Dahil hindi ako marunong gumawa nang prologue, chapter 1 na agad! HAHAHA
***
"Dane, come here I'll show you something."
Sumunod ako ss kanya at dinala niya ako sa isang malaking puno na may nakasabit na kahoy na duyan.
Umupo siya at tinapik niya ang katabi niya at pinaupo niya ako sa tabi niya.
"alam mo ba, palagi akong nagpupunta dito. Dito ako nagbabasa nang libro."
"talaga? Ang ganda dito. Gusto ko ring magkaroon nang ganito. Kaso wala namang puno sa bahay namin."
"esheshare ko nalang ito sayo. One day babalik ka at babalik tayo dito."
"talaga?"
"oo naman."
Sa mga sandaling yun, nakikita ko na ang lungkot sa mga mata ni Cloud. Alam kong ayaw niya akong umalis. Dahil bukod kay Sky ako lang ang kaibigan niya.
Inukit pa namin ang pangalan namin sa puno.
Cloud ⭐ Dane.
"bakit star?" tanong ko sa kanya.
"kasi bata pa tayo. Kailangan muna nating tapusin ang studies bago nating gawing heart." sagot niya saakin.
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
Paano niya magagawang heart ang star na nakaukit na?
Napatapos ang pag uusap namin nang tawagin na kami nang ninang Fenech niya.
"tara na cloud, hinahanap na nila tayo."
Nauna ako sa kanyang maglakad.
Pero huminto ako nang tawagin niya ang pangalan ko.
"please stay..."
Ngumiti ako sa kanya.
"aalis ako pero babalik din ako. Babalikan kita?"
Napaupo ako at hingal na hingal. Pinagpapawisan din ako kahit na naka aircon ang kwarto ko.
Napanaginipan ko na naman siya. Simula nang lisanin ko ang Pilipinas para pumuntang Japan ay walang araw na hindi ko siya napapanaginipan. Nakikita ko palagi ang mukha niya sa aking panaginip.
Kong noon ay natutuwa pa ako pero ngayon hindi na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako tuwing napapanaginipan ko siya.
Sa totoo lang, nagpacheck na ako sa psychiatrist pero wala silang nakikitang mali sa ulo ko.
Minsan nakwento ko na to kay Sharlene. Ang sabi niya lang ay baka namimiss ko ang taong yun kaya palagi ko siyang napapanaginipan.
Nagrinh ang cellphone ko. Its Sharlene.
Alas nuebe na pala nang gabi. Kaya pala tawag na siya nang tawag saakin.
"bruha anong oras ka pupunta dito? Yong mga fan boys mo inaabangan kana."
Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi niya dahil sa ingay.
At dahil wala akong maintindihan ay pinatay ko na ang tawag niya.
Tumayo ako at nagbihis.
BINABASA MO ANG
PLEASE STAY
Fanfiction#5 fanfiction Oct.2.2018 #5 Random Oct.2.2018 One night mistake series. "i want you to know that i love you so what do i have to do? tell me i just want you to feel thr same way too you're so beautiful in my eyes my heart is racing and i can't deny...