Chapter 17

1.5K 136 48
                                    


Maiinis kayo sa kamarteran dito ni Dane habang tumatagal ang story. Hahaha

Dane POV

Wala naman akong balak na sumama kina Mommy pumuntang Cagayan pero dahil sa nangyari saamin ni Cloud ay napilitan akong sumama.

Kay Ms. Ramirez lang ako nagpaalam, sinabi ko lang na magbabakasyon kami dahil dumating na si Mommy. Sinabi ko rin sa kanya na wag nang sabihin pa kay Cloud. Buti nalang at um-oo siya kahit di naman ako sigurado kong di niya talaga sasabihin. Syempre anak parin nang may ari ng DEB yun.

Kagabi pa tawag nang tawag si Cloud saakin pero hindi ko siya sinasagot. Nagpunta rin siya sa bahay pero hindi ko siya nilalabas. Buti nalang talaga at masarap ang tulog nila Mommy at hindi siya nakita kung hindi, diko alam kong anong sasabihin ko sa kanila.

Sinundo kami ni Tita Liezel sa Airport. Tingin palang niya ay sigurado akong hinuhusgahan na niya ako.

Palagi niyang sinasabi noon na para na akong pokpok sa ikli nang short ko. Masyadong matalas ang dila niyan kaya hindi ko talaga siya nakakasundo.

Panay ang kwentuhan nila ni Mommy, ang ending lang naman niya ay mangungutang siya nang pera.

Wala kasing swerte yan si Tita Liezel sa dalawa niyang anak na babae dahil parehong maaga pa nagbuntis. At yong dalawa namang lalaki ay nag aaral pa at si Mommy ang nagpapaaral sa kanila.

"buti naman naisama niyo dito itong sina Dane at Pat. Simula ata nang lumuwas yan sa Manila ay hindi na umuwi dito."

Napairap ako. Buti nalang talaga nakashades ako kung hindi sasabihin niya na naman na wala akong galang.


"busy lang talaga sa pag aaral yang anak ko. Nakakatuwa nga dahil kahit walang nagbabantay sa kanya, malapit na siyang grumaduate. Naku, tatlong buwan nalang makakatapak na ako sa stage." proud na proud na sabi ni Mommy.


Buti nalang at nakarating na kami sa bahay.

As usual, may mga kapitbahay na chismoso at chismosa, dagdagan mo pa ang mga kamag anak mong ginagatungan ang sinasabi nila.

Panay bati sila kay Mommy, pero ako dumerecho na ako sa loob nang bahay. Kesa naman makipagplastikan pa ako sa labas.

Nakasalubong ko ang anak ni Tita Liezel si Luna. Ang laki na nang tiyan niya.

Kung sino pa talaga ang feeling mahinhin yun pa ang dina virgin.


"Dane buti naman sumama ka kay tita Lucy." nakangitinh bati niya.

Plastik.

Madalas ko tong makaaway noong highschool kami dahil sumbungera buti sana kung walang dagdag ang sinasabi niya eh may tubo naman.


"napilitan lang ako. Ang laki na nang tiyan mo ah, pang ilan naba yan?"


"pangatlo na." tuwang tuwa pa siya.

"pangatlo na? At dito parin kayo nakatira sa bahay namin? Dapat bumubukod na kayo nang asawa mo, may sarili na kayong pamilya at lumalaki na. Masyado nang masikip tong bahay na to."

Napangiwi siya sa sinabi ko. "hangganh ngayon mayabang ka parin. Wag kang mag alala kaag nakahanap na nang trabaho ang asawa ko bubukod na kami dito." galit na sabi niya.

"buti naman!"


Iniwan ko na siya doon at dumerecho sa taas sa kwarto ko.

Ipapasok ko palang ang susi nang kwarto ko nang bukas na ito.

Napapikit ako nang mariin.

Pinakialaman na naman nila ang kwarto ko.

Pagpasok ko, wala namang naiba bukod sa closet ko. Ang dami nang bawas sa damit ko.

PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon