Chapter 4

1.8K 158 54
                                    

Dane POV

"Good Morning Beautiful." halos atakihin ako sa puso nang biglang may sumulpot sa likuran ko.

Pagharap ko, si asungot na naman.


"anu na naman?" inis na tanong ko sa kanya.

Wala talaga siyang balak tigilan ako no?!


"oh puso Mo, ang aga aga nagsusungit kana." nakangiti niyang sabi.

Sa sobrang lapad nang ngiti niya, nakakatakot na siya.

"ang aga aga ang pangit nang makikita! Tsk tabi nga!"

Tinabig ko siya kaya nakadaan ako.

Pero si Asungot sinusundan ako nang sinusundan.



"nagbreakfast kana ba?"


"tara kain tayo, my treat.".



"siguro kumain kana nang breakfast. How about lunch? Dinner?"



"uyyy pansinin mo naman ako, anu bang gusto mong gawin ko?."


Nangigil akong humarap sa kanya.



"anong gusto ko? Tigilan mo na ako! Wala kang mapapala saakin. Hinding hindi mo ako makukuha! Alam mo kung bakit?! Wala akong balak magkajowa lalo na kung sa isang tulad mo!"


Muntik ko nang pagsisihan ang sinabi ko nang makita ko ang sa mata niya.

Pero hindi, hindi ako maaawa sa kanya. Walang wala pa yan sa dami nang babaeng sinaktan niya.



Nauna akong sumakay sa elevator. Nakatingin lang siya saakin, habang papasara na ang elevator.

Guilt! Yan ang nararamdaman ko! Masyadong masakit ata ang sinabi ko ss kanya.


P*ta naman oh!

No Dane, wag kang papaapekto sa mga mata niya. Nagdadrama lang yun. Baka nga mamaya isa sa paraan niya yun para makuha niya ang mga babae.

Naiinis akong umupo sa upuan ko. Nagulat pa si Sky sa ginawa ko.



"anyare teh? Bat parang buhat buhat mo ang buong mundo?"




Napahilamos ako sa mukha. "yong kuya mo, diba ba niya ako titigilan? Naiirita na ako sa kanya. Alam mo yun, tuwing papasok nalang ako dito, kinukulit niya ako nang kinukulit. Simula pa nong isang araw kung anu ano nang binibigay niya saakin. Naiirita na ako Sky! Nahihiya din naman ako sa mga nakakakita saamin."



Humagalpak siya sa tawa. -__-
.


Anong nakakatawa? With feelings ang pagkakasabi ko tapos tinawanan niya lang ako.



"anu ba Sky? May saltik kana rin ba? Nasa lahi niyo ba yun?"



"eh kasi naman Maddy, yong mukha mo inis na inis talaga. Ganun ba talaga ang galit mo sa kuya ko? Hayy naku, baka naman kasi seryoso si Kuya sayo. Alam mo yan si Kuya, hindi pa nag effort yan sa mga flings niya. Ni hindi nga yan nagbibigay gaya nang ginagawa niya sayo. Kung meron man siyang binibigay sa mga mahaharot na babaeng yun, SPERM, yon lang ang binibigay niya." natatawang sabi niya.




May saltik nga! Walang filter din ang bunganga nito eh,. Kaya nagkakasundo kaming dalawa.



"baka puti na ang uwak hindi parin nagbabago yang kuya mo."




"bakit hindi mo subukan para malaman mo. You know... There's no harm in trying" kinindatan niya pa ako.



Grrrr. Nakakakilabot. Parang nakita ko si Asungot sa kanya nong kumindat siya.




PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon