Chapter 15

1.5K 124 62
                                    


***

Dane POV

"Anak!"

Kumakaway na sabi ni Mommy, habang nagmamadali silang lumapit sa pwesto ko.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

Parang isang taon lang naman nong huli kaming nagkita pero ang laki na nang kapatid ko.

Yumakap saakin sina Mommy at Mama Ludy. "namiss kita Apo." sabi ni Mama Ludy.

"namiss din kita Ma."

"buti naman nasundo mo kami. Wala kabang intern o pasok ngayon?" tuwang tuwa na tanong ni Mommy.

"nagpaalam ako Mom." gusto pa ngang sumama ni Cloud sa pagsundo sa kanila pero pinigilan ko siya. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na may jowa na ako baka mamaya mabigla sila.

"buti naman pinayagan ka."

Tumango nalang ako kay Mommy at tinulungan na sila sa mga dala dala nilang gamit.

Dumerecho kami sa apartment ko, wala si Pat dahil may pasok siya ngayon.

"maliit pala tong inupahan mong apartment anak"

Umupo ako dahil napagod ako sa pagbubuhat nang mga gamit.

"dalawa lang naman kami ni Patricia, okey na saamin to."

"kahit na, hindi kaba nagpapapunta nang kaklase mo dito? Hayaan mo maghahanap tayo nang mas malaki dito."

"wag na Mom. Aalis din naman kayo diba? At sa Cagayan naman kayo magstay?"

Nagkatinginan sila ni Mama Ludy. "hindi na sila babalik nang Japan anak. Dito na sila magstay for good" sabi ni Mama Ludy na ikinagulat ko.

"anu?"

"namatay na kasi ang Papa ni Ryo. Nong nakaraang buwan. At wala nang dahilan para magstay pa sila doon. Isa pa, maliban sa naipon nang Mommy mo doon nong nabubuhay pa ang asawa niya ay wala nang ibinigay sa kanya ang mga anak nang asawa niya."

Naguilty ako. Wala akong kaalam alam sa nangyayari sa buhay ni Mommy.

"im sorry, hindi ko alam."

Ngumiti si Mommy saakin."okey lang anak anu kaba. Ang mahalaga ngayon magkakasama na tayo."

Kahit di aminin ni Mommy, alam kong nalulungkot siya sa nangyari sa asawa niya.

Nakakaguilty lang talaga, dahil ang laki nang nagastos saakin nang asawa niya pero kahit kailan hindi ko siya pinakisamahan nang maayos. Sa totoo lang, mabait naman talaga ang napangasawa ni Mommy, hindi ko lang talaga matanggap na may pumalit sa pwesto ni Daddy.

"anak, pwede kabang magpaalam sa Boss niyo? Kahit tatlong araw lang, sumama ka saamin sa Cagayan."

Nilingon ko si Mommy. "hindi ko alam kong papayagan ako Mom. Isa pa may hinahabol kaming oras. Kailangan naming matapos ang 350 hours before feb. Para mafinalize na kong gagraduate ba kami o hindi."

"ganun ba? Edi sa sabado at linggo Nak. Kahit umuwi ka agad dito sa Manila." mapilit na sabi ni Mommy.

Suminghap ako. "pag iisipan ko Mom. Magpahinga nalang muna kayo, may pasok ho ako ngayon sa school."

Tumayo na ako sa pagitan nilang dalawa.

"hindi kaba dito maglalunch?"

"sa school na Mom. Baka matraffic pa ako."

Tumalikod na ako sa kanila.

Naiilang akong kasama si Mommy.

Ganyan talaga siguro kapag matagal mong hindi nakakasama. Kapag minsan mo lang makausap, nakakaramdam nang awkwardness.

PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon