【 aѕтorιa, нanaeмι, nιca, aмιel, cнanтelle 】
°°°
ASTORIA'S
"On cue, the both of you. One two three go!"
"La ti do re mi fa so la fa~--"
"Astoria!" Natigil ako nang biglang isigaw ni Mrs. Villanueva ang pangalan ko.
"So, Ms. Zhang! So, not fa!" Halata ang inis sa mukha niya at paniguradong lagot na naman ako nito kay mommy mamaya.
Pang-ilang beses ko na bang mali 'to sa practice namin?
"This is just a brief exercise to start our practice pero nagkakamali ka na. Ilang araw ka ng ganito, Ms. Zhang. Bukas na ang auditions niyo pero mukhang hindi ka pa din handa. Is there any problem?" Seryosong tanong niya. Napa-tingin ako sa lalaking nasa gilid ko. Nalaman kong naka-tingin rin siya sa'kin kaya agad rin akong nag-iwas ng tingin.
Muli akong humarap kay Mrs. Villanueva at saka ngumiti ng alanganin.
"Nothing, Mrs. Villanueva..." Napa-iling ang matanda sa'kin at saka inayos ang salamin na suot niya. Magsasalita sana siya ng pigilan siya ng lalaki sa gilid ko.
"Give us a short break, Mrs. V. Ako na muna pong bahala kay Caly." Napa-iling na lang muli ang matanda at tuluyan ng lumabas sa kwartong kinalalagyan namin. Napa-buntong hinga na lang ako dahil paniguradong lagot talaga ako kay mommy nito.
"Caly, what's the problem?" Tanong agad ng lalaking nasa tabi ko pagkalabas na pagkalabas ni Mrs. Villanueva. Patago akong napa-ngiwi dahil sa pangalang tinawag niya sa'kin.
Caly? We're not even close yet he's calling me that.
"I'm not used to this." Simpleng sagot ko.
Totoo naman. Kung hindi lang siguro nagbago ang Selcouth High paniguradong normal pa rin ang routine ko ngayon bago magpasukan.
Pero dahil nga nagbago na ang mga patakaran, tinutulak na naman ako ng mga magulang ko na makipag-kaibigan sa anak ng kasyosyo nila sa negosyo.
Let's just say that I've been forced into a friendship I don't want to have.
Simula bata kami ni Doyoung ay tinutulak na kami ng mga nanay at tatay namin sa isa't isa. Simula bata din kami ay naiirita na ako sa presensya niya. Napaka-ingay niya para sa isang batang lalaki tapos sobrang mapang-asar pa.
Tuwing nasa paligid ang parents namin, magpapanggap kaming naglalaro pero tuwing wala sila, gusto ko na lang itulak palabas ng bahay namin si Doyoung. Ganoon ako kairitado sa kanya.
Nagpatuloy ang pagpapanggap namin hanggang sa tumungtong kami ng 9th grade wherein nagtransfer kaming dalawa sa Selcouth High.
Selcouth High has been my escape for the past 4 years. Wala nang nagawa sila mommy dahil hiwalay ang mga babae at lalaki sa loob ng campus kaya hindi din kami makakapag-usap ni Doyoung. Pero ngayon? Balik na naman kami sa pagpapanggap.
BINABASA MO ANG
Elysian High: Entangled Amoreゞskz & nctゞ
Fiksi Remaja"Love gets entangled at times too." elysian [el-ee-sian] (adj.) beautiful or creative; divinely inspired; peaceful and perfect. ゞstray kids & nct ffゞ ranks achieved; #155 in short story [061018] #161 in short story [061018] #167 in short story [0609...