Ronald's POV
Holly cow! Ano ba naman tong mga kaklase ko?Tumahimik lang ng saglit ayan na naman sila at naguumpisa na namang silang magingay.
Nagpakawala nalang ako ng hininga at napailing. Wala na talaga silang pag-asa. Napabaling naman ang atensyon ko kay Keanne na presidente ng aming klase. Nakabusangot ang kanyang pagmumuka habang nagsusulat, marahil naririndi narin sa ingay sa paligid.
Mas bagay talaga kay Keanne ang nakangiti at parating malakas ang bunganga.
Si Keanne? Maganda sya. Mabunganga nga lang. Magmula first year ay magkaklase na kami ni Keanne ngunit ni isang lalaki ay wala akong nakita na nagtangkang manligaw sa kanya dahil sa taglay nyang bungangang napakalas. Isa narin siguro ako sa mga lalakeng di makalapit sa kanya at natotorpe sa bunganga nya.
Isang ngisi ang lumapat sa aking mga labi ng makita kong tapos ng magsulat si Lesley sa pisara. At sakto dahil tapos narin ako.
Tumayo ako at nagumpisang maglakad at tinanggal ang lahat ng emosyon na namumutawi sa aking mga mata at umupo sa lamesa.
Namutawi ang katahimikan kaya sinamantala ko na ang pagkakataon."Lahat ng kumpleto na at tapos na ay lumapit sa akin." Malamig kong sabi at tuluyan na silang natahimik at lahat ay napayuko at sinimulang magsulat
Yeah. I'm hella serious. Hindi kayo masaway kanina eh. Don't mess with my future girl. Keanne.
SA GITNA ng katahimikan ay tanging ingay lamang ng upuan ang namutawi kaya lahat ng atensyon ay sa kanya napunta.
Lihim akong napangisi ng makita kong tumayo si Keanne ng may ngiting tagumpay.
Napakaganda.
Lumapit sya sa akin at ibinigay ang kanyang notebook upang ipa-check.
Habang tsine-chekan ko ang notebook nya unti unting nawawala ang mga ngisi sa aking mga labi. Alam kong marami talaga kaming sinulat pero habang tumatagal unti-unting pumapangit ang sulat nya - thou i find it cute kahit parang kinalahid na ito ng manok.
Pagkatapos kong chekan ay binigay ko na sa kanya ang papel nya kaya naman bumalatay na naman ang mga ngiti sa kanyang muka.
Ugh. That smile. Stop it Keanne! Para akong nasakay sa roller coaster kapag nginingitian mo ako.
"Walang lalabas pag hindi tapos yang mga notes nyo" nakangiting sambit ni Keanne dahilan para umingay na naman sa loob ng classroom dahil sa kanilang sari't-saring mga reklamo.
Napangiti na naman ako ni Keanne. Hays, baliw na baliw na talaga ako..... sa kanya. Baliw na baliw
Athena's POV
Hays anong pesta naaa! Di parin ako tapos sa mga notes na ito! Ugh. Kung mabilis lang kasi ako magsulat edi sana tapos nadin ako.
Unang natapos ay si ronald ang Vice President. Kanina pa. At wala talaga syang awa, chinecheck lahat kung kumpleto pa at kapag pumasa naman ay dito lang din papayagan ni keanne- ang presidente namin na pangalawa namang natapos magsulat.
"The importance of ha- '' napatigil naman akong magsulat ng biglang nawalan ng inta ang ballpen. Ohmaygash? Bat ngayon pa
"Kainis naman" mahina kong reklamo at dali dali akong naghanap ng extra ballpen sa bag.
At dahil sinuswerte ako ngayon araw ay wala talaga akong makita. Hanubayan! Why so freakin' lucky athena? Napakot nalang ako ng ulo.
Tumingin ako sa harapan ko pero nadismaya ako dahil wala na duon sila Klein. Kanina pa ata lumabas.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love (On-Hold)
Fanfiction"Unrequited love". -- or one-sided love is love that is not openly reciprocated or understood as such by the beloved. The beloved may not be aware of the admirer's deep and strong romantic affection, or may consciously reject it.