Dane POV
"Hello Dane anak?"
"Mom? Why?"
Tanong ko kay Mommy. Bigla nalang kasi itong tumawag saakin. Nasa kalagitnaan pa naman ako nang edsa.
Magkikita kita kami ngayong tatlo nila Sue and Sharlene.
Hinatid lang kasi ako kanina ni Cloud pauwi at hindi na siya nagstay sa bahay nang matagal dahil may aasikasuhin padaw siya. So nagpaalam din ako sa kanya kung pwede akong umalis kasama sina Sue, and pumayag naman agad siya basta wag lang sa Rebel.
Problema nang may mga Jowa.
Kailangan magpaalam kung saan pupunta.
Kung sino ang kasama.
Kung anong oras uuwi.
Napailing nalang ako. Masaya naman ako, dahil alam kong worried lang siya kaya nagtatanong siya saakin. Magtataka ako kung wala siyang pake saakin!
"How are you? Nahulog ko na kahapon yong allowance mo this week. Pero nak, hindi ko mahuhulog yong allowance mo nextweek dahil uuwi din kami diyan!"
Bigla akong napapreno nang malakas. Kung wala lang akong seatbelt ay baka nauntog na ako.
"anu?"
"yes nak, uuwi kami nextweek. Kasama ang kapatid mo at si Mama Ludy."
"bakit?"
"anong bakit? In 3 months graduation mo na. Aba kailangan nandiyan kami. Napaaga lang dahil diyan kami magpapasko and new year.."
May usapan pa naman kami ni Cloud na sa ibang bansa kami magpapasko. Hindi pa kami sigurado kung saan. Pero sabi nang Mama niya ay baka sa Germany kung saan nandoon ang lolo at lola ni Cloud.
At isa pang inaalala ko, hindi pwedeng malaman nang parents ni Cloud na uuwi sila Mommy, paniguradong mangungulit yun makipagkita sa kanila. Jusko! Riot yun kapag nagkataon!
Nasa Caffe na sila Sue nang makarating ako. Sanay na naman sila, palagi naman talaga akong late.
"anong ganap teh. Missing in action kana netong nakaraang linggo ah."
Bungad agad saakin ni Sharlene.
"oo nga, namimiss kana nang mga fanboy mo sa Rebel." dagdag pa ni Sharlene.
Tinawanan ko sila. "pwedeng pakape muna bago kayo magtatalak diyan. Tsaka bakit ba ako ang tinatanong niyo. Alam niyo naman kung nasan lang ako lagi kapag wala ako sa rebel. Kayo... Kayo ang dapat kung tanungin. Anong ganap niyo sa buhay?"
Biglang napahampas si Sharlene sa lamesa.
"so ito na nga! Kilala mo naman si Kirsten diba? Yong reyna nang mga malalanding higad na binudburan nang espasol? Tangina, itong sugat ko---" turo niya sa may pisnge niya. "siya ang magy gawa neto. Msgkatabi kasi kami ni Cloud sa upuan, akala niya isa ako sa mga flings ni Cloud, ayun nakatikim lang naman ako nang sampal at sabunot na kanya! Walangya, buti nalang natatakpan nang concealer kaya hindi gaanong halata."
"anu?" takang tanong ko.
"gulat ka no? Akala mo kasi kung sinong santa sa school warfreak pala ang babaeng makati na yun."
"i mean, si Cloud nagpupunta sa Rebel?"
"may bago ba dun? Nong nakaraan lang hindi nakapunta yun. Pero madalas naming makasama yun. Sayang wala ka! Ang saya saya nang grupo nila infairness!"
Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko.
Walanghiyang yun, pinagbabawalan akong pumunta dun tas malalaman laman ko nagpupunta pala ang siraulong yun doon.
BINABASA MO ANG
PLEASE STAY
Fanfiction#5 fanfiction Oct.2.2018 #5 Random Oct.2.2018 One night mistake series. "i want you to know that i love you so what do i have to do? tell me i just want you to feel thr same way too you're so beautiful in my eyes my heart is racing and i can't deny...