoung dahil sa inakto ng masungit na babae.
“Maggie is your assistant teacher, Rachel. She's not your personal assistant.” Suway ni Mr. Park sa babae. Pinamaywangan naman siya nito.
“What's the difference?” Mapang-uyam na tanong ng babae sa kanya. Mahinang tumawa si Mr. Park at saka dahan-dahang lumapit sa babae.
Itinapat niya ang labi niya sa gilid ng tenga nito at saka ngumisi.
“Why are you so bitter, Chelly?” Kitang kita ang paglunok na ginawa ng babae. Halatang hindi siya kumportable sa ginawa ng direktor. Tinulak niya ang lalaki palayo sa kanya at saka muling pumameywang.
“Don't call me, Chelly! We're not close!” Tinawanan lang siya ni Mr. Park na halatang natutuwa sa pang-aasar na ginagawa niya sa babae.
“Of course, we're close! We've been classmates since 7th grade! Not just that, we've been co-teachers for 3 years now!” Nakakalokong pang-aasar niya pa lalo kay Ms. Rachel.
“3 years yet direktor ka na ngayon. Funny, right? Palibhasa ninong mo ung bagong C.E.O ng school na obviously-- may sapak sa utak. Selcouth High is doing fine yet he came and changed everything.” Napa-iling ang direktor dahil dito.
“Aren't you fed up with that rule, Rachel? Simula bata tayo nandyan na yan. It's about time para magbago ang school na 'to.” Umiling ang babae at mapang-uyam na tumawa. Magsasalita pa sana si Mr. Park nang tuluyan ng lumabas si Ms. Rachel sa kwarto. Napabuntong hininga na lang ang direktor at napa-hilot sa sentido.
Nasa ganoong posisyon pa rin siya nang biglang mag-ring ang telepono na nasa lamesa ng opisina. Agad siyang lumapit dito at saka sinagot ang tawag.
“Good day. Jinyoung Park, Director of the Student Affairs Office. What is it?” Seryosong bungad ni Mr. Park sa taong tumawag sa telepono. Parang nawala ang mapaglarong lalaki na nakikipag-usap kay Rachel kanina.
Nanlaki ang mata ng direktor nang marinig ang boses ng tao sa kabilang linya.
“'Nong, ikaw pala!” Halatang nagalak si Mr. Park sa tawag na natanggap niya.
“Yes, I'm ready for the auditions tomorrow. I'm ready to meet the new 'students'— well if they will pass the auditions. Pero nandito ka ba bukas, 'Nong?” Diretsahang tanong nito sa taong kausap. Parang komportableng komportable siya sa taong ito.
Makalipas ang ilang segundo ay biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Mr. Park.
“Oh... So we wouldn't see Mr. President tomorrow? Too bad...” Malungkot na wika ng direktor. Agad din namang sumigla ang kanyang eskpresyon matapos nito.
“I'm actually excited for the students' reactions!” Napa-tayo si Mr. Park at saka sumandal sa lamesa. Napa-ngisi pa ito at saka tumango tango na parang nakikita siya ng taong kausap niya sa telepono.
“Indeed, 'Nong... The students are in for a surprise.”
![](https://img.wattpad.com/cover/150781652-288-k407342.jpg)
BINABASA MO ANG
Elysian High: Entangled Amoreゞskz & nctゞ
Ficção Adolescente"Love gets entangled at times too." elysian [el-ee-sian] (adj.) beautiful or creative; divinely inspired; peaceful and perfect. ゞstray kids & nct ffゞ ranks achieved; #155 in short story [061018] #161 in short story [061018] #167 in short story [0609...